" I'm your happiness, huh?"
Nakataas kilay niyang sabi sa binata nang umalis na ang ama nito.
" Yes, believe me, my O. You captured my heart when I first saw you in that gazebo."
Nakangiti itong nakatunghay sa kanya, may kislap ang mga mata.
"Kuya, we will borrow her."
Bago pa siya makasagot, hinawakan na siya ni Tia. Wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Dinala siya sa isang pavilion, meron doon na naka set up na karaoke machine.
" Halika, mag enjoy tayo ngayon."
Masaya nitong sabi. Meron din naka handa na inumin.
" Are we even allowed to drink?"
Natatawa niyang sabi ng makita ang iba't ibang klase ng alak.
" Hell, yeah!"
Sabi ng babae na kapapasok lang.
" She's Ysa, pinsan namin. Meron silang wine factory ng asawa niya, kaya support natin sa kanya ay mag inuman tayo!"
Masayang sabi ni Tia.
" I can't believe, your family has good genes. All handsome and beautiful faces."
Papuri niya ng lumapit si Ysa.
" Geez, thank you. That's why you belong, you're so pretty."
Sabi naman ni Ysa na nakatingin sa kanya.
Sinimulan nila ang pag simsim ng alak. Maliban kay Sabinah na nag dadalantao.
" Actually, matagal na akong hindi umiinom last time I got drunk I end up naked in my husband's arms."
Natatawang kwento ni Tia.
" Same here, there is Czesta after getting drunk."
Sabi niya itinago ang lungkot sa sinapit ng kapatid sa mahinang pag tawa.
" But no regrets now. I am loved to the moon and back by my husband."
Kumikislap ang mga mata nito habang nagsasalita.
" Yeah, she's a lucky girl my brother loves her so much."
Nakangiti din na sabi ni Sabinah.
" You're Terence's sister? She's your sister-in-law?"
Gulat niyang tanong, na tumango lang sila pareho.
" So, when is the wedding?"
Tanong ni Ysa.
" No date yet, but according to Theo, soon."
" Well, I will sponsor your drinks kung matatalo ninyo ako sa inuman!"
Paghahamon nito, sa kanila.
" Madaya ka, Ysa. Kelan ka ba nalasing?"
Natatawa naman na baling dito ni, Tia.
" Akala mo lang hindi ako nalalasing. Malay mo today you will get me drunk."
" Okay, it's a bet!"
Aniya sa babae. Dahil, kahit siya hindi niya narasanan malasing.
Hindi niya alam kung paano nangyari, she just finds herself having battled with Ysa sa pag inom ng alak.
Tawa naman ng tawa sina Sabinah at Tia sa kanilang dalawa.
" Still standing huh?"
Nakangiting sabi ni Ysa, matapos maubos nila ang isang bote ng tequila.
" Yeah, hindi pa nag do-doble ang paningin ko."
Sabi niya na nakangiti.
" I'm good! I'm good!"
Sabi ni Ysa at tumayo, lumapit sa karaoke machine at nag enter ng numero. Hindi nag tagal pumailanlang ang musika.
" Lasing ka na Ysa, paano ba yan sagot mo ang inumin."
Natatawang sabi ni Tia dito.
" Hindi pa tapos. I'm just warming up."
Natatawa nitong sabi at nag simula na kumanta.
" For you my Love, Ibarra. Wooh!"
Sigaw pa nito sa mic na tinawanan nila.
" Wow!"
Napahanga siya dahil sa boses lalaki nitong pagkanta. At ang paborito pa naman niyang Someone you loved ang kinanta nito.
"She's really good."
Baling niya kay Tia na tumango.
" She's gifted."
Pag sang ayon nito. Hindi niya napigilan pumalakpak ng matapos ito kumanta.
" You're next!"
At inabot nito sa kanya ang mic. Natatawa na lang siya na nag enter ng kanta. Bonding na nila ang mag videoki iyon ang kultura ng kanyang ina na nakasanayan nila ni, Olivia.
Kinanta naman niya ay Secret Love Song. Paborito nila ng kanyang kapatid. She's not a singer but she knows how to sing.
" Thank you!"
Sabi niya pagkatapos kumanta, at humarap sa mga kasama sa pavilion. Napakagat labi siya ng pag harap niya ang mga lalaki na nasa pool area ay nasa pavilion na.
" Your next!"
Baling niya kay Tia.
" I have my husband to save my ass."
Nakatawa nitong sabi at inabot ang mic sa asawa na nakayakap dito habang ang baba ay nakapatong sa mga balikat ni Tia.
Nahihiya naman siyang lumapit kay Theo, at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Narinig na lang niya ang mahina nitong pag tawa at pagtapik tapik sa likod niya.
" You can sing ha?"
Nararamdaman niya na nakangiti ito habang sinasabi iyon.
" So, what's the verdict?"
Tanong ni Tia, kay Ysa.
" Let's continue."
Tumayo ito at muli siyang inabutan ng tequila. Upang mawala ang hiya niyang naramdaman agad niya itong tinungga.
" I finally found someone who can defeat the queen of maglalasing."
Masayang sabi ni Tia na pumapalakpak.
" Well, well! I wonder if she can defeat you."
Ganti naman ni Ysa na may pilyang ngiti.
" Well, I will sponsor their cake if she will win."
Sabi naman ni Tia na naka ngiti din.
" What is this all about?"
Singit na ni Theo sa usapan.
" Ysa will sponsor your drinks sa kasal ninyo dahil natalo siya ni Olga sa inuman. And I can sponsor your wedding cake kahit ilang layer pa iyan kung matatalo niya ako sa target shooting."
Naghahamon na sabi ni Tia.
" Sure, I love it!"
Napatayo pa siya ng marinig ang target shooting. It's her pastime pampa tanggal ng stress.
Lahat napatingin sa kanya.
" Let's do it!"
Yaya niya kay Tia na nakangiti.
" Olga, she's an airforce. She deals with guns and sort.."
Singit ni Theo sa kanya at hinila siya paupo sa tabi nito.
" It's okay. C'mon Tia, it's our bonding."
" Okay, let's go."
Tumayo ito at sumunod siya. Hindi pa siya nakakalayo naramdaman niya ang pag akbay ni Theo.
" Do know what you are doing?"
Tanong nito sa kanya.
" Of course!"
Sagot niya dito na nginitian niya ito ng matamis.
Inabutan siya ni Tia ng baril.
" It's been a while!"
Mahina niyang sabi. Nakatingin lang ang lahat sa kanya when she masterfully holds the gun and prepares to shoot and aim at the target. Wala siyang pinalagpas, she will never lose!
" Wow! Mukhang may mag sponsor na sa cake ninyo Theo!"
Pumapalakpak na sabi ni Jacob sa naka maang lang na si Theo.
"Nice, this will be our bonding. You're good!"
Masayang sabi ni Tia at niyakap siya.
" Where did you learn that?"
Gulat pa din na tanong ni Theo sa kanya.
" My father is also in the military. We have an indoor shooting range at home. It's our bonding since he doesn't have a son."
Nakangiti niyang sagot kay Theo na hindi mawala ang pag kamangha sa nakita.