"I'm sorry Tim. Walang kasalanan si Jacob. Ako ang may mali!" Umiiyak niyang sabi, hindi niya akalain na ganito masasaktan si Tim. " Lumayo ako dahil hindi tayo para sa isat isa.Hindi ako nababagay sa iyo." Binaba ni Tim ang baril at humarap sa kanya.He is full of anger and pain! " At kay Jacob ka nababagay?" Sarkastikong sabi ni Tim at sinulyapan si Kai. " Hinanap kita pero kaya pala hindi kita makita. Tinago ka ni Jacob, at nag pa anak ka pa sa kanya?Samantalang I offered you everything even my name! Dammit, Jasmine! I am willing to marry you. Anywhere, anytime!" Napapikit siya sa sinabi nito. Hindi pa din nauubos ang mga luha niya. Malaki ang kasalan niya sa binata. Sinaktan niya ito. "I don't deserve you, Tim. I'm so sorry. I'm not for you. I thought you will be better without

