Chapter 13

1202 Words

Pabalik na si Tristan sa table nila nang mapansin niyang nagsasayaw na si Carmen at Jomar. umalis kasi siya kanina para balikan si Jay kaso nga lasing na ito. kaya nagsisi siya, kung bakit iniwan niya si Carmen. Panay ang hiyawan nila Kim at ng barkada nito. Nandoon na rin sila Arnold at ilang mga seniors nila sa university. Naiinis na lumapit si Tristan at biglang hinila si Carmen. "Let's go home!" sigaw niya. "Nasaan si Wendy?" "'Di pa ako uuwi!" mariing sagot ni Carmen. "Sayaw tayo!" sabay yakap niya kay Tristan. Kumalas si Tristan sa yakap ng dalaga. Gusto niya itong hilahin palayo pero hinarang siya ni Jomar. "Bro, huwag ka naman ganyan. Nagkakasayahan lang," sabing mahinahon ni Jomar. "Oo nga, let her be wild—ay, happy pala!" asar na dagdag ni Kim. "Don't touch me! Ano ba!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD