Chapter 10

2040 Words
"My God, nakakapagod ang araw na ito," bulong ni Aliyah nang makakababa na siya sa jeep. Nasa tapat na siya ng main gate ng subdivision nila. She checked her wrist watch. Alas siete na pala. It was uncommon for her to go home late lalo pa hanggang 3:30 lang naman ang klase niya. Medyo napatagal kasi ang club meeting nila dahil pinag-usapan na rin nila kung ano ang magiging tema ng sayaw nila. Tapos, naiwan silang dalawa ni Jayson dahil sila ang magcho-choreograph. Buti na lang talaga, wala yung impaktang Ariel na iyon. She could not imagine how would it end kung nandoon ito. Hindi ba niya maintindihan kung bakit ang tindi ng selos nito sa kanya. Pumasok na siya sa gate. Binati pa nga niya ang guard na lalaking bantay roon. "Ginabi ka yata ngayon?" sabi namin nito. "Oo, Kuya Guard. May club practice kasi kami." "Nako, dapat nagpasundo ka na lang. Delikado sa mga babae nagpapagabi. Tapos nag-jeep ka pa." Nginitian na lang niya ito saka nagpaalam na. While walking, napansin niya ang isang lalaking nakasandal sa isang light post. Nakaitim itong hoodie at may hawak na sigarilyo. Nakatingin ito sa kanya. She smiled. "Good evening po," bati pa niya saka ito nilampasan. "Hay nako, bakit ba ang layo ng bahay namin?" reklamo niya habang naglalakad. Pang-limang kanto pa kasi iyon, at dalawa pa lang ang nalalampasan niya. "Nakakapagod, jusko. Saka bakit ba kasi nagloloko data ko? E di sana nag-Grab na lang ako. Hays." She stretched her back. Tapos, pinaikot-ikot naman niya ang leeg. That was when she felt that someone was walking behind her. When she checked who it was, it was the guy in black hoodie earlier. Napalunok siya kasabay ng pag-alala ng warning sa kanya ng guard kanina. Nako, hindi naman siguro, ano? Baka dito lang din siya papunta. And yet hindi siya mapanatag. Katunayan, ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya. What to do? Nilipat niya sa harap ang maliit niyang bagpack para tingnan kung anong pwedeng gamiting proteksyon. Ballpen? Pwede na ba ito? Or perfume na lang? Nang makapa niya ang phone, agad niyang kinuha iyon at pasimpleng tumawag sa kapatid. "Aliyah, asan ka na?" bungad sa kaniya ng kapatid. Napalunok siya. "Kuya, help," bulong niya habang pinapakiramdaman ang sumusunod. Nararamdaman niya ang paglapit nito sa kanya. "M-May sumusunod sa akin." "Ha?! Nasan ka ba?" "Naglalakad ako pabalik sa bahay. Nasa pangatlong kanto na." "s**t. Sige, susunduin kita dyan. This will be quick." Binaba nito ang phone. As for Aliyah, she bit her lips. Gusto niyang tumakbo at magsisigaw pero natatakot siyang baka maging agresibo pa ito. Kuya, dalian mo! Napapikit pa siya at ramdam niya ang pangingilid ng luha. Wala nang ilaw ang susunod niyang lalakaran, at nararamdaman din niya ang lalong paglapit ng lalaki. "Aliyah!" Natigilan siya at napadilat. Then, she saw Logan rushing toward her. Nang magkalapit sila, niyakap siya nito. "Hoy, ikaw! Wala ka bang nanay?" singhal nito sa lalaki. Suddenly, the stranger ran away. Binitiwan siya ni Logan at kumaripas ng takbo para sundan ito. Tapos, nakita rin niya si Aldous na sumunod. "Aliyah?" Aliyah faced her brother. Nakita niyang hingal na hingal ito. "What happened? Hinawakan ka ba niya? Anong ginawa niya sa iyo?" tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagkataranta. Then, Robin touched her face. "Tell me! Ipapapulis natin siya." She opened her mouth yet no words came out. Muli na lang niyang sinara iyon saka kinagat ang labi. Then, she hugged her brother and cried. "Thank you, Kuya. I'm so scared!" palahaw niya. Robin gave her a comforting hug. "It's okay. At least you're safe now. But I promise na hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman kung sino siya at bakit ka niya sinusundan." She didn't speak anymore. Ibinuhos lang niya ang lahat ng luha. - "Anong tatawagan n'yo na lang kami? I want this matter to be settled now! Hindi ako mapapanatag na mayroong stalker ang kapatid ko na malayang nakakalabas-masok sa village natin!" Kahit ramdam pa rin ni Aliyah ang takot, hindi niya maiwasang matawa habang pinapanood ang kuya niyang makipag-away sa telepono. Hindi talaga bagay dito ang maging bungangero, palibhasa'y mukhang napakabait na tao. Saktong naibaba na ni Robin ang tawag nang pumasok sa sala sina Logan at Aldous. "What happened? Naabutan n'yo?" tanong ni Robin sa dalawa. "Hindi. Ang bilis tumakbo," hinihingal namang tugon ni Logan saka pasalampak na napaupo sa tabi ni Aliyah. "Tang ina. Sprint runner yata." Pinaypayan nito ang sarili. Pawis na pawis kasi. Tumalak si Robin. "Hindi ito pwede. Pupunta ako sa guard house. For sure meron silang footage ng CCTV!" Tapos, dire-diretso itong lumabas ng bahay. Aldous called him and ran after. Ibinaling ni Logan ang tingin kay Aliyah. "Grabe kuya mo. Hanggang labas, dinig ang sigaw." "Told ya. Matindi talaga magalit iyon." Tinungtong niya ang mga paa sa sofa at niyakap ang mga binti. Now that she has nothing to distract herself, nanumbalik na naman ang takot niya. Dinukdok pa niya ang mukha sa mga tuhod. Shit, buti na lang nakarating agad sila Kuya. Di ko alam ang gagawin ko kung hindi. Malaking tao pa naman ang lalaki. Pakiramdam din niya'y malakas ito dahil bulky ang katawan. Naramdaman niya ang kamay ni Logan sa ulo niya. Sakto pang nakalapit ang mukha nito nang magtaas siya ng tingin. Napitlag tuloy siya at napalayo. "Ano ba! Nakakagula ka naman!" bulalas niya sabay sapo ng dibdib. Yet she knew the reason why her heart went berserked was because of their proximity. Napakamot naman ng ulo ang lalaki. "Sorry," tugon nito. "Tatanungin sana kita kung ayos ka lang ba. But I guess not." Muli itong lumayo sa kanya. Isang payak na, "Yeah," lang ang tinugon ni Aliyah saka nangalumbaba. Naglapag ng maiinom ang kasambahay nila sa coffee table. Sinabihan pa sila nito na mainom muna para kumalma. Inabot naman ni Logan ang dalawang baso at inabot sa kanya. "Thanks," sabi naman niya. She struggled to grip the glass, though, so she had to use both of her hands. - Logan looked at Aliyah empathetically as she struggled to grip her glass. Tapos, bumuntong hininga ito at ginala ang paningin sa sala. His eyes landed on a compact piano sitting at a corner. Napansin nito ang bouquet na nakapatong sa ibabaw niyon. Dala ng kuryusidad, kinuha iyon ni Logan at tiningnan. Medyo tuyo na ang bulaklak pero halatang kailan lang iyon dinala. And the card was addressed to Aliyah. Napangisi siya bigla. Naalala kasi niya yung insidenteng kinuhanan niya ito nang palihim at ni-MyDay. Nililigawan na siguro siya. "So sino namang ang suitor mo?" tanong ni Logan sa babae habang palapit dito. "Yung crush mo ba?" Natigilan si Aliyah saka napatingin sa bouquet na hawak. "Ah, hindi ko alam kung kanino iyan galing." Tapos, kumunot ang noo nito. "Wait, hindi kaya galing sa stalker ko kanina?" Napakurap-kurap si Logan. Noon lang niya napagtanto na wala palang nakasulat na pangalan ng sender. Kinuha ni Aliyah ang bouquet sa kanya saka sinuksok sa trash bin sa tabi ng isang bookshelf. Nang tumabi ito ulit sa kanya, napansin na naman niya ang panginginig nito. Napahilamos pa ng mukha ang dalaga. Parang frustrated ito. Umasa siguro siya na galing iyon sa crush niya? That thought amused him. Hindi pa niya maiwasang mapailing-iling. Sabagay, bata pa kasi siya. Excited din sigurong magka-boyfriend. Then, an idea popped in his head. Hinawakan niya ang kamay nito. Muli na naman itong nagulat sabay bawi niyon. "Sorry," nakangiting aniya. "Anyway, tara dito sa piano. Tabihan mo ako." Inakbayan niya ito at giniya palapit sa piano. Walang nagawa ang babae nang paupuin niya ito saka niya tinabihan. "Kantahan na lang kita. Para sumaya ka," sabi niya habang tinataas ang cover ng piano. Then, he pressed a key. Napangiwi siya nang marinig na wala iyon sa tono. I guess, this will do. Gusto ko lang naman siyang pasiyahin. And it's not like may time ako para butingting itong piano nila. Then, he began playing a song he recently learned. "What would I do without your smart mouth..."    When he looked at Aliyah, kumuntikan na siyang matawa. Dilat na dilat kasi ang mga mata nito. Parang hindi makapaniwala. Hindi nga lang niya alam kung bakit. Hindi na rin niya alam. Tinuon lang niya ang buong atensyon sa pagtugtog. Pumikit pa siya. Then, he imagined it was Robin who was listening to him. Truth be told, ayaw pa talaga niyang sukuan ang lalaki. No, hindi pa talaga siya sumusuko. He planned to act on his own and silently this time. Hindi na rin niya hihingiin ang tulong ni Aliyah dahil nasisiguro niyang hindi siya nito susuportahan, lalo pa't nakikita rin niyang gusto ni Aliyah si Aldous para s kuya nito. "Give your all to me... I'll give my all to you..." He almost cracked at that part. Gusto niyang maiyak dala ng frustration. How he wished he was singing with Robin instead. Gustong-gusto pa naman niya ang boses nitong creamy tenor. Sobrang compliment sa boses niyang softer at sweet baritone. He looked at Aliyah and froze. Nakahawak sa bibig ang dalaga at parang nagpipigil ng iyak. Napatigil tuloy siya sa pagtugtog. "Hey, okay ka lang?" Umiling ito saka pinunasan ang mga luha. Then, she smiled. "Sorry, I'm just overwhelmed." Natawa tuloy siya. "Bakit? Na-in love ka ba sa akin bigla?" biro niya. "Oo--" Natigilan ito. At nagkatitigan sila. "Ano kamo?" naguguluhan aniya. "Na-in love ka sa akin?" Napakamot ng ulo ang dalaga. "Well, what I mean is, yes, kinilig ako. I mean..." Bumuntong hininga ito. "I mean, kinakantahan mo ako. You dedicate this song to me. And on top of that, you're Logan Paul, one of the biggest male celebrities in the Philippines. Sinong hindi mao-overwhelm? Sino ba ako para bigyan mo ng ganitong atensyon? I'm just your co-star's sister." Nauutal pa ito habang nagpapaliwanag. Napakunot siya nang noo sa sinabi nito. Parang ang liit kasi ng tingin ni Aliyah sa sarili nito. That's not so her. Hindi ganito ang Aliyah na kilala niya. Kinapa niya ang noo nito. Gulat na naman itong napalayo sa kanya. "Wala ka namang lagnat. Ano'ng nangyayari sa iyo?" nagtataka niyang tanong. "Ha?" Umiling siya. "Wala. Never mind." Baka pagod lang siya kaya biglang naging ganyan. He pressed some random keys softly. But still, parang may pinaghuhugutan ang sinasabi niya. "Aliyah, may tanong ako." "Ano iyon?" "Friends naman tayo, hindi ba?" "Ha? Oo naman. Bakit?" "Wala lang. Yung sinabi mo kasi kanina. Parang iba ang turing mo sa akin." Umiling-iling siya. "Sa dami ng pinagsamahan natin nitong mga nakakaraang buwan, iba pa rin pala ang tingin mo sa akin. I don't like that." Tapos, sinalubong niya ulit ang tingin nito. "Hindi lang kapatid ni Robin ang tingin ko sa iyo, ha? Kaibigan kita. In case you haven't realized it, mas close tayo kesa sa kuya mong nuknukan ng sungit." He noticed how her hands trembled. Kinuha niya ang isa roon at tinapat sa dibdib niya. "You have a special place here, Aliyah. Hindi romantically, yes, but surely you are here, lurking somewhere. Ganyan ka rin ka importante sa akin." Logan did not know where he got that. Kusa lang lumabas sa bibig niya. "So I want you to stop treating yourself as if you are someone lesser. You're not, Aliyah. You're not." And then, there was silence. Dahan-dahang binawi ni Aliyah ang kamay nito saka tumayo at tumalikod. She walked around the room slowly, yet Logan could feel her being agitated. Lalo tuloy siyang nagtaka. May sinabi ba siyang mali. Then, finally, Aliyah stopped and faced him. Unlike earlier, she looked confident and determined now. "Logan, I have something to tell you," seryosong anito. And it was his turn to feel nervous. First time niyang nakitang maging ganito kaseryoso si Aliyah. "I... I..." Humugot ng malalim na hininga si Aliyah. "The truth is... gusto kita." Then, suddenly, her face went red. Tinakpan nito ang mukha saka umirit. Tapos, kumaripas ito ng takbo paakyat sa second floor. And as for Logan, natulala siya. Nakaawang pa ang labi niya. He wanted to say something, yet no words came out. Did he hear it right? Umamin sa kanya si Aliyah? Napalunok siya. At ngayon, bakit biglang tumibok nang mabilis ang puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD