Chapter 6 - Crazy idea

1643 Words
Patricia "Anong plano mong gawin ngayon, Pat?" tanong ni Ram pagdating namin sa kwarto.  Tulala pa rin ako hanggang sa oras na iyon dahil ang gulong-gulo pa rin ang isip ko. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Malaki ang naging impact sa akin ng mga nalaman ko ngayon. Dahil sa kalagayan ko ay malaki ang posibilidad na ma-apektuhan ang future ko.  "Ano ang desisyon mo Pat magpapa-opera ka na ba agad? Sasabihin mo ba kina Tita ang kalagayan mo?" tanong ni Mia at napatingin ako rito.  "Sabagay, ayaw mo mga palang magka-anak." sabi ni Mia habang inaayos ang mga gamit ko.  Pwede na akong ma-discharge kahit anong oras dahil naasikaso na ni Ram ang bill ko. Hindi pa totally nag-sink in ang lahat sa akin pero isa lang ang naisip ko. Kailangan kong magka-baby no matter what. Pinaliwanag naman ng doktor sa akin na pwede pa rin akong mabuntis ngayon. Iyon nga lang instead of normal delivery ay magiging cesarian ang delivery ko dahil at the same time ay tatanggalin na rin ang bukol sa ovary ko. "Sinong may sabi na magpapa-opera agad ako?" tugon ko dito at nakita ko na natigilan ito sa ginagawa.  "So, ano ngang plano mo?" nagtatakang tanong nito.  "Ahmaygad, huwag mong sabihin na mag-aasawa ka na?" gulat na tanong ni Ram at napatingin ako rito.  "Bakit naman gulat na gulat ka, bakla? Alangan naman na magpabuntis na lang siya ng basta-basta para lang magka-baby." natatawang sagot ni Mia.  Dahil sa sinabi ni Mia ay may naisip akong idea. Ang tanong nga lang ay paano ko 'yon magagawa. Desperada na ako kaya lahat ay gagawin ko para magka-baby ako. Sa panahon naman ngayon ay uso na ang single parent kaya hindi na malaking issue.  "Bakit hindi." nakangiting sabi ko.  Nagkatinginan muna ang dalawa bago lumapit ang mga ito at tumabi sa akin. Hinihintay ng mga ito na ipaliwanag ko ang sinabi ko. Wala pa naman talaga akong konkretong plano pero may idea na ako.  "Ang mag-asawa o magpabuntis?" alanganing tanong ni Ram at napangiti ako.  "Magiging komplikado lang ang lahat kung mag-aasawa ako. Boyfriend nga wala ako, magiging asawa pa kaya?" sagot ko pagkatapos umayos ng upo. "So you mean magpapabuntis ka na lang? Alam kong shock ka pa rin hanggang ngayon pero mag-isip ka nga nang maayos. Sa tingin mo ba ay solusyon ang naiisip mo?" sigaw ni Mia pagkatapos paluin ang braso ko.  "Ano naman ang masama doon? Wala naman masama sa pagiging single parent lalo na sa panahon ngayon. Kaya ko naman siyang buhayin kahit walang ama at saka alam ko naman na hindi ninyo ako pababayaan." paliwanag ko at nagkatinginan ang dalawa.  "Epekto ng gamot." sabi ni Ram kay Mia at tumango lang si Mia.  "Bukas na natin pag-usapan ito kapag wala na ang epekto ng gamot. Sige na magpahinga ka na muna Pat habang inaayos namin itong mga gamit." sabi ni Mia at tumayo na para ipagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.  "Seryoso ako guys. Alam naman ninyo na wala akong balak magkaroon ng pamilya pero ibang usapan na ngayon. Ayaw kong dumating ang araw na pag-sisihan ko na hindi muna ako nagka-anak bago ako nagpa-opera." paliwanag ko sa mga ito.  Alam ko naman na mahirap intindihin ang gusto kong mangyari. Hindi ko rin lubos na mapaliwanag kung bakit ako ganito. Naiinis ako dahil alam ko na marami ang magbabago dahil sa kalagayan ko. Hindi ito kasama sa mga plano ko kaya nahihirapan ako kung paano ko paghahandaan.  "Your planning to have a baby but not a family. You'll just pick ramdom guy who can make you pregnant. Simple as that. Kung makapagsalita ka para kang bumibili ng candy sa tindahan." gigil na sabi ni Mia at tinalikuran ako.  "Technically, if I have a baby that is consider as family minus nga lang ang father. At saka you say it na para naman na iyong unang lalaki na makikita ko ay susunggaban ko na agad. Siyempre mamimili rin naman ako. Gagawa na lang din na man ako ng bata bakit hindi ko pa siguraduhin na maganda ang kalalabasan. Definitely 'yong maganda ang lahi para naman hindi sayang hindi ba." paliwanag ko at nakita ko na sabay na umiling ang dalawa.  "Wala akong masabi daiyz, kakaiba ka talagang mag-isip. Hindi kinaya ng power ko ang level ng pag-iisip mo ngayon." naiiling na sabi ni Ram bago uminom ng tubig.  "Diyos ko lord, ano po ba itong nangyari sa pinsan ko. Hindi lang ata matress niya ang may problema pati na rin po ata ang utak niya ay na apektuhan na." sabi ni Mia pagkatapos mag-sign of the cross at napatawa ako.  "At nakukuha mo pa talagang matawa sa mga pinagsasabi mo, Patricia. Pwede naman kasi na ganito, you go on a date find yourself a guy na husband material. Get married then get pregnant or the other way around. Doesn't matter kung alin ang mauna pero at least you find someone." inis na sabi ni Mia at napasimangot ako.  "Kung 'yon ang gagawin ko ay malamang lumaki na bukol at huli na ang lahat. You know me well Mia it won't work and it will just make things complicated. I can raise the child on my own and I know the two of you will be there to help me. I know it's hard to understand but please I need your support now. I just want to have a baby that's all." pakiusap ko sa mga ito.  Sinenyasan ko ang mga ito na lumapit at yakapin ako. Kailangan na kailangan ko ang suporta ng mga ito sa oras na ganito. Pagkatapos naming magyakap ay  malungkot na nakatingin sa akin si Ram samantalang nakasimangot naman si Mia. "Paano sina Tita?" tanong ni Mia at napatungo ako.  "Alam kong magugulat sila, magagalit pero matutuwa rin. Kung sakaling magtanong naman sila tungkol sa tatay ng bata. Well sabihin ko na lang na iniwan ako ng lalaking nakabuntis sa akin at sumama sa iba. Pwede rin naman na namatay sa isang aksidente para siguradong hindi na sila magtatanong. Katulad noong mga nangyayari sa mga drama or movies. Ganoon na lang din ang sasabihin ko sa bata kapag nagtanong siya." paliwanag ko.  "Grabe ka talaga, konti na lang maloloka na talaga ako sa'yo Patring. Masisiraan na talaga ako ng ulo sa'yo. Hindi ko maintindihan 'yang takbo ng pag-iisip mo." sabi nito habang nagpapadyak na parang bata.  "Sigurado ka na ba talaga diyan sa plano mo, Pat." tanong ni Ram at tumango ako.  "Don't worry once ko lang siya gagawin kaya dapat sure ball. Wala naman akong balak na gawin 'yon from one guy to another. I don't need to go on dates kasi wala naman ako balak makipagrelasyon, so one night stand lang para after noon wala na." paliwanag ko.  Ngayon ay determinado na ako sa desisyon ko at sa nabubuong plano ko. Ang ultimate goal ko ngayon ay makahanap ng lalaki na pasok sa criteria ko at mabuntis as soon as possible. Kailangan kong mabuntis bago pa tuluyang lumaki ang bukol sa ovary ko.  "Paano kung hindi mabuo sa unang attempt?" yamot na tanong ni Mia.  Bigla akong napa-isip sa tanong nito dahil may posibilidad nga na hindi maging successful sa unang try. Kung ang mga magulang ko nga ay hindi nakabuo kahit pa naka-ilang try pa sila.  "Paano nga kaya kung hindi maging successful? Maghahanap ulit ako hanggang maging success?" tanong ko sa sarili ko at bigla akong nangilabot sa naisip ko.  Hindi ko ma-imagine na sumiping sa iba't ibang lalaki. Desperado ako pero hindi pa sa ganoon na level. Kaya ko lang naman gagawin iyon ay para magkaroon ako ng baby bago pa mahuli ang lahat. Hindi naman ako magmamadali ng ganito kung hindi pinaalam sa akin na mababa or may chance na hindi na ako mabuntis.  "Okay let's have a Deal. Tutulungan ka namin diyan sa nakakabaliw mong plano kahit pa nga super against ako. Pero tandaan mo kapag hindi naging successful ang unang attempt ay kailangan mong sumunod sa gusto ko." sabi ni Mia at tumingin ito kay Ram.  "At ano naman iyon?" nagtatakang tanong ko.  "You will go on a dates na kami ang pipili ni Ram. You are not allowed to complain and you will just go with the flow. Who knows isa pala sa kanila ang future husband mo and the right guy for you." sagot nito at napakunot ang noo ko.  "Dates? Meaning maraming beses?" tanong ko at tumango-tango ito.  "Yes dates until mahanap natin iyong right guy for you. Remember kami ang pipili ni Ram at hindi ka pwedeng kumontra. Don't worry dahil hindi ka ma-disappoint sa magiging ka-date mo." paliwanag nito at napa-isip ako.  Kung hindi ako papayag sa gusto nito alam ko naman na gagawa ito nang paraan para pigilan ako. At least magagawa ko muna ang gusto ko at sisiguraduhin ko na magiging success ang plano ko. Kailangan ko lang na makahanap ng perfect target at madali na ang susunod na step.  "Deal?" tanong nito.  "Deal." sagot ko at nagkamay kami ni Mia to seal the deal.  "Kung balak mo na makabingwit ng magandang isda kailangan ay ihanda mo ang sarili mo. Kailangan magmukha kang yummy." sabi ni Ram habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.  Sabi nga nila lahat ng problema ay may solution kailangan mo lang hanapin. Hindi lahat ng bagay ay kontrolado natin dahil may mga pangyayari na darating na hindi inaasahan. Tuluyan man akong mawalan ng pagkakatao na mabuntis pagkatapos ng operasyon pero at least ay may anak na ako. Sapat na 'yon sa akin at wala na akong hihilingin pang iba. Ilang araw pa lang ang lumipas nang tanungin ako ni Tita May tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Sinabi ko sa sarili ko na wala akong plano at hindi ko pa nakikita ang sarili ko na maging ina. Ngayon naman ay nakaramdam ako nang takot na tuluyang mawalan ng pagkakataon na maging ina. Sa isang iglap ay nabago bigla ang pananaw at gusto ko. Inaalala ko kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag sinabi ko sa mga ito ang lahat. Sigurado naman ako na anuman ang mangyari ay matutuwa ang mga ito para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD