Friday ng umaga. Tinititigan ni Carmen si Wendy habang nagbibihis ito ng uniform. Hindi muna siya papasok nang maaga gusto niya kasing makausap ang pinsan niya. Although okay naman na sila kagabi. Napansin naman siya ni Wendy. "Bakit?" tanong nito. Lumapit si Carmen at niyakap siya. "May topak ka pa?" malambing niyang biro. Umiwas si Wendy. "Sira!" pero napatawa na rin. "Grabe ka kagabi. Ang lakas ng topak mo," sabi ni Carmen, sabay pisil sa braso nito. "Tapos sinasabi mo pang ang saya ko kasi binibigyan ako ng atensyon nung magpinsan." Ang tinutukoy niya ay sina Tristan at Jay. Seryosong tumingin si Wendy sa kanya at napabuntong-hininga. "Ewan ko. Naiinggit kasi ako sa'yo." Napatawa si Carmen. "Baliw ka talaga! Niloloko mo lang ako, 'no?" "Hindi ako nagbibiro," sagot ni Wendy

