“GOOD MORNING!” Isang maaliwalas, simpatiko, mukhang bagong paligo at napakaguwapong Noah ang bumungad kay Sayon ng buksan niya ang pinto ng umaga sa araw na iyon ng Sabado. Dumagdag ang ganda ng panahon sa paligid sa gaan ng pakiramdam ng dalaga. Isang maluwang na ngiti ang iginanti niya kay Noah. “Good morning Mr. Sebastian.” Masiglang bati rin niya. Nagpalitan silang dalawa ng maluwang na ngiti pagkatapos nilang batiin ang isa’t-isa. Saglit pa siyang nanigas ng halikan siya ng binata sa kanyang pisngi para ibeso-beso siya. Para siyang naturete na ewan at hindi pa siya magsasalita kundi lang ito ang muling nagsalita. “I brought DVDs and ice cream.” Anitong itinaas ang isang paper bag at plastic na bitbit sa harap niya. Namilog ang mga mata niya. “Wow! Hindi ka masyadong prepared M

