Maaga pa lang, naamoy na ni Carmen ang nilulutong itlog at bacon mula sa kusina. Hindi siya makapaniwala—nagluluto si Tristan. Hindi maidrawing ang mukha nito habang naka-apron, nakakunot ang noo habang nag-aayos ng mesa. Sa isang normal na araw, baka natawa siya. Pero ngayon, wala siya sa mood para tawanan ang kahit anong cute gesture. Paglingon ni Tristan, ngumiti ito. Pilit. "Kain na." Umupo si Carmen, tahimik lang. Hindi niya kinayang ngumiti pabalik. "Sorry... kagabi," dagdag ni Tristan habang inaabot ang baso ng juice. Hindi siya sumagot. Tiningnan lang ang pagkain. Tahimik na nagsimulang kumain. Walang usap. Walang sulyap. Parang nasa dalawang magkaibang mundo, kahit iisang lamesa lang ang pagitan. "Sabay na tayo papasok," alok ni Tristan matapos ang ilang minuto. Tumango la

