Chapter 6

1578 Words
"Sorry talaga, Calyx, ah? Baka naman naabala kita." "It's fine, don't worry." Calyx looked at her and gave her an assuring smile. Shuta! Hanggang ngiti niya pang-uke talaga! Aliyah bit her tongue to force herself not to giggle. Nagkaroon kasi ng mix up sa letter na dineliver si Aliyah. Imbis na yung fake love letter for Calyx ang maibigay niya, para sa ibang lalaki ang nakuha nito. At iyan ang dahilan kung bakit sila magkasamang naglalakad papunta sa gymnasium sa tabi ng St. Aloysius building. Hindi nagtagal, natanaw na nila ang building. They stopped at the entrance of the gymnasium. Nilabas na ni Calyx ang letter at inabot iyon sa kanya. Ang usapan kasi nila, sasamahan lang siya para madali niyang maibigay ang tamang letter. Kaso nang kukunin na ni Aliyah ang sobre, may tumawag sa kanya. She excused herself saka lumayo. "This will be quick lang." Tapos dali-dali siyang lumayo. Pumuwesto siya sa gilid ng isang mayabong na puno saka sinilip si Calyx. Calyx was watching the players of sepak takraw practice inside. Napangisi siya saka sinagot ang tawag. "Agent Casserin is speaking. Now commencing Operation: Phase Two." - Mahigit three minutes na yatang kausap ni Aliyah kung sinuman ang tumawag dito. Truth be told, medyo naiinip na si Calyx. Excited na rin kasi siyang mabasa ang pangatlong love letter na ide-deliver dapat sa kanya ni Aliyah. Ano kayang itsura niya? Isip pa niya. He hoped she's a pretty girl with round glasses and is socially awkward. Kawangis ba ng mga mahiyaing babae sa anime na napapanood niya. Mahilig kasi siya sa ganoon dahil sobrang cute for him. "Boy, may kailangan ka?" Naudlot ang pag-iisip ni Calyx saka tiningnan ang lalaki sa harap niya. Agad siyang napalunok. He was tall and dark with bulging muscles na lalong naging prominent dahil sa basa nitong shirt na kumakapit na sa balat nito. He looked at Aliyah again. Abala pa rin ito sa phone. Parang nakalimutan na ngang naroon siya dahil tumatawa pa at nagpapadyak. Muli niyang hinarap ang lalaki. "Uhm, pwedeng pa-excuse po kay Kuya Joachim Montez?" nahihiyang aniya. Sa totoo lang, natatakot siya rito. Ang laking tao kasi - lampas six feet pa yata - tapos seryoso pa ang mukha. Not to mention his really deep voice. "Ako iyon. Bakit?" Napamulagat siya. "Ah... eh..." Tiningnan niya ang letter na hawak saka bumuntonghininga. "This is for you po." Inabot niya ang sobre. Halatang nagulat ito. Kumunot pa nga ang noo nang kuhanin iyon. "Love letter ba to?" tanong nito. "O-Opo." "Galing sa iyo?" "No!" Hindi niya namalayang napalakas ang boses niya. He smiled awkwardly. "Dineliver po sa akin ang letter na iyan. Nagkapalit po tayo." Tinitigan siya nito nang matiim bago binuksan sobre at binasa iyon. Tapos, umismid ito at natawa. "Tang ina. Pang bata." Muli nitong binalik ang letter sa loob. "Pero thanks sa pagdadala." Tumalikod ito. "Wait," pigil niya. Nang humarap itong muli, nagpatuloy siya. "Yung letter po na para sa akin?" nahihiyang aniya. Saglit itong nag-isip. "Wala naman akong natanggap. Bakit?" Umawang ang labi niya. "Sure ka po?" Bigla itong natawa saka napailing-iling. "Mga bata talaga ngayon, oh? Nae-excite makatanggap ng love letter." To his surprise, bigla nitong ginulo ang buhok niya. "Don't worry, ibibigay ko na lang sa iyo kapag natanggap ko na." Tapos, ngumiti ito at yumukod hanggang maglapit ang mukha nila. "Ano nga palang pangalan mo, bata?" "C-Calyx po." "Oh, Calyx. Nice name. Ang unique." Tumayo ito ulit nang tuwid. "Senior high ka? STEM?" tanong nito habang nakatingin sa uniform niya. Puti at grey ang motif ng uniform ng mga STEM student kaya madali iyong makilala. "Opo." "Okay. Papadala ko na lang doon kapag nakita ko na. Pero wag ka ma-excite masyadong mag-girl friend. Bata ka pa." Tapos, kinurot nito ang pisngi niya saka nagpaalam na para bumalik na sa loob. Hindi maiwasan ni Calyx na mapangiwi dahil sa tinuran nito. Masyadong FC ang estranghero, and he did not like that. Not to mention, basa pa ng pawis ang kamay nito! Gross! Kinuha niya ang panyo sa pisngi at pinunasan ang mukha. Noon lang siya binalikan ni Aliyah. "Uy, sorry, nalingat ako! What happened pala?" "Okay na. Binigay ko na kay Kuya Joachim." Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa SHS building. "Eh? Anong sabi?" tanong naman ni Aliyah habang sumasabay sa kanya. "Yung letter mo raw?" "Wala raw siyang natanggap." "Hala? Huy, dinala ko yun, ah! Pinaabot ko sa teammate niya sa volleyball. Don't tell me, hindi binigay sa kanya?" Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Pero sabi niya, ipapadala na lang daw niya kapag nakita niya. Alam naman niyang STEM ako." "Kahit na ba! Nakakaasar naman. Sayang effort ko, e. Nakakapagod kaya maglakad from our building to here, ano?" Hindi na siya sumagot. Meanwhile, nilabas ulit ni Aliyah ang phone at nag-text. Calyx did not really mean to pry, but out of curiosity, he checked what Aliyah was texting. Status report: Operation: Phase II  Success! "Operation: Phase II?" wala sa loob na bulong niya. Gulat na napatingin sa kanya si Aliyah. "Hala, bakit ka nagbabasa ng text ng may text, ha?" "Sorry. Napatingin lang. Pero ano yung operation na iyan?" "Wala!" And yet Aliyah was blushing. "Anyway, andyan na yung service ko. Una na ako, ha?" Kumaway ito sa kanya saka tumakbo palayo. Samantalang, napatigil sa paglakad si Calyx. "Ano kaya yung Operation: Phase II na iyan? Parang secret agent lang, ah?" He realized he barely knew Aliyah. Bukod sa letters na natatanggap niya from her, wala na sila masyadong masasabing connection talaga. Heck, ni hindi nga niya alam until now kung sino ba talaga ang secret admirer niya! Pero sa huli, pinili na lang niyang isawalang-bahala ang nakita niya sa text nito. Wala naman siguro itong planong masama sa kanya. -          "The plan did not work." Aliyah opened her eyes. "Oh? Bakit naman?" tugon niya kay Logan through her phone. She heard Logan sighed. "I messed up. Ngayon, mukhang galit pa siya sa akin." "Ano ba kasing nangyari?" tanong niya habang inaalala ang plano nila. Unang araw iyon ng shooting ng Mario Luigi: Scandalous Lover. Bale, sa isang retreat house iyon sa Batangas ginanap, at tatlong araw sila roon. Since may overnight stay, Logan thought it was a perfect opportunity for him to make a progress, and he had consulted her on what to do. So mayroong isang eksena roon kung saan magkakairingan sina Luigi at Kean. Dahil napikon, hinataw ni Kean ng eskrima stick si Luigi. Ang planong naisip ni Aliyah ay totohanin ni Logan ang pambwibwisit kay Robin. Umaaasa siyang tototohanin din ng kapatid ang paghampas. Then once Robin calmed down, he would realize what he did and be apologetic to Logan. Saka magde-demand si Logan ng date. Plano nila, sa isang sikat na amusement park sa Batangas. "Huy, ano kamong nangyari?" tanong ni Aliyah ulit dahil hindi na sumagot ang lalaki. "I don't know. I guess I just felt too excited? Ang hirap kasing kuhanin ng loob niya, at..." Marami pang sinabi si Logan, at wala nang naintindihan si Aliyah. Puro kasi pasakalye ang mga sinasabi nito. Sa wari tuloy niya, may mabigat na kasalanan ang lalaki sa kapatid niya. Sa halip, pumikit na lang siya at ilang ulit na huminga nang malalim. "Aliyah? Are you still there?" maya-maya'y sabi ni Logan. "Yeah. Don't worry." Umayos siya ng upo. She was sitting on the floor with her back resting against the side of her bed. "So you're telling me na ayaw nang magpalapit sa iyo ni Kuya?" Iyon lang ang naintindihan niya sa sinabi nito. "Yes. Ayaw niya ring pakinggan ang explanation ko." "Then, let him be. Wag mong ipagpilitan ang sarili mo. Lalo lang magagalit si Kuya sa iyo." Short silence. "Ganon ba talaga ang dapat kong gawin?" halata sa tono ng boses nito ang pag-aalangan. "Oo. Matindi magtanim ng galit si Kuya, mind you. The more na nabwibwisit siya sa iyo, the more na lumalayo ang loob niya." Bumuntonghininga si Logan. "I see. Sige, tama ka na siguro. Anyway, bye na. Gusto ko nang magpahinga." Aliyah didn't even get a chance to say goodbye dahil binaba nito agad ang tawag. She looked at the screen of her  phone and sighed. Pinatong niya ang phone sa tokador. Then, she slouched and looked at the ceiling. "Will someone ever check on me?" bulong niya sa sarili. "Will ever someone realize na kahit ako ay nangangailangan ng tulong?" Humiga siya sa sahig at niyakap ang sarili. Hindi niya alintana kung malamig ng hinihigaan. Actually, it was quite ironic that the coldness of the floor was giving her comfort. This, after all, reflected what she was feeling right now: numbing. She was not feeling herself. And she was slowly losing her will to go on. Dumilat siya. No. Hindi siya dapat magpatalo. She has to fight this emptiness. Tumayo siya saka nagtungo sa study table niya. She looked at her drawer and looked for something that would help her. And she succeeded. Kinuha niya ang paper cutter na nakita niya sa ilalim ng mga notebook. She sat on the floor again, and watched the blade popped out as she pushed it out from its case. Huminga siya nang malalim. "I'm not doing this to kill myself. I'm doing this to ease away the numbness," bigkas niya na parang mantra. Tapos, tinutok niya ang blade sa talampakan niya. She closed her eyes and took a deep breath. Then, she shuddered when she felt the sharp blade cut her sole...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD