Patricia "Please Babe, come back to me. I need you in my life and in the kids too. Everyone's telling me to wait for you to wake up but as days goes by I'm starting to loose my mind. I will give everything I have. I will do anything just to get you back." naririnig kong tinig pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko. Alam ko kung kaninong boses ang naririnig ko at hindi ako pwedeng magkamali. Nararamdaman ko rin ang pamilyar na init na nagmumula sa kamay nito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at pinilit alalahanin ang mga huling sandali na naalala ko. "Ang mga baby ko." sabi ko sa sarili ko ng bigla kong naalala ang pag-iyak ng mga ito. Gusto kong magprotesta ng maramdaman ko ang magbitaw sa aking kamay. Katulad ng mga ibang pagkakataon sinubukan kong imulat ang mga mata ko.

