Patricia Pangatlo at huling araw na namin sa Boracay. Matatapos na ang honeymoon kuno namin at bukas ay babalik na ulit kami sa busy naming buhay. Hindi ko inaasahan na magiging masaya ang mga nakalipas na araw namin sa lugar na 'yon. Nag-island hopping kami, namasyal at kumain sa iba't ibang kilalang Restaurant sa lugar. Hindi ito pumayag na gawin namin ang iba pang mga activities kasi inaalala nito ang bata. Lagi itong naka-alalay sa akin at lagi rin tinatanong kung okay ba ako. Nalungkot ako dahil hindi ko ma-eexperience ang mga 'yon pero na touch din ako dahil sa pag-aalala nito. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian at plano namin na mamili ng mga souvenier na iuuwi namin. Para kaming mga sira dahil nagtatalo kami sa tuwing may gusto akong bilhin. Ayaw kasi nitong pumayag na ak

