CHAPTER 38 Luke Steele Hinimas ko ang panga ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Nandito ako ngayon sa bilangguan ng mga dark magic user at walang magawa kundi maghintay ng magliligtas sakin. Pagkatapos ng insidente na may hindi ako sinasadyang marining na usapan ay ito na ang naging kapalaran ko ngayon. Flashback Nakasandal ako sa pader, di kalayuan sa bahay na tinutuluyan nila Farrah ngayon. Tambay lang dahil hinihintay kong magsaktong 8PM. May dinner date kami ni Farrah at ayokong pumunta ng mas maaga dahil baka mainis siya sakin o isipin niyang patay na patay ako masyado. Bigla ay nakarinig ako ng mga paparating. Boses ng mga kakilala ko. Nag uusap. Namilog ang mga mata ko nang maunawaan ko ang pinag uusapan nila. Maiksi lang yon pero masyadong hindi ako makapaniwala na sa kanila

