“So, Nikolai cooked all of these?” manghang tanong ni Selene nang pumasok kami sa kusina. Maging ako rin ay nagulat dahil ang dami ng mga pagkain sa lamesa. Hindi lang yata pang-dinner ang niluto ni Nikolai. “Thank you, Nikolai. But don’t uou think this is too much? May birthday ba?” Awkward pang tumawa si Shana. Napakamot si Nikolai sa batok at nag-iwas ng tingin. “Ah, I just thought you might be hungry after going out. Ayaw niyo ba sa mga niluto ko?” “Ah, no! I mean, they looked delicious! Napadami ka lang ng niluto,” saad pa ni Shana. “Pwede pa namang kainin ‘yan bukas,” sabat naman ni Amara. May punto si Amara. Pwede pang i-reheat ‘yung mga pagkain bukas para hindi na naman magluto kasi sayang. “Yeah, that’s right,” bored na pahayag naman ni Lieven. “Just let Nikolai do his thi

