Patricia "Finally, Pat." sabi ni Dra. Liwanag pagkapasok namin ng clinic nito. Magkahawak kamay pa rin kami ni Vincent habang naka-upo sa loob ng clinic. Pagkatapos ng nangyari kaninang umaga ay naging magaan na ang pakiramdam ko. Noon kapag malapit ako dito ay laging kalkulado ang mga kilos ko dahil hangga't maari ay gusto ko na dumistansya dito. "Nice to see you again Mr. Villadiego." nakangiting bati nito kay Vincent. "Same here, Doktora." tugon naman ni Vincent at nakipagkamay ito sa kausap nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Patricia?" tanong nito sa akin at napangiti ako. "Okay na naman po ako may mga times lang po na nahihilo pa rin ako pero nawawala rin po agad." sagot ko. "Are you taking your vitamins?" tanong nito at tumango ako. "Remember Pat, after this check u

