Chapter 13

2797 Words
"Oh, saan kayo galing?" bungad ni Helga sa mga anak nang makitang papasok ang mga ito sa main door ng bahay nila. Naunang pumasok si Robin. Dumiretso ito agad sa sala, pinatong ang bitbit na napakaraming paperbag sa sahig saka pasalampak na napaupo sa mahabang leather couch. "Tanungin mo yang magaling mong anak," reklamo nito habang dinuro si Aliyah na nasa may shoe rack malapit sa entrance door at naghuhubad ng sandals. Bakas sa boses ng binata ang pagod. "Luh, si Kuya?" nakanguso namang reklamo ni Aliyah. "Buti nga, nag-volunteer akong maging stylish mo for free, e." "E gaga ka. Na-max out mo kaya yung supplementary card ko!" Biglang napaso ng dibdib si Helga sa narinig. "Hoy, Aliyah, anong sinasabi nitong kuya mo?" bulalas pa ng ina habang nakatingin sa ngingisi-ngising unica hija. "Umubos ka ng twenty thousand ngayong maghapon?!" Bumungisngis naman si Aliyah saka lumapit sa ina at yumakap dito. "E kesa naman ang papangit ng isusuot ni Kuya sa TV, duh? Lam mo naman yan, walang sense of fashion." Inirapan pa niya ang kapatid. Robin sneered. "Ang usapan kasi natin, bibili lang ako ng isusuot ko sa kasal bukas. Aba, nagulat na lang ako, nakasampung apparel shop na kami." "Okay lang yan, ano ka ba? Isipin mo na lang, investment iyan." "Hay nako, ewan ko sayo, Aliyah." Pabirong piningot ni Helga ang kanang tenga ng anak saka ito hinagkan sa noo. "Ginawa mo na namang barbie dress-up yang kuya mo." "Ma!" angil ni Robin sa ina, kasabay ng malakas na pagtawa ng nakababata nitong kapatid. "Anong barbie dress-up ka dyan?" "Wala. Labyu, anak." Hinagkan din ni Helga ang noo ng panganay saka nagpaalam na titingnan ang niluluto ng kasambahay. Samantalang, sinimulan nang hubarin ni Robin ang mga suot na pulang sneaker. Saktong pahiga na ito nang biglang may pumindot ng doorbell. "Buksan mo nga yun," utos nito kay Aliyah. "Kaw na! Binilhan na nga kita ng damit e." "Ay, wow? Pera mo? Pera mo?" "Bakit, pera mo rin ba?" nakangising bara ng dalaga. Nang makita niyang naningkit ang mga mata ng kuya, muli siyang tumawa nang malakas saka sumunod sa sinabi nito. It was Aldous who was at the gate. Bigla ngang kumislap ang mga mata ni Aliyah nang makita ito. Simpleng white na v-neck at itim na pants lang ang suot ng lalaki pero napakalakas pa rin ng dating nito. Nakadagdag din sa appeal nito ang mamasa-masa pang buhok. Jusko, ang lakas talaga maka-sana ol ni Kuya! "Uy, Kuya Aldous," bati niya rito saka ito pinapasok. Noon lang niya napansin ang isang malaking box ng pizza na bitbit nito. Lalong kumislap ang mga mata niya. "Hi, Aliyah," tugon din nito. "Kuya mo?" "Iyon nasa sala. Tinotoyo," nakangisi niyang saad. Mahinang natawa si Aldous. "Sakto palang namili ako ng pizza, ano?" Sabay silang pumasok sa sala. Nadatnan nilang abala sa paggamit ng cellphone si Robin. Sa sobrang tutok nga nito sa ginagawa, ni hindi nito napansin na nakasanding na pala ang nobyo nito sa armrest kung saan nakapatong ang ulo nito. Aldous playfully pinched Robin's nose, making the latter scrunched in annoyance. "Ano ba? Sino--" Natigilan si Robin nang mapagtantong si Aldous pala iyon. Bumalikwas pa ito ng bangon, dahilan para mapangiwi sabay pikit at masahe sa sentido. Agad namang humawak si Aldous sa dito at tinanong kung ayos lang ba ito. "Yeah," tugon naman ni Robin saka dumilat. "Ba't ka pala andito?" "Ah, about that. Tatanungin ko lang kung tuloy pa ba ang plano? Bukas na yung kasal, di ba?" sagot naman ni Aldous. Napakurap-kurap ang nobyo nito. "Naalala mo?" "Oo naman. Bakit ko namang makakalimutan? Kaya nga ako nandito, ay." "Ay nako, Kuya Aldous," sabat ni Aliyah na sinimulan nang lantakan ang pizza. "Sumisilay ka lang, e," dugtong pa nito habang may nginunguya. Napaiwas naman ng tingin si Aldous. "A-Am I that obvious?" tanong pa nito habang namumula. Aliyah shrieked. Shet, ang cute! Tapos, lumipat siya sa kabilang tabi ni Robin saka tinusok-tusok ang tagiliran. "Ikaw, Kuya, ang haba ng hair mo!" hirit nito. Pinandilitan siya nito ng mga mata. "Stop it, Aliyah." Tinangkang pigilan ni Robin ang mga kamay niya pero wala itong nagawa. Kahit nang tumayo ito para lumipat ng upuan, hindi siya nagpapigil. "Ano ba?!" bulalas ni Robin saka umamba ng sabunot. Pero naging mabilis si Aliyah sa pagtayo at pagtakbo. Robin chased after her, and they ended up running in a circle while Aldous was watching them in delight. Naputol lang iyon nang biglang sumulpot si Helga mula sa kusina. "Hay nako! Parang mga bata!" suway nito sa mga anak habang nakapamaywang. Then, she looked at Aldous, and her eyes flickered. "Uy. Nandito ka pala, Aldous." Samantalang, tumayo naman si Aldous para magmano sa ilaw ng tahanan ng pamilya Tejada. "Good evening po, Tita Helga." "Good evening din. Napakagwapo mo talagang lalaki. Bagay kayo ng Baby Robin ko." Mahina nitong kinurot ang pisngi ng lalaki. "Bakit ka nga pala napadalaw?" "Tatanungin ko lang ho sana si Robin kung tuloy ba siya bukas sa kasal ng kaibigan niya. Saka dinalan ko rin po pala kayo ng pizza." Tinuro nito ang box na nakapatong sa coffee table. "Ay, salamat, Aldous. Saktong gusto ko sanang magpa-deliver ng pizza ngayon." "Kaya pala naisip kong pumunta dito, Tita." Tumawa si Aldous. Aliyah looked at her brother maliciously. "At mukhang nagkakasundo naman yata kayo d'yan, Momshie at Kuya Aldous," kantiyaw pa niya. "Taray mo, Kuya. Supportive si Momshie sa manliligaw mo." "Bakit naman hindi? Mabait naman si Aldous. At gwapo pa? Sinong magulang ang tatanggi dyan?" kumento ni Helga. Muling napaiwas ng tingin si Aldous. And like earlier, he's blushing. "Ayie, kinilig si Kuya Aldous!" Pumalakpak nang malakas si Aliyah bago niya ibinaling ang tingin kay Robin. "E kung tabihan mo kaya siya, ano?" "Ito na nga." Lumapit si Robin sa tabi ng lalaki saka sila sabay na naupo sa sofa. Samantalang, nagpatimpla naman si Helga ng maiinom kay Manang Rose. Sakto ring dumating naman ang padre de pamilya mula sa work nito. Muling tumayo si Aldous para magmano rito. Nagulat pa nga ito. "Ikaw, nawiwili kang makibahay, ha?" biro pa ng padre de pamilya. Nagkibit-balikat naman si Aldous. "Can't help it, Tito. Bukod sa gusto kong kasama si Robin, curious din ako sa mga bago nyong project. Ewan, parang gusto ko kasing subukang mag-interior designing, Tito." Malakas na tumawa si Val saka mahinang tinapik-tapik ang balikat ng nobyo ng anak nito. "Nako, mainam iyan. Mukhang alam ko na kung bakit ako binigyan ng baklang anak. Dahil sa isang Fortaleja ko pala ipapamana ang kumpanya ko." Val co-owned a construction company, kung saan ito ang head engineer. Hindi maiwasan ni Aliyah na mapangiwi sa narinig na homophobic undertone ng ama. She secretly eyed her brother. Mukhang hindi naman na-offend si Robin dahil kaswal itong kumakain ng pizza habang pinapanood na mag-usap ang ama at ang nobyo. She decided to occupy the empty space besides her brother. "Ang lakas ni Kuya Aldous kay papa, oh?" Robin looked at her. "Oo nga, e. Gulat din akong ang bilis tinanggap si Aldous. E samantalang big deal pa nga sa kanyang di ako straight." "E, ang galing ba naman kasing magpalakas ni Kuya Aldous." Mahina siyang natawa saka kumuha muli ng isang slice ng pizza. "Sana all, may jowang ma-effort," wala sa loob niyang bulong. "Bakit? May jowa ka ba ngayong hindi ma-effort?" Natigilan si Aliyah. "Luh? Wala, ah?" "E ba't parang ambitter mo dun sa sinabi mo?" "Ito naman, nakiki-sana all lang, e." Inirapan niya ito. Yet at the back of her mind, bigla siyang nakaramdam ng frustration. Kailan nga kaya darating ang taong ma-e-effort naman para sa kanya? It didn't have to be a lover. Gusto lang niyang maranasan yung gaya ng pagpapahalagang nakukuha ni Robin sa mga nakapaligid dito. Because honestly, she only experienced that once before. Sa maling tao pa. - Sabado nang araw na iyon pero mayroong pasok si Aliyah. Make-up class iyon dahil nagkaroon ng isang linggong class suspension kailan lang dulot ng isang malakas na bagyo. Unfortunately for her, wala siyang service that day dahil mayroong emergency ang kanyang sundo. Kaya naman iyon ang dalaga at inip na inip sa loob ng isang cofee shop within the campus. Sabi na kasing magga-Grab na lang ako! iritado niyang sambit habang nakatingin sa wrist watch niya. It was almost 7:00 pm. Mahigit apat na oras na siyang naghihintay. Sa kanila pa ako ginabi tuloy. Kainis. Bumuntonghininga siya saka nagdesisyong tawagan ang mama niya. Malo-lowbat na rin kasi siya at hindi pa niya na-charge ang power bank niya. "Mommy, asan na kayo?" bungad niya sa mama niya nang sagutin ang tawag niya. "Nako, baby, hindi ka pa raw masusundo ni Papa. Di pa raw matatapos ang meeting nila." Kulang na lang ay mapairit si Aliyah sa inis. Pero dahil nasa public place siya at nagkataon pang maraming tao noon, pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Mommy naman kasi. Sabi ko sa inyo, magga-Grab na lang ako. Alas tres naman ang uwian ko." "Heh! Magtigil ka nga! E kung r****t pa ang na-timingan mong driver, sige?" Iyan na naman sila sa ka-OA-yan nila. Napailing-iling na lang ang dalaga. Ever since the stalker incidence earlier this week, lagi nang praning ang mga magulang niya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito, but that was a bit too much! "Pero kung gusto mo, kay Logan na lang kita ipasundo?" Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng lalaki. "Po?" "Nandito si Logan sa cafe. Paalis na raw siya. Gusto mong ipasundo na kita?" Napamaang siya. She wanted to say yes for the obvious reason na bagot na bagot na siya. But... Logan? Napalunok siya. "Ma, wag na--" "Napakabait mo talaga, hijo. Salamat, ha?" Narinig ni Aliyah sa kabilang linya. It was faint, parang malayo ang phone sa bibig nito."Pumayag na si Logan. Antayin mo na lang siya, ha? Bye, baby, Ingat sa pag-uwi." "Ma, wait!" But the call ended. Napangiwi na lang si Aliyah. Gusto niyang makita ang lalaki. But after those days of him ghosting her? Pakiramdam niya, hindi na niya ito dapat kausapin. Or more like, hindi na niya alam kung paano ito kakausapin. Because right then, she could feel that something would change between them. And considering na nagawa nitong tiising huwag siyang pansinin? She couldn't help but think of the worst. - Gaya ng inaasahan ng dalaga, sobrang awkward sa loob ng kotse. Ibang-iba ang ambiance. When she looked at Logan, seryosong-seryoso ang mukha nito. Walang-wala sa tipikal na makulit at parang laging lumaklak ng maple syrup. Of course, Aliyah tried to break the ice. Sinubukan niyang maging friendly dito. But Logan just gave her a cold shoulder. Ni hindi nga siya nito kinumusta man lang! Hindi nagtagal, natanaw na niya ang main gate ng subdivision nila. Ilang sandali lang, makakababa na siya. Yet even though she wanted to get away from this awkwardness, ayaw niyang bumaba. She wanted to talk. Kahit makapag-sorry man lang siya sa ginawa niya. Ano bang mangyayari sa friendship natin nito? Isip niya habang pinasimpleng pinapanood si Logan na kuhanin ang visitor's pass nito. Unlike to her, magiliw na nakangiti ang lalaki sa guard. Logan suddenly looked at her. Agad na napawi ang ngiti nito saka hinarap ang tingin sa daan. Tapos, pinaandar nito ang kotse. As for Aliyah, napayuko na lang siya saka napakagat ng labi. Wala. Galit talaga siya. Naramdaman niya ang pamamasa ng mata niya kaya naman pumikit siya para pigilan ang pagtulo niyon. But then, the car stopped abruptly. Gulat tuloy na napadilat muli ang lalaki. Nakadagdag pa sa gulat niya ang biglang paghampas ni Logan sa manibela. "f**k, I can't do this!" biglang singhal nito. Mabibigat ang paghinga nito. And when Aliyah looked at him, nakikita niya ang pag-igting ng mga panga nito. "Can't do... what?" naguguluhang tanong ng dalaga. Logan looked at her. Galit ang expression nito. No, more like, frustrated. "This is too cruel, Aliyah," bulong nito. "I'm too cruel. You're not supposed to suffer, especially when it's me who's at fault." Napakunot siya ng noo. Naguluhan siya sa sinabi nito. "What? At fault? Ikaw? Anong kasalanan mo?" Umiling ito. "You don't have to know." Pagkuwa'y hinawakan siya nito sa pisngi. The moment their skin rubbed against each other, biglang kumabog nang mabilis ang puso ng dalaga. As if it was magic, her frustration vanished. Napalitan iyon ng kilig. This touch... had she ever yearned for physical contact like this before? She could not remember. Actually, tingin nga niya'y hindi iyon kailanman pumasok sa isip niya. But now that Logan was touching her, she suddenly felt satisfied. Deeply satisfied. As if it satiated some craving she didn't know she had all this time. "Listen, Aliyah," muling salita ni Logan. "I'm not really good with words. I don't know how to say this without making things awkward between us. But I want you to know na it's not my intention to make you upset. If anything, gusto kitang mapasaya. Because that's what friends are for, right?" Bumuga ito ng hangin. "But... i-it's really complicated." Umiling-iling ito. Now, he was looking guilty. "Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito sayo, Aliyah. It feels wrong. Kaya kita iniiwasan. "But seeing you get upset because of it? Because of me? Trust me, Aliyah, it's frustrating. The longer I see you suffer, the more I get annoyed with myself." Umiling-iling ito saka muling bumuga ng hangin. "It's unfair. It's my fault, pero ikaw ang nahihirapan dahil sakin. So starting today, I decided to set aside this feeling. Bata ka pa. You don't deserve to be treated like this." Matapos itong magsalita, binitiwan na siya nito saka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Samantalang, nanatiling walang imik ang dalaga. Nakaawang din ang labi niya. She was so confused, and yet somehow, nakukuha niya ang nais ipahiwatig ng lalaki. Na may gusto ito sa kanya pero pinipigilan nito ang nararamdaman dahil hindi iyon tama. Dahil bata pa siya. Napaiwas siya ng tingin saka napakapa sa dibdib niya. Nandoon pa rin ang pagwawala ng puso niya. Pero hindi gaya kanina, parang hindi siya masaya. She looked at her hands. Nanginginig iyon. Something was really wrong, yet she could not tell what it was. Or maybe it was something she refused to name. Dahil alam niya sa sarili niyang mali nga na ibigin siya ni Logan. She was a minor, and Logan was a f*****g adult. And literally, just a few days ago, Logan was so obsessed with her brother before he finally accepted his defeat, and let Robin go. She bit her lips. Okay, gets na niya kung bakit ganoon ang naramdaman niya. Panakip-butas siya. Panakip-butas lang siya. Naputol ang pag-iisip niya nang biglang huminto ang sasakyan. Noon lang niya napagtanto nasa bahay na sila. Logan's deep sigh broke the silence between them. "Aliyah, I'm sure you already know what I meant earlier," muling sabi nito. "Maybe right now, naki-creepyhan ka na sakin. I won't blame you if that's the case." Napapikit siya. So tama nga ako. She bit her lips. May gusto siya sakin. "If you want to end this friendship, I won't mind it. But if you don't, okay lang din. Whatever pleases you, iyon ang masusunod. But for now..." Sa hindi mabilang napagkakataon, humugot na naman nang malalim na hininga ang lalaki. "But for now, let me just sort my shits out. Aayusin ko lang ang sarili. Starting tonight, kakalimutan ko lahat ng nararamdaman ko sayo. This will be the last night you will see me like this. The next time we see each other, I won't be that creepy guy na nagkagusto sa menor de edad, but I will be Logan Paul, kaibigan mong mahangin at libog na libog sa kuya mo." A burst of forced laughter came after, but it quickly died out because he received no response from her. Tinaas nito ang hinliliit ng kanang kamay. "It's a promise, Aliyah. It's a promise." Tumango na lang ang dalaga. She suddenly felt tired, so she didn't speak. Kaya naman, bumulong na lang siya ng, "Thank you sa paghatid," saka bumaba ng kotse. Kumaway din siya rito bago sinara ang pinto. Logan waved back at her before he drove away. Pero bago ito tuluyang nakaalis, nahagip ni Aliyah ang malungkot nitong mga mata. It was now full of regrets. Napatiim-bagang siya. If the situation was different, marahil ay matutuwa siya sa pag-amin ng lalaki. Pero hindi. Even if she's an adult, it won't change the fact that Logan liked her brother first. Iyon ang nagpamali ng lahat ng ito. Dahil sa huli, naging taga-salo na naman siya ng tira-tira ng kapatid niya. At hindi na yata kaya ng ego niyang tanggapin iyon. She heaved a deep breath before she looked up at the sky. "Ganito na lang ba talaga lagi?" She smiled bitterly as her tears gushed out. "Ganito na lang ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD