CHAPTER 54 * Erris' POV Hindi na ako nakapagsalita nang tumilapon muli ako sa lupa. Dahil nga nasa harapan ko na siya, agad na niyang nasuntok ng malakas ang sikmura ko. Daing lang ang nagawa ko dahil ayaw parin maintindihan ng utak ko o ayaw paniwalaan ng utak ko kung totoo ba ang sinasabi niya.. Pero...magkamukha kami! Na parang nananalamin ako, dahil halos parehas kami ng hitsura. "'Wag ka umakto na para ka'ng walang muwang sa mga sinasabi ko!" Madilim na sambit niya at itinapat ang isang palad sa'kin. Wala pa'ng segundo nang may lumabas ritong usok na itim at mabilis na umaatake papunta sa direksiyon ko. Agad akong kumilos kahit nakasalampak parin ako sa lupa. Paulit ulit siyang nagsasabi ng mga pangyayari na inagawan ko raw siya at kinawawa namin siya nila mama at papa. Pero

