Lalong lumala ang kalagayan ni Mr. Ibañez. Dahil kailangan nitong sumailalim sa mas kumplikadong operasyon, nagpasya ang pamilya ni Tristan na dalhin siya sa America para doon gamutin. Wala nang nagawa si Tristan kundi sumama. Kahit masakit, kailangan niyang iwan si Carmen. Isang buwan na ang lumipas simula nang umalis si Tristan. Ngayong gabi, nasa kwarto si Carmen, sinusubukang mag-aral para sa exam kinabukasan. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya makapag-concentrate. Paulit-ulit lang ang pagbuklat niya ng libro pero ang nasa isip niya, si Tristan. Kaya kinuha niya ang cellphone niya at nagdesisyong tawagan ito. Nag-ring lang ng ilang beses bago sinagot ni Tristan. "Still awake? Isn't it like... the middle of the night there?" bungad ni Tristan, medyo paos ang boses pero masigla

