Chapter 10: Broken

1453 Words
"Ay jusko! San ba banda dito!?" Wika ko na may kasamang kaba. Hinahanap ko kasi ngayon kung saan yung sea mall, ang buo ko namang akala madali ko lang to mahahanap since na isa ito sa mga mall ng Siy corporation. Nako naman lagot nako nito kay Demonyong Daniel pag nalate ako. Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na 1:30 na ng hapon tapos alas dos yung meeting namin kay sir Enrique o kay Pops. Yung feeling na nawawala na nga ako tapos sobrang init pa, tas basang basa nako ng pawis, yung kilikili ko nararamdaman ko ng basa!! Aaarrrggghhhh!!! Nasan naba yung mall nayun! Habang sa paghahanap ko biglang nag-ring yung telepono ko na agad ko namang sinagot without looking kung sino yung tumatawag. "Helllo!!!!" Sigaw ko. "Sinisigawan moko!!!" Sigaw ng nasa kabilang linya. Nagtaka naman ako kaya naman agad kong tinignan kung sino yung tumatawag, unknown number. "Sino bato? Magpakilala ka ngayon na kung ayaw mong babaan kita ng telepono" wika ko sa mataas na tono. Kinakabahan na kasi ako tas feeling ko nanloloko pato. "Si Daniel Richard Siy to! Ang boss mo!" Pasigaw nitong sabi na nag paamo sa nagagalit kong damdamin. "Ohhhh sir! Ikaw pala yan! (Tawa) andyan kanaba sir?" Tanong ko sa malambing na tono sabay tawa. "Niloloko mo ba ako?! Anong oras na oh! San ka nakakita ng mas nauna pa yung boss kesa sa secretary ha!" Sigaw nito sakin. Ang sakit sa tenga ha. "Eh kasi naman sir nawawala po ako eh, san po ba banda?" Tanong ko. "Magtanong ka dyan! Ang laki laki nitong mall hindi mo makita dapat nandito kana after 3mins ha! Unless magbalot balot kana!" Wika nito. "Sige po sir papunta napo! Sir? Sir? Hello? Hello? Sir!!! Siiiiiiirrrrr!!!" Lintek talaga yung taong yun oh! Binabaan ako ng telepono ni hindi pako tapos magsalita! Nakooo! Kung hindi lang kailangan! Arrrrgghhh! Agad naman akong nagtanong tanong sa mga taong nagtitinda dun at sa awa ng Dyos tinuro naman nila sakin kung saan yung mall nayun, sana inisip man lang nitong DD nato na hindi ako laki dito sa manila sana man lang sinundo nya nalang ako eh may sasakyan naman sya. (-__-) Pagdating ko dun agad kong tinext yun number ni Sir Daniel para tanungin kung saan sya banda para mapuntahan ko na sya. ilang segundo palang mula ng masend ko yung text ko sa kanya agad namang nag ring ang telepono ko. "Andito ako sa 3rd floor, orange caffe!" Sabi nito sabay baba ng telepono. Nako talaga tignan mo talaga yung ugali nitong taong to! Napaka bastos talaga! hinanap ko nalang yung orange caffe sa 3rd floor habang pinupunasan yung pawis ko, pagkatapos nun nagpulbos narin ako ng mukha at nag wisik ng pabango para naman hindi ako mukang haggard. Pagdating ko sa orange caffe, nasa labas palang ako ramdam ko na ang init ng ulo ni DD, nakasibangot ito at halatang inip na inip na. Huminga nalang ako ng malalim at sinabi sa sarili na kaya ko to! Pagpasok ko dahan dahan akong umupo sa harap ni sir Daniel. Habang umuupo ako di ako tumitingin sa kanya kasi alam ko naman na galit sya sakin. Ng makaupo nako dun nako tumingin sa mga mata ni Sir Daniel na nakatingin na sakin ng masama. Ngumiti ako sa kanya na para bang nagpapa-cute para hindi na sya magalit sakin. Pero masama parin ang tingin nya sakin. Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya para hindi na sya magsalita. Pero ng aakma na syang magsalita biglang nag-ring ang telepono nya. Dont get me wrong ha, di naman talaga ako chismoso, pero naririnig ko kasi pinag uusapan nila, parang si Pops yung kausap nya at sa tono ng boses nito feeling ko hindi maganda yung pinag uusapan nila. "Canceled na yung meeting!" Sabi ni Sir Daniel matapos silang mag usap ni Pops. Nagtaka naman ako sa kanya kasi malamig naman dito sa loob pero bakit parang pinagpapawisan tong mokong nato? Ganito bato pag galit? "Lets call it a day! Pwede ka nang umuwi!" Wika nya sabay nagmadaling umalis. Sigh! Grabe nasayang lang yung effort ko ha. Palabas nako ng mall ng biglang may tumawag sakin, unknown number nanaman. "Hello!? Sino to?" Tanong ko. "Nasan kana? Asan ka ngayon?!" Pasigaw na sabi ng nasa kabilang linya. "Sir? Sir Daniel po ba ito?" Tanong ko. "So, kailan mo ise-save tong number ko!?" Wika nya, na parang nahihirapan. "Asan kaba ngayon puntahan moko dito! Magdala ka ng toilet paper!" Sabi niya na agad ko namang ipinagtaka. "Toilet paper sir? Bakit nasan po ba kayo.?" Tanong ko. "Ang daming tanong! pumunta ka nalang dito sa CR, sa 3rd floor! Dalian mo ha!!! Yun tissue paper wag mong kakalimutan!" Wika nito sabay baba ng telepono. Grabe ha! Napaka demanding naman talaga nitong taong to! Akala mo naman may pinatago sakin to na pera. Kung nasa CR sya ngayon tapos kailangan nya ng tissue malamang umeerna sya tapos naubusan sya ng tissue paper hahaha! Agad akong bumili ng tissue sa supermarket at nagmadaling pumunta sa CR. "Sir Daniel?... Sir?" Bulong ko habang naglalakad sa labas ng mga cubicle. "Siiiiir???????" Bulong ko. "Dito! Dito dali!" Sigaw ni DD kaya naman agad akong nagmadaling pumunta sa cubicle sa dulo at agad na inabot sa ilalim yung toilet paper. "Kasalanan mo to eh! Kung di mo ko pinainom ng kape hindi mangyayari sakin to eh!" Reklamo sakin ni DD. Paulit ulit inusal ni Sir Daniel ang reklamo nya hanggang matapos sya sa ginagawa nya. Pagbukas nya ng pinto ng cubicle pawis na pawis ang noo nito kaya naman dahan dahan kong inabot sakanya yung panyo ko. Pero tinignan nya lang to at agad na napahawak sa tyan. "Oh s**t!" Wika nito sabay balik sa loob ng cubicle. "Tigan mo yung ginawa mo sakin! Buti nalang hindi natuloy yung meeting!" Sigaw nanaman nya. "Hoy! Bumili ka nga ulit ng toilet paper!" Utos nito. "Haaah!? Sir kabibigay ko lang ha!?" Sabi ko. "Hindi na kasya to! Bumili kana! Babayaran nalang kita." Pagkarinig ko nun na babayaran nya pala ako nagmdali akong bumalik sa super market para bumili ng dalawang toilet paper, isang graturade at saging. "Oh sir oh, yung toilet paper mo." Sabi ko sabay abot sa baba. "Ano ba kasi ginagawa mo sa tissue sir? kinakain mo ata eh." Bulong ko. "Anong sabi mo!?" Wika nito. "Wala po sir! Hintayin ko nalang po kayo sa labas." Sabi ko sabay labas ng CR. Umupo ako malapit sa labas ng CR para makapagpahinga rin at agad makita ni Sir Daniel pag lumabas na sya ng CR. Maya maya lumabas na sya ng CR na parang walang nangyari, maayos narin yung mukha nya parang okay na sya at mukang nakapag ayos na rin ng sarili. Agad naman nya kong pinutahan sa inupuan ko. "Magkaliwanagan tayo ha! (Umupo sya) wag na wag mong ipagsasabi tong nangyari ngayon ha!" Wika nito na para bang pinagbabantaan ako. "Oo naman sir! Wala akong nakita!" Sabi ko saknya with matching hawak pako sa puso. "Nga pala sir, ito oh para umayos pakiramdam ng tyan mo." Sabi ko sabay abot ng gatorade at saging. Tinignan nya lang to. "Sir inumin mo nayan! Para bumalik yung nawalang tubig sayo at kainin mo yung saging para tumigas yung pupu mo." Paliwanag ko saknya. Tumingin lang sya sakin ng masama tapos kinuha yung graturade ng pabalang sabay ininom. Nakikinig din naman pala tong DD nato eh hehe. Nang makalahati na ni Sir Daniel yung iniinom nya. Bigla itong napatigil sa pag inom at biglang napatitig na agad ko namang pinagtaka. Lumingon ako kung saan sya nakatingin, dun ko nakita ang isang napakagandang babae na nakasuot ng kulay pulang dress. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng bigla nya itong lapitan. "Maya!" Wika ni DD. "Daniel?" Tugon ng babae, Na parang hindi masaya sa nakita. "Maya, pwede kabang makausap?" Sabi ni Sir Daniel. "Ano ba Daniel!? Wala na tayong dapat pag usapan pa!" Sagot ng babae. "Please Maya! I will do everything! Bumalik kalang please!" Pagmamakaawa ni sir Daniel. "Ano ba nakakahiya ka! Daniel wala na tayo kaya please!" Sagot nito sabay alis. Naiwan dun si Sir Daniel na lumuluha habang tinitignan papalayo yung Maya. Marahil siguro ayun yung ex girlfriend nya. Hindi ko alam kung ano yung nangyari pero somehow parang may naramdaman akong kirot sa puso ko ng makita kong umiyak at mag makaawa si Sir Daniel, knowing his personality na mayabang at masama yung ugali. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumalapit sya sakin. "You can go now." Sabi nito sabay alis. Kitang kita ko yung luhang namumuo sa mga mata ni Sir Daniel na handa ng tumulo. Tinignan ko lang sya habang naglalakad papalayo na dala dala ang sakit at pagkabigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD