Pagdating nila sa bus, hindi si Carmen ang katabi ni Tristan. Pinilit ni Cheska na siya ang umupo sa tabi nito.
So, si Cheska at Tristan ang magkatabi. Si Carmen naman ay naupo sa tapat nila — katabi si Roy.
Nagkatinginan sina Carmen at Tristan. Nakita niyang nakasimangot na ito.
Buti nga, bulong niya sa isip.
Pero... baka mamaya lumabas ang snobbish attitude niya. Kawawa naman si Cheska. Mukhang masayang-masaya pa naman siya.
Eh pero... bakit ako affected kung hindi kami magkatabi? Sino ba siya, 'di ba?
Pinilit na lang ni Carmen na i-divert ang atensyon niya. Nakipagkwentuhan siya kay Roy.
Habang umaandar ang bus, nagsimulang magkuwento si Roy kay Carmen tungkol sa course nila sa Chemistry at kung gaano siya na-excite sa bagong environment.
"Actually, first choice ko talaga 'to," sabi ni Roy habang nakatingin sa labas ng bintana. "Parang ito 'yung field na alam kong bagay sakin, tapos gusto ko rin 'yung idea na magiging scientist ako someday."
Ngumiti si Carmen. "Wow, ang galing. Alam mo na agad gusto mo. Ako kasi, parang ngayon ko pa lang talaga iniintindi lahat."
"Normal lang 'yan. Minsan 'yung iba nga, third year na nalalaman kung ano talaga gusto nila. Kaya enjoyin mo lang," sagot ni Roy.
Tumango si Carmen. Pero habang nakangiti siya sa pakikipag-usap, hindi niya maiwasang mapatingin paminsan-minsan kina Tristan at Cheska sa kabilang upuan.
Si Cheska, aliw na aliw. Ang ingay, tawa nang tawa. Panay ang kwento kay Tristan, na paminsan-minsan ay tumutugon ng ngiti, tango, o maikling sagot. Pero halatang hindi iyon buong atensyon.
Hindi siya nag-eenjoy, napansin ni Carmen. Alam kong ganyan ang itsura niya pag hindi siya komportable.
Lihim siyang napatitig. Ngunit agad niyang iniwas ang tingin nang lumingon si Tristan. Nagkatinginan na naman sila.
Stop it, Carmen. Wala ka nang pakialam sa kanya, saway niya sa sarili.
"Uy, Carmen. Anong section mo?" tanong ni Roy, pansing bigla ang pagka-distract ng dalaga.
"Ah, Section B. Ikaw?" sagot niya agad, pinilit ibalik ang atensyon.
"Section A ako. Pero madalas naman daw magkaklase pa rin minsan ang A and B," sagot ni Roy. "Sana magkakasama tayo sa ilang subjects."
Ngumiti si Carmen. "Sana nga."
************************
"He's extremely handsome," bulong ni Kim kay Cheska.
"Yes, you're right," kinikilig na sagot ni Cheska.
Narinig ni Carmen ang bulungan ng dalawa. Haist, baka madamay na naman ako sa usapan nila.
Biglang tumahimik ang bulungan nang magsalita ang mga senior students.
"Hello, I'm Arnold Bayola, sophomore, taking up Agriculture," ani ng isang lalaki.
Napatitig si Carmen sa nagsalita. Familiar siya sa akin... saan ko ba siya nakita? Tanong niya sa sarili. Pero di ko talaga matandaan.
"Hello. I'm Mario, pero Mars lang. Student president, third year Civil Engineering. Welcome sa lahat ng freshmen. Simulan na natin ang pagpapakilala," bati nito.
Nagpalakpakan ang mga estudyante. May nagbiro pa at tinuturo si Tristan para siya ang unang magpakilala.
Tumayo si Tristan nang confident at umakyat sa stage.
"I'm Tristan Ibañez, Civil Engineering. Thank you," tipid na sabi niya.
Malakas ang palakpakan, at may sumigaw na babae, "You're so handsome! Pwede ba kitang boyfriend?"
Nagtawanan ang lahat, pati si Tristan, pero di matukoy kung sino ang sumigaw.
Pagkatapos ni Tristan, sumunod si Kim.
"I'm really nervous. Hi, I'm Kim Fajardo, freshman," mahina ang boses.
Nagbulungan ang mga estudyante. Si Kim daw ang pinakamaganda. She's going to be the most popular girl this year.
Tinitigan ni Carmen si Kim. Maganda nga siya. Bagay sa kanya ang pagiging morena.
May sumigaw na lalaki, "Do you have a boyfriend?"
"Wala po. Medyo embarrassing, pero hindi pa ako nagda-date. Madalas kasama ko lang pamilya at mga kaibigan," ngiting sagot ni Kim.
"Come on, 'wag kang magpanggap! Sa ganda mo, siguradong may nakatira sa puso mo," biro ni Arnold.
Ngiti lang ang sagot ni Kim. "May next girl na mas pretty pa, kaya dito na lang ako titigil."
"Carmen, ikaw na," sabi ni Kim.
Nanlaki ang mga mata ni Carmen. Hindi ko in-expect na ako ang ituturo ni Kim!
"Okay, let's move on to the next pretty girl," sabi ng student president.
Paakyat na si Carmen sa stage. Nasulyapan niya si Tristan—grabe ang dating niya, may hiyawan pa. Ang asar ng mga tao, pero kailangan kong kalma lang. Nervous ako sobra. Maganda daw ako? Kailan pa?
"Hello, I'm Carmen Dela Cruz. Sana maging mabuti ang samahan natin kahit iba-iba tayo ng kurso. Sana maging friends tayo," mahinang sabi niya.
"May boyfriend ka ba?" pasigaw na tanong ni Ryan.
"Wala po. Hindi pa ako nagkaroon," nahihiyang sagot ni Carmen.
"Paano naman si Tristan?" kinikilig na tanong ni Cheska.
Napatingin si Carmen kay Cheska. Kitang-kita ang pang-aasar nito. Lagot ka sa akin mamaya, bulong niya sa sarili.
"Friends lang kami," sagot niya.
Naghiyawan ang mga estudyante. "Wee!"
Hindi na siya sumagot pa. Bumaba siya ng stage. Dali-daling lumapit si Tristan para alalayan siya.
Lalong naghiyawan ang mga estudyante—halatang kilig na kilig.
Walang nagawa si Carmen kundi payagang tulungan siya ni Tristan. Alam niyang pag-uusapan nila ito mamaya.
Nang matapos ang pagpapakilala, may inuman pala sa paligid. Gusto ko nang umuwi, bulong ni Carmen sa sarili. Alas sais na. Kahiya naman sa Tita Belen, pero nagpaalam naman ako.
"Come on, cheers!" imbitasyon ni Cheska.
"Cheers! You too," sagot ni Kim.
Napansin ni Carmen na magkasundo sila. Tinitigan niya si Tristan kasama ang grupo ng kalalakihan.
Nagulat siya nang biglang tumabi si Arnold.
"Here we go. Bottoms up," inabutan siya ng alak ni Arnold. "Naalala mo ba ako?"
Napakunot noo si Carmen. Hindi niya talaga matandaan. "Sorry, hindi eh."
"Ako yung tinanong mo kung saan ang Education department. Napunta ka sa maling building," paalala ni Arnold.
Napatango si Carmen. Naalala na niya. Maraming iniisip kaya nakalimutan niya. "Naku, pasensya na."
Habang lumalim ang gabi, maraming estudyante ang nalalasing. Medyo nahihilo na si Carmen. "Excuse me," sabi niya, lumabas para lumanghap ng hangin.
Umupo siya sa hagdan sa labas. Alas otso na. Gusto na niyang umuwi, pero marami pang nagsasaya.
"Are you okay?" tanong ni Arnold na sumunod sa kanya.
Nagulat si Carmen nang may sumagot sa tabi niya. "Anong sabi mo? Okay naman ako," sagot niya.
Inabot ni Arnold ang tubig. "Inumin mo 'to. May sofa doon kung gusto mong magpahinga. Kung babalik ka sa loob baka uminom ka ulit."
"Salamat," sabi ni Carmen, tumayo papunta sa sofa.
Nagulat siya nang sumunod si Arnold. Hinayaan na niya, baka gusto rin nito magpahinga.
Pagdating nila sa sofa, tumabi ito sa kanya.
Dali-dali siyang tumayo at lumipat ng upuan.
"Hindi ka comfortable?" tanong ni Arnold. "Wag kang mag-alala, hindi ako nangangagat," biro niya.
Napilitan na lang ngumiti si Carmen. Kinakabahan siya sa kinikilos ng binata. Hindi niya kilala si Arnold, at nakainom pa ito. Bakit ba ako lumayo sa karamihan?
"Okay lang ako," maikling sagot ni Carmen.
Tumango si Arnold. "Eh, ako dito muna." Tumitig siya kay Carmen.
Nakaramdam ng pagkailang si Carmen, kaya hindi na niya tinitingnan si Arnold.
"Wala ka ba talaga boyfriend?" tanong ni Arnold.
"Wala," medyo naiirita na ang sagot ni Carmen.
Tumango si Arnold. "Sige, okay lang ba kung gusto kita? Actually, nang makita kita, na-in love na ako."
Nagulat si Carmen sa confession. Napatitig siya. Dali-dali siyang tumayo para umalis.
"Baka hanapin ako nila kung matagal akong mawala," sabi niya.
"Busy sila sa saya, kaya wag kang mag-alala. Wala namang naghahanap sa'yo," sagot ni Arnold. Hinawakan siya nito sa braso.
"Anong ginagawa mo?" malakas na boses ni Tristan.
Nabuhayan ng loob si Carmen nang makita si Tristan. Piniksi niya ang kamay ni Arnold na nakahawak sa kanya.
"Masyado siyang lasing kaya inalay ko siya para makapagpahinga muna," paliwanag ni Arnold.
Hinila siya ni Tristan. "Carmen, tara na."
Sa unang pagkakataon, walang atubili si Carmen na sumama kay Tristan. Mas safe siya dito kaysa kay Arnold. Sinundan sila ng masamang tingin nito.