Maaga pa rin kung gumising si Carmen, gaya ng nakasanayan. Hindi naman siya inuutusan, pero kusa siyang bumabangon para tumulong kina Nanay Gina at Nanay Siony sa kusina. Para sa kanya, parte na iyon ng araw niya—isang bagay na nagpapagaan ng pakiramdam niya tuwing umaga.
Pagkabihis ay agad siyang umalis ng bahay. Medyo nagmamadali siya ngayon—marami siyang kailangang tapusin sa school.
Habang naglalakad papunta sa jeepney terminal, napatigil siya nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa ilalim ng poste. Si Tristan.
Puting t-shirt lang ang suot nito, pero napansin niyang ang ayos tignan ng binata. Gwapo pala talaga siya. Bakit ngayon ko lang ito napansin? Mabait naman kasi siya... o baka mabait lang siya sa'kin?
Nagtagpo ang mga mata nila. Napalunok si Carmen.
"Why are you standing there?" nakangiting tanong ni Tristan.
Ipinilig niya ang ulo, parang nilalabanan ang sariling pagngiti. Lumapit siya.
"Bakit, andito ka?" tanong niya.
"Sabay na tayo pumasok. Dito kasi ako natulog kina Jay kagabi—malapit lang bahay niya sa inyo."
"Saan nga pala nag-aaral si Jay?"
"Tapos na siya. Business Admin yung course niya. May sarili na siyang negosyo—Resto Bar."
Napakunot-noo si Carmen. Ibig sabihin, mas matanda pala si Jay? Hindi halata, baby face kasi ito.
"Bakit?" tanong ni Tristan, pansin ang reaksyon niya.
"Ha?"
"Para kang nagulat."
"Ah, akala ko kasi ka-age lang natin siya. Mukha siyang bata."
Tumango si Tristan. "Oo nga, madalas napagkakamalang college student pa rin 'yun."
Sa Loob ng Jeep. Siksikan. Mainit. At obvious na hindi sanay si Tristan sa ganitong sakay. Napatingin si Carmen sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong niya, may halong pag-aalala.
"Sana hindi ka na sumabay sa akin."
Ngumiti si Tristan. Okay lang ako, tila sabi ng ngiting iyon.
**********************
Punô ng energy ang campus—malapit na ang exams. Habang naglalakad si Carmen, napansin niya sina Arnold at Kim, magkasamang tumatawa. Bagay sila, naisip niya. Hindi na siya nagulat—palaging may kasama si Kim, at karamihan ay boys.
Lumapit sina Cheska at Eloisa.
"Sama ka sa amin mamaya? Study group kasama si Thea," masiglang sabi ni Cheska. Si Thea—kilala bilang isa sa pinaka-matalino sa buong department.
"Sige, magpapaalam na lang ako kay Tita Belen. Kailangan ko rin talagang mag-review."
Nadaanan nila si Tristan sa may bench, nakatungo sa libro.
"Hey, Tristan! Sama ka sa study group?" tanong ni Cheska.
"Okay," maikling sagot nito, hindi na inalis ang tingin sa libro.
"Alright," sabay baling ni Cheska kay Eloisa. "Next time you skip study group for a date, you're out!"
"Fine!" Umismid si Eloisa.
Study Group Scene
Sabay-sabay silang dumating sa venue. Pagpasok nila, andun na rin sina Kim at ang barkada nito—kasama si Tristan.
"Wow ha, top students in the house!" biro ni Cheska, tinutukoy sina Thea at Tristan.
Tahimik lang si Carmen. Pero napatingin siya kay Tristan. Seryoso ito, nakatutok sa binabasa. Ganito siya noon pa—palaging focus, palaging composed.
Napansin ng binata ang tingin niya.
"May sagot ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi ko alam paano simulan eh."
Kinuha ni Tristan ang libro at nagsimulang magpaliwanag. Simple, malinaw, hindi intimidating. Mas naintindihan pa niya kesa nung tinuro sa klase.
"You just need to master the concepts and the formulas. Hindi ka na malilito," sabi nito.
Tahimik sina Thea at Cheska. Napatingin sandali, pero nagpatuloy na rin sa review. Lahat abala. Pero si Carmen—ang isip, bahagyang na-distract. Bakit parang ang bait-bait mo sakin, Tristan?
Nauna na si Carmen pumunta sa restroom pagkatapos ng study group. Hindi niya inaasahan na andun si Kim—nag-aayos sa harap ng salamin.
"Hi, Carmen," bati ni Kim, nakangiti.
Tahimik si Carmen. Sinara niya ang pinto ng cubicle, pero bago pa makagalaw...
"I like Tristan."
Parang nabingi si Carmen. Napako siya sa kinatatayuan.
"What's wrong? That made you uncomfortable?" Patuloy na sabi ni Kim.
"No. Nabigla lang ako." Pilit ang ngiti niya.
"Alam mo, mula nung una ko siyang makita, gusto ko na siya. Pero ang hirap niyang makuha. Parang wala siyang pake."
Walang masabi si Carmen.
"Can you help me? You're close to him, right?" Malambing na sabi ni Kim.
"Well... I don't think I can help you." Sagot ni Carmen.
"Why? Do you like him too?" Tumaas ang tono ng boses ni Kim.
"It's not that. I just think... you won't need my help. Maganda ka, matalino. Natural lang na magkagusto sa'yo ang kahit sinong lalaki." Pagpapaliwanag ni Carmen.
Tumaas ang kilay ni Kim. "Pretty ka rin naman. And let's be real—ikaw ang may atensyon ni Tristan."
"Magkaklase kami since elementary. Kaya siguro komportable siya." Deffensive na sabi niya.
Hindi sumagot si Kim. Mataray lang itong nakatingin sa kanya.
"I'm sorry kung na-offend kita. Pero..." Hindi na niya natuloy. Pumasok na sina Cheska at Eloisa.
"Hi, pretty Kim!" bati ni Cheska.
Nginitian lang sila ni Kim ng tipid. "I hope you consider my request, Carmen. See you around."
Naiwan si Carmen at Cheska habang si Eloisa ay nasa cubicle.
"She asked you to help her with Tristan?" gulat ni Cheska.
Tumango si Carmen.
"Hay naku. At kung hindi mo siya matulungan, ikaw pa masama?" Umirap si Cheska. "At kung hindi naman siya gusto ni Tristan, problema mo rin?"
Tahimik si Carmen.
Siniko siya ni Cheska. "Don't tell me you're actually thinking of helping her."
"I said no. I told her."
Paglabas ni Eloisa, hinila na ni Cheska si Carmen palabas.
"Let's go. Hindi natin kailangang isipin si Kim. May alam akong lugar na perfect para ma-refresh ka. And no, hindi siya kasama."
***************************
Bumalik na si Carmen sa table. Inisa-isa niyang ayusin ang mga gamit niya—notes, ballpen, libro. Pero ang totoo, lutang ang isip niya. Hindi niya maalis sa isipan ang sinabi ni KIm.
Parang naririnig pa rin niya ang boses nito sa loob ng utak niya.
"Okay ka lang?" tanong ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran.
Napapitlag siya. Agad siyang napalingon.
Si Tristan.
Akala niya'y nakaalis na ito. Pero andun pa pala—nakatingin sa kanya, nakakunot ang noo, halatang nag-aalala.
"Ah, oo... okay lang." Tango at pilit na ngiti ang naging sagot niya.
Tahimik lang si Tristan. Hindi ito umalis, sa halip ay umupo sa kabilang side ng table. Pinagmasdan siya habang patuloy niyang isiniksik sa bag ang notebook niya.
"Hindi ka naman ganyan kanina. May iniisip ka ba?"
Umiling si Carmen. Pero hindi rin siya makatingin nang diretso sa binata.
"Wala... siguro pagod lang." Mahinang sagot niya.
Tila hindi kumbinsido si Tristan. "May sinabi ba si Kim na nakasama sa'yo?"
Napatigil si Carmen. Nag-angat siya ng tingin, nagtama ang kanilang mga mata. " Paano mo nalaman na nagka usap kami ni Kim?
" Narinig ko pagdaan ni Cheska at Eloisa." Paliwanag ni Tristan.
Sasagot pa sana si Carmen pero hinila na siya ni Cheska.