Tarantang taranta ako ng malaman ko na nawawala yung wallet ko! kung sino man yung kumuha nyun, isa lang yung taong pumasok sa isip ko. ayokong magbintang pero sya lang naman kasi yung nakakita kung saan ko nilagay yung wallet ko, walang iba kundi yung katabi ko kanina sa bus.
nagdali dali akong pumunta sa window ng terminal ng bus na sinakyan ko para ipaalam na nakawan ako.
halos 5k din yung laman ng wallet kong yun s**t talaga! pinagbentahan pa ng lupa namin yun pati yung ipon ko tapos mananakaw lang!
"miss! miss! nanakawan po ako sa loob ng bus nyo kanina miss!" sabi ko sa babae na nag iissue pa ng ticket sa ibang pasahero.
"nako sir, pasensya na po hindi na po hawak ng company namin yan responsibilidad nyo po iyan!" paliwanag sakin ng ale.
"pero miss ayun nalang po kasi yung pera ko! wala napo akong ibang pera."
"sorry sir pero hindi po sagutin ng company namin yan."
pipilitin ko pa sana ang ale na panagutan ang perang nawala sakin ng mapansin kong nakatingin na sakin yung mga taong nakapila para bumili ng ticket.
dahil sa natataranta nako at sobramg hiya napaatras tuloy ako. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko, bago lang ako dito sa manila tapos wala pakong pera! napaka swerte ko nga naman oh!
halo-halo na yung nararamdaman ko ngayon takot, kaba, lito sumabay pa yung sakit ng tyan ko! waaaah!!!!!
naglakad ako sa malapit na puno na may upuan para makapag isip ng maayos at para narin malaman ko kung ano ba yung mga pwede kong gawin para malagpasan ko tong pagsubok nato.
"ahhh! anong gagawin ko!? bakit kasi sa dinami rami ng tao ako pa yung nanakawan eh!"
"pano nako nito? sayang yung pera ko, sayang yung interview, sayang yung outfit ko!"
pagmamaktol ko sabay sipa sipa sa kalsada.
"ano ng gagawin ko!??" nagsimula nakong mapaiyak dahil sa nangyari sakin.
huhuhu!
"bakit ba sakin pa nangyari to!" reklamo ko sabay takip ng muka at naglabas ng sama ng loob pero wala naman nakong magagawa eh, kaya napaiyak nalang ako.
maya-maya may isang boses ng lalaki akong narinig.
"okay kalang ba?"
"alam mo ng umiiyak ako eh..." sabi ko habang umiiyak parin.
tinanggal ko ang mga kamay ko sa muka ko para makita kung kanino galing ang boses na narinig ko.
oh s**t! nanlaki ang mata ko sa nakita ko...
"artista kaba?"
"ha?" wika nya sabay tawa habang kumakamot sa ulo nya.
para naman akong nakakita ng anghel ng masilayan ko ang muka nya nakatitig lang ako sakanya, di nyo naman ako masisisi kung matulala ako sa kanya, ang amo kasi ng muka nya!
"anong nangyari sayo!? huy! okay kalang ba!?" tanong sakin ng binata sabay palakpak ng malakas para bumalik ang diwa ko.
di naman sya nagkamali parang bumalik yung lumilipad kong isip.
"nanakawan ako!?" sambit ko.
"nanakawan ka?"
"oo yung wallet ko nawala! (nagsimula na ulit akong maiyak) pag gising ko sa bus wala na yung wallet ko! andun pa naman lahat ng pera ko!"
"taga san kaba? at bakit ka napadpad dito sa manila!?" tanong nya.
"sa zambales ako galing, lumuwas ako ng maynila dahil may work interview ako sa makati... (napatingin ako sa baba) pero pano ako makakapunta dun? wala akong kaalam alam dito sa manila tapos wala pakong pera." sabi ko.
"gusto mo ba hatid nalang kita sa makati? tutal dun din naman yung daan ko?"
papayag na sana ako na sumabay sa kanya ng bigla kong maalala yung mga napapanood ko sa TV na ganitong ganitong pangyayari tapos papatayin yung biktima nila.
"nako! salamat nalang pero wag nalang! hehe" natataranta kong sagot sabay ngiti ng pilit.
hindi ko alam pero ngumiti bigla ang binatang nasa harapan ko, ngayon tuloy mukang may binabalak tong taong to ha.
"bakit ka natawa? siguro may iniisip kang masama no?" bigla kong nasabi sakanya.
"hahaha! alam mo nakakatawa ka, tignan mo itchura mo takot na takot ka." sabi ng binata.
"ako? natatakot? (ngumisi ako) bakit ako matatakot? pano mo naman nasabi na natatakot ako?"
"eh kasi kung hindi ka natatakot bakit nakahawak ka ngayon sa damit ko ng mahigpit? narardaman ko pa nga yung panginginig mo oh."
ay depuga!!!! nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa kamay ko, kapit na kapit nga ako sa kanya, tumingin ako sa lalaki at pinakitahan nya ko ng napakagandang ngiti.
oo nga pala nakahawak parin ako sa damit nya, tinanggal ko agad ang pagkakahawak ko sa damit nya at umubo pa kunwari para di nya mahalata na napahiya ako.
narinig ko naman na tumawa sya pagkatapos kong mag ubu-ubuhan.
"sige ganito nalang kung gusto mo pautangin nalang kita, bayaran mo nalang ako pag meron kana!" alok nya.
"talaga!!!!?? (excited) i mean.... sure! ikaw bahala." sagot ko sa kanya para hindi nya mahalata na masaya ako.
"teka, pano pala pumunta ng makati pag hindi ako mag tataxi?" tanong ko.
"mag taxi kana, para mabilis" advise nya.
naisip ko narin yun kaso pag nag taxi ako alam ko mas malaking halaga yun kaya naman pinilit ko na wag ng mag taxi para narin maliit lang yung utang ko sa kanya.
"naku! isa ka talagang hulog ng langit! pasensya kana ha kailangan lang talaga pero promise! babayaran talaga kita! promise yun!" sabi ko sa kanya na nakapanumpa pa ang mga kamay.
ngumiti nanaman sya bago nya kinuha yung wallet nya sa bulsa nya. habang naghahanap sya sa wallet nya ng pera bigla akong nacurios kung bakit nandito sya sa terminal sakabila ng appearance nya yung parang hindi sya basta basta, parang hindi ordinaryong tao.
"nga pala, sorry ha pero tanong ko lang kung ano ginagawa mo dito? di ko kasi lubos maisip na yung isang taong tulad mo ay pupunta sa mga ganitong lugar.." nahihiyang tanong ko sa lalaki.
tumingin sya sakin na para bang kinakain ako ng magaganda nyang mga mata at ngumiti.
"bakit? anong tao ba ako?" tanong nya.
"ano... ahmmm kasi sa pananalita mo... sa tindig mo, at sa suot mo parang ikaw yung tipo ng tao na hindi pupunta sa ganitong lugar eh."
"hahaha! may binisita lang ako dito sa terminal." paliwanag nya.
inabutan nya ako ng limang tig-iisang daan at tinuro nya sakin kung saan ako sasakay sabi nya sa gilid nitong bus terminal may station ng train na pwede kong sakyan tapos baba raw ako sa gil puyat station tas sasakay raw ako ng jip papuntang PRC sigh buti nalang andito tong lalaking to safe nako.
nagpasalamat ako ng marami sa lalaki at sinabing babayaran din sya pag may pera nako, pero biglang may pumasok sa isip ko pano ko sya mababayaran kung di ko man lang alam yung buo nyang pangalan at kung saan ko sya babayaran.
"ay siya nga pala, ako si Paco." pakilala ko sakanya para di halatang gusto kong makuha yung pangalan nya.
"Paco?" yeah, yeah I know!
"yes! as in Paco. pero letter C ha hindi K. hehe"
ngumiti nanaman tong lalaking to.
"well, nice to meet you Paco. Im--"
"Sir Ian! kailangan napo nating bumalik ng office!"
sigaw ng isang lalaking nakausot ng puting barong. sabay pasok sa isang kulay itim na van.
"pano bayan Paco! mauna nako ha, goodluck sa interview mo! kaya mo yan." wika ni Ian sabay nagmadaling sumakay ng Van.
"sir Ian, ang ganda ng pangalan. buti nalang andyan ka." sabi ko sa sarili ko.
hinabol ko pa ng tingin ang van na sinakyan ni sir Ian bago ako naglakad papuntang train station sayang di ko nalaman yung fullname nya... hindi ko rin natanong kung bakit nya ko tinulungan sa kabila na hindi naman kami magkakilala.