Chapter 11 "Biology... biology.. ai palaka!" Nahulog iyong mga libro ni Daddy kakahanap ko sa biology na book kaya isa isa ko iyong pinag pupulot at ibinalik sa mini library ni Dad. Bahagya lang akong natigilan sa pag pulot ng makita ko iyong hinahanap ko kung saan ay natatakpan ng isang pulang notebook. "Finally nag pakita ka na rin!" Para akong baliw na nag sasalitang mag isa bago ipinag patuloy ang pag aayos sa mga libro. Magagalit si Daddy pag nakita niyang nakakalat iyong mga gamit niya. "Yuri," "Palaka! Ano ba? Bakit bigla ka na lang nang gugulat." Gulat kong sabi kay kuya Jacob ng bigla bigla na lang siyang sumusulpot. "Kinuha ko lang itong biology." Pinakita ko sa kaniya iyong book at tumatango tango niya akong tinulungan ayusin ang mga nalaglag na libro. "Pumasok ka na

