" Pahinga ka na, Jas. Pwede mo gamitin ang kwarto na ito." Pinapasok niya ito sa isang silid ng kanyang condo unit. Gabi na ng makarating sila ng Manila. Dito niya ito pinatuloy sa kanyang condo unit. Sa building din na ito nakakuha ng unit si Pascal. " Salamat ng marami Tim." Sabi nito at ibinaba ang gamit sa pang isahang settee na anduon. " Pahinga ka na lalabas lang ako sandali." Paalam niya. Nilingon naman siya ng dalaga ng may pagtataka. " I will visit Pascal, and grab some beer. Diyan lang siya nakatira sa kabilang unit." Tumango naman ito. Bago sila tumuloy dito dumaan muna sila sa isang restaurant at nag dinner. " If something came up, just call me." Sabi niya at lumabas ng unit niya. Hindi niya naka inuman noon si Pascal ng dalawin siya. Kaya ngayon na maayos na siya, m

