“Oh.” Parehas kaming nagulat ni Shana nang maabutan namin si Nikolai sa kusina na naghuhugas ng mga veggies sa sink. “He wasn’t here when I came down kanina,” bulong pa niya sa akin. Mahina ko siyang siniko. “Huwag ka na namang magsalita ng kung ano-ano,” babala ko sa kanya. “Knox called and told me to come over and cook breakfast because you were still sleeping,” Nikolai muttered. Sinara muna niya ‘yung faucet at nagpunas ng kamay. “Should I go home at ikaw na ang magluto?” tanong naman niya. “Stay! I mean, puyat kasi si Cora kagabi so maybe you should help her cook,” pigil ni Shana kay Nikolai. Gulat ko siyang tinitigan at hindi na nakapagsalita dahil feeling ko mauutal lang ako kapag nagsalita pa ako. Isa pa, nakakahiya ‘yung itsura ko. I look like a mess dahil magulo pa ang buhok

