Patricia "Okay ka lang ba, Pat? Gusto mo bang samahan kita sa loob?" nag-aalalang tanong ni Mia at nakangiting umiling ako. Ngayon ang check-up niya kay Dra. Liwanag at hindi niya maiwasang kabahan. Okay naman 'yong last na check-up ko pero binilinan niya ako na iwasan ko ang magkikilos at 'yong mga nakakapagod ba activities. Sana wala itong makitang problema sa akin at higit sa lahat sa baby ko. "Okay lang ako, nakakahiya nga at inabala pa kita na samahan ako dito. Kinailangan mo pang i-posponed ang date mo para lang dito." sagot ko dito at nailing ito. "Ay sus nahiya pa daw siya. Ano ka ba pakeme ka pa diyan, sige na at samahan na kita sa loob." sabi nito at natawa na lang ako. "Alangan naman na ipagpalit ko kayong dalawa sa ka-date ko. Kung talagang seryoso siya ay makakapaghi

