Patricia "Babe, pwede ka naman sa office mag-antay isa o hanggang dalawang oras lang naman 'yong meeting." sabi ni Vincent habang nagsusuot ito ng polo. Plano sana namin ang mamasyal sa amusement park, kumain sa labas o kaya ay manood ng movie. Kagabi pa namin pinagplaplanuhan kung saan kami pupunta. Katatapos lang namin mag-almusal nang tumawag si Mike dahil nagpatawag daw ng emergency meeting ang board. Nakita kong nainis si Vincent sa biglaang pagpapatawag pero wala naman ito magawa. "At ano naman ang gagawin ko doon? Magbibilang ng paper clip? Maghanay ng mga folder? Mag-arranged ulit ng mga files mo?" tanong ko dito at bumuntong-hininga ito. Last time kasi na sinama ako nito sa office nito ay 'yon ang ginawa ko habang nag-aantay dito. Nagulat ito dahil pagpasok nito ay inayos

