"Wow, amazing!"
Pareho nilang bulalas ni Gwyneth ng makarating sila sa kanilang destinasyon. Isa itong highland resort, sa gitna nang malawak na lupain. Namangha sila sa mga tree houses na para sa mga guests.
"Oh, it's nice."
Nakangiti niyang sabi at inilibot ang tingin. Madami siya nakita na pwede activity dito. Meron pwede mag horseback riding at mag zip line.
" Magpahinga muna tayo, mamaya na tayo lumabas."
Napahanga ulit sila ng makapasok sa loob ng treehouse accommodation na kanilang ni rentahan
" Perfect!"
Bulalas niya at umupo sa nakita na rattan na upuan at sinamyo ang sariwang hangin.
" Somehow work without play is boring ha?”
Nakangising sabi ni Gwyneth at matapos ilapag ang backpack nito ay humiga sa hammock na nasa veranda. Kita ang papalubog na araw.
"I heard gagawin daw itong exclusive, thru membership lang para makapunta dito. Good thing naka abot pa tayo na hindi kailangan ng madami cheche bureche!"
Napangiti siya sa vocabulary nito.
" Di mag pa member tayo. I want to come back here with Theo."
Suhestiyon niya malamig dito kasi mataas ang lugar. Makakarating lang sa pamamagitan ng helicopter na syempre bayad pa lang malaki na ang halaga. Pwede din naman ang ginawa nila na land trip na nag enjoy sila pareho mahaba lang na biyahe at kailangan mountain car ang gamitin.
" Nah, this is owned by bachelors. I heard they prefer men to be their members."
" Really? So chance mo na baka ma meet mo dito ang magpapangiti sa iyo."
" Hindi ko kailangan ng clown, sa buhay ko."
Pambabara agad nito sa kanya.
" That's not what I mean."
Aniya at humiga din sa isa pang hammock.
" I know what you mean. Pero hindi ako interesado."
Pag iwas nito sa kanya.
" Well, pag tinamaan ni cupid ang puso mo wala ka ng magagawa."
" Shut up, cuz. I don't have a heart wala mapapana si Cupid."
Napakunot nuo siya sa sinabi nito at sinilip ito pero nakapikit ang mga mata nito.
"What happened to her?" Tanong niya sa isip. She remembers her as a woman full of confidence bilang anak ng pulitiko she is the governor's daughter sa Baguio kung saan doon ang clan ng family ng kanyang ina. In everything, she does she involves her heart. Paano nawala ang puso nito?
Matapos mag send ng message kay Theo na she safely arrived she had a nap. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog pero ang sikat ng araw ay wala na. Dinungaw niya ang isang malawak na hall ang alam niya restaurant and bar iyon ng resort. Buhay na buhay iyon sa ilaw at musika.
" I'm glad you're awake. Magbihis ka na, gutom na ako."
Sabi ni Gwyneth na nakaligo na at nakabihis naka shorts ito at spaghetti strap na pinatungan ng cardigan. Ang hanggang balikat na buhok nito at nakalugay.
" Wait a sec, I won't be long."
Paalam niya at pumasok sa banyo at nag ayos. Nag suot lang din siya ng denim shorts at puting T-shirt. Ang kanyang buhok ay pinusod niya in a bun.
" Let's go."
Yaya nito at nauna nang lumabas sa treehouse. Ang daanan nila ay naliliwaganan ng mga bombilya na nakasabit din sa mga puno.
Pumasok sila sa nag iisang restaurant. Napaka cozy nito at romantic.
Iginiya sila sa bakanteng upuan. Pansin niya halos lahat ng nagtrabaho dito ay puro ng mga lalaki.
Inabutan sila ng menu ng waiter na agad naman silang pumili. Meron mga choices na continental at Italian cuisine.
Matapos makapamili binigay na nila ang order at nilibang ang sarili sa pag mamasid sa paligid.
" Wala man lang touch ng babae. It's so manly!"
Komento ni Gwyneth. Hinayaan lang niya ito. Sinilip niya ang kanyang cellphone walang reply mula kay, Theo. Nakasimangot na ibinalik na lang niya ang telepono.
Napalingon sila ni Gwyneth sa grupo na pumasok. Kung siya pagkagulat ang kaharap niya ay naningkit ang mga mata.
Nasa anim na kalalakihan iyon, nagyuko siya ng ulo kasunod na pumasok ang grupo ng mga kababaihan.
" Villa, usual order namin please."
Utos iyon ni Theo sa lalaki nakatayo sa counter.
" Yes, boss."
Mas nagyuko siya ng ulo ng maupo ang grupo sa nag iisang long table na nandun. Hindi niya alam ang iisipin lalo na at may tumabi na babae kay, Theo.
" Ito ba ang sinabi niya na importante? "
" Kilala mo?"
Untag ni Gwyneth sa kanya. Halata siguro ang pagiging uneasy niya.
" Kumain na lang tayo di ba gutom ka?"
Tanong niya dito. Hah, hindi man lang naramdaman ni Theo ang presensiya niya? Kaya ba hindi siya nito nagawang replyan?
Ang table nila Theo ay agad na nag serve ng beer at pulutan.
Hindi naman nagtagal at dumating din ang kanilang late dinner.
She can hear the discussion, pero hindi niya maintindihan.
" What's wrong with you Jacob? Why sudden change of plan? Pag isipan mo muna."
Narinig niyang sabi ng isang lalaki na hindi niya kilala. Ang kaharap niya at parang wala lang na sinimulan ang pagkain.
" Bakit ka mag moved sa Boston? Sino ba ang andun?"
Dinig pa nilang sabi ng isang lalaki.
" It's not Jasmine, isn't it? I will not allow you!"
Boses na iyon ni Theo na halata ang pagbabanta kay Jacob.
" So, babae ang dahilan? We've been building this place since our college days. Malaki na pinihunan natin dito. Dito na tayo tumandang binata."
Singit ng isa pa, na nakarinig na kanyang kanyang protesta.
" Hindi pa tayo matanda. Damn you, Lorenzo."
" If you want to give up your ownership, don't sell your shares to this vixen group."
" And why? We have the money?"
Agad naman na kontra ng isa sa mga babae.
" Pinsan ko si Xia, and she's been interested in this place saka baka kung meron babae sa management it will prosper more."
" Interested in this place or interested in Louie?"
" Ang sama mo!"
Reklamo marahil ng tinawag na Xia.
" Bakit nga kasi mag migrate ka sa America? Hindi ka talaga makontento. Nag doctor ka tapos military. Just recently galing ka na don ah! Do you like the weather? You have a mansion in Baguio."
" Fine! Babae ang dahilan, I don't want to lose her again. Masaya na kayo?"
Pag suko ni Jacob sa mga kaharap.
" Dammit. Pwede bang si Theo na lang muna ang mag graduate sa atin? We will understand may anak na siya."
" Gusto ko na din magka anak okay? I'm not getting any younger. I want to settle down, she's staying in Boston so I have to live there."
Nakarinig sila ng kani kanilang opinyon.