Chapter 8: deal with benefits

1391 Words
Kinabukasan sinalubong agad ako ni Carla, ni hindi pa nga ako nakakatapak sa floor ng office namin sya na agad ang bumungad sakin. Nako naman kabago bago nitong babaeng to ang ingay ingay na. "Welcome back friend!" Sigaw nito na naging takaw atesyon sa ibang empleyadong nandun na. "Ano kaba wag kang maingay mamaya kung ano isipin nila." Bulong ko sabay nagpatuloy ng pumasok sa loob ng office. "So anong nangyari kagabi? Kinausap kaba ni sir?" Tanong ni Carla habang naglalakad kami. Napahinto naman ako at napalunok ng laway, pero nagpatuloy parin akong maglakad papunta sa area ko. "Ito ba yung desk ko?" Tanong ko kay Carla. "Tignan mo, kung maka-angkin kanaman ng desk di mo pa pala alam kung saan yung sayo hahaha!" Biro nito. "Ayun po ang desk nyo mah lady!" Dagdag ni Carla sabay turo sa isang desk malapit sa pintuan ni sir Daniel. "Seryoso ka?" Tanong ko. "Hindi niloloko lang kita andun yung table mo sa labas!" "Napaka pilosopo mo kamo!" Sabi ko sabay punta sa table na kaninang tinuro ni Carla. "So dali na! Ano nang nangyari kagabi? Kinausap kaba nya?" Tanong ulit ni Carla. "Walaaa... Basta nakiusap lang sya at -------" "Good morning sir!" Hindi pako tapos magsabi kay Carla ng nakarinig kami ng good morning sa di kalayuan. Omg! Andito na si DD. "Mukang napaaway nanaman may band-aid sa gilid ng mata nya. Ganyan daw talaga yan! Mahilig makipag away everytime na gumagawa sya ng labag sa loob nya." Bulong ni Carla sakin. "Sige na mamaya nalang, umalis kana baka pagalitan kapa nyang demonyong yan." Bulong ko kay Carla na agad namang umalis. Oh s**t! Ayan na sya! Papalapit na sya!. "Errmmm good morning sir." Agad kong sinabi ng malapit na sya sakin pero nagtuloy tuloy lang syang pumasok sa office nya na parang walang narinig. Letse talaga tong DD nato!!!!!! Nilabas ko yung mga gamit ko sa bag ko ng bigla kong maalala yung nangyari kagabi.. * * * Di ko talaga inaasahan na pag buhat ko ng bag ko biglang nahulog yung nakapaikot na tuwalya sa katawan ko, agad kong binitawan yung hawak kong bag at bago pa makita ni Sir Daniel yung katawan ko agad akong tumalon sa tabi nya at tinakpan yung mga mata nya. "Anong ginagawa mo! Tanggalin mo nga tong kamay mo!" Pasigaw nyang sabi habang pilit na tinatanggal yung kapit na kapit kong mga kamay sa mata nya. "Sir! Wag kang titingin! Nakahubad ako please!" Agad kong sinigaw sakanya para maintindihan nya kung bakit ko ginagawa to. "What the hell are you doing! Ano bang kinakatakot mo! Parehas naman tayong lalaki! Ano ba!" Sigaw parin nya habang pilit na tinatanggal yung mga kamay ko. "Sir hindi ko tatanggalin tong kamay ko hanggat di ka nangangako na pipikit ka pagkatanggal ko ng mga kamay ko!" Sabi ko na halata narin sa boses ang pagkataranta. "Watever! Tanggalin mo lang yang mga kamay mo! Baliw kanaba?! Boss moko!" Sigaw nito na halata na ang pagkagalit at pagkairita. "Mangako ka!!!!!!!" Sigaw ko sakanya. "Pangako!" Pabalang na sagot ni Sir Daniel. "Pagkakatiwalaan kita sir ha, wag mong bubuksan yang mga mata mo hanggat hindi ko pa sinasabi ha!" Sabi ko habang dahan-dahan kong tinatanggal ang mga nakatakip kong kamay sa kanyang mga mata. Kakatanggal ko palang ng mga kamay ko ng bigla nyang minulat yung mga mata nya at tumingin sakin. "Bilisan mo!" Wika nito sa galit na boses. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa sobrang hiya dahil nakita na nitong hayup nato yung buo kong katawan. "AaaaaaaaaaahhhhhhhHHH!" Sigaw ko sakanya at sa sobrang hiya ko agad kong hinampas hampas yung mukha nya habang sumisigaw. Napatigil lang ako sa pag hampas sa kanya ng makita ko yung konting dugo malapit sa mata nya at bigla kong narealise na wait diba boss ko to?OMG!!!!! Napatigil ako at agad na napatayo habang kitang kita ko na sakit na sakit sya sa ginawa ko, nakapikit pa sya nun. Pagkamulat ng mga mata nya agad kong nakita yung galit sa mukha nya at agad rin syang tumayo para atakihin ako, agad ko rin namang pinansalag yung mga kamay ko at napapikit nalang sa sobrang takot. Pero teka? Bakit parang di ko naramdaman yung suntok ni DD? Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at nakita ko sya na nakaupo na at nakapikit na para bang pilit na pinipigilan yung galit. "Magbihis kana, and after mag-uusap tayo." Wika nya sabay alis papuntang kusina. Nakahinga naman ako ng maayos at agad na kinuha yung tuwalya upang takpan ang nakababad kong katawan, bago maghalungkat ng susuutin ko sa bag ko. Pagkatapos kong magbihis nahihiya pakong sumunod sa kusina upang kausapin na si sir Daniel. "... Ahmmm (ubo) sir... Sir Daniel" wika ko sa mahinahong boses. Nakita ko naman sya na nakatalikod habang umiinom ng san mig lights. "Sir...?" Wika ko. "Seat." Sabi nya medyo kumalma na yung boses ni DD. Umopo ako sa upuan na halos mas matangkad pa sa lamesa at agad naman syang humarap sakin. "So here's the deal Mr. Remaha papabalikin kita sa trabaho mo in exchange may client ka na hahawakan." So ito na nga yung sinasabi ni Carla sa fone sakin kanina. Pero kung hahawak ako ng client baka mahirapan ako? At kung iisipin mo... Sya yung may mas kailangan sakin.. "Pano kung hindi ako pumayag?" Tanong ko na medyo nagmamataas. "Ipapakulong kita. Nakita mo tong ginawa mo sakin?" Sagot agad ni sir Daniel sabay turo sa sugat na malapit sa mata nya habang nakatingin sakin ng seryoso. "Well, mas pipiliin ko ng makulong kesa makatrabaho ka ulit, in fact pabalik na sana akong pronbinsya pero dumating kalang." Pag mamataas ko parin. "Tell me, what makes you say yes then!?" May angas nyang sabi. "Hmm i dunno?! Ahmmm... Perhaps benefits? Anong makukuha kong benefits sa deal nato ha?" Sabi ko, akala siguro nitong DD nato maiisahan nya ko ha hahahaha! "Ano bang gusto mong benefits? Ofcourse! maliban sakin!" Wika nito sa nagyayabang na boses. Ang kapal talaga ng mukha nitong taong to. "Feeling mo naman, oo gwapo ka pero di kita type no." Pabulong kong sabi. "Anong sabi mo?" "Ha? Wala! Hahaha okay..." Sabi ko sabay kuha ng papel at ballpen. "Isusulat natin yung deal mo at yung benefits na makukuha ko dito then pipirmahan natin." Dagdag ko pa. Himala parang di nagre-react si DD ha? Ibig sabihin okay sakanya to? "Okay ang kapalit ng favor na hinihingi mo sakin ay isa din favor.." Sabi ko sabay tingin sa kanya. "Just say it!" Wika nito sa seryosong boses.nagmamadali lang? "Okay, ang gusto ko.... dito nako titira sa bahay nato ng libre hanggang magresign ako!" "What! Are you f*****g kidding me!? NO!!!!" Pagtanggi ni DD. "Okay, okay sige, hanggang matapos yung deal natin sa cliente mo! Ano?" Agad kong sabi. "Hindi! Iba nalang!" Pagtanggi nya. "Ano kaba sir Daniel, tignan mo to ha, tutulungan kitang magpasok ng pera sa kumpanya mo in return tutulungan mo naman ako para makasave ng pera sa pagpapatira mo sakin dito ng libre. See, this is a win-win situation." Paliwanag ko sa kanya pero nakatingin lang sya sa isang lugar na para bang nag iisip. Parang ang big deal naman, bahay lang naman tong titirahan ko. "ano sir? Kasi kung ayaw mo parin...aalis nako. madali naman akong kausap.." Dahil sa hindi nya pagsagot kinuha ko na yung bag ko at nagsimula ng maglakad papalayo pero ng malapit nako sa pinto agad nya kong pinahinto. "Wait!" Sigaw nya sabay lapit sakin. "Deal, until mag sign yung client ko ng contract!" Sabi nya sabay alis. "Ops! Wait lang sir!" Agad akong tumakbo sa lamesa kung saan andun yung papel na sinulatan ko kanina. "So pag hindi ka tumupad sa kasunduan, magigng akin na tong bahay nato at pag ako naman ang hindi tumupad sa kasunduan natin... babayaran ko yung pag iistay ko dito" sabi ko habang sinusulat yun sa papel at agad na pinirmahan. Tumingin lang sakin si Sir Daniel na para bang nalugi. "Oh sir! Pirma kana." Sabi ko sabay ngiti. Tumingin ulit sya sakin na parang walang tiwala at agad na pinirmahan yung papel na nakalatag sa mesa. "Okay na?!" Pabalang na sagot nito. Sinagot ko naman sya ng pagtango at ngiti. Pagkatapos nyang pirmahan yung papel agad din syang umalis ng bahay. Haaayyy.. Natuwa naman ako kasi hindi nako mamo-moblema sa titirahan ko. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD