Chapter 03
"Kuya!"
Hingal 'kong hinarang ang pag sarado ng pinto ng sasakyan ni kuya Jacob. It's already ten in the morning at mayroon na lang akong thirty minutes para makaabot ako sa second class 'ko. Gosh! Absent na ako sa social science may exam pa kami roon kanina. Kasalanan ito ni Yuen eh. I hope my instructor will gave me a little consideration unlike my sweet devil brother kung hindi, ibibigti 'ko talaga ng tulog si Yuen.
"What?"
Tanong nito kaya napahugot ako ng hangin. I know na ayaw niya 'kong kasabay sa pag pasok pero I badly need his ride right now.
"Pasabay ako."
"No."
"Kuya please ngayon lang. Hindi ako ginising ni Yuen tapos ang aga niyang umalis kanina. May exam ako sa chem ngayon."
Halos nag mamakaawa na ako kay kuya Jacob. Simula kasi ng mag grade eight ako, never na akong isinabay ni kuya Jacob sa pag pasok. Hindi 'ko alam kung may galit ba siya sa akin or what kasi si Yuen naman lagi niyang isinasabay noon tapos ako maiiwan sa bahay kaya ang ending nag c-commute ako at kung minsan sumasabay ako sa mga pinsan 'ko o kaya kay kuya Gavin.
At ngayon, kahit lumuhod pa ako sa harapan niya gagawin 'ko pasabayin niya lang ako. Hindi ako pwedeng umabsent sa chem, masungit ang prof 'ko doon at sigurado na hindi ako makakakuha ng exam pag na-late ako. It will took me almost an hour pag nag commute ako pero wala pang kalahating oras kung sasabay ako sa kaniya. It is more convenient than taking public vehicle.
"Kuya please.. I need this ride. Kahit ngayon lang."
Sa tingin niya kasi sa akin ay mukhang wala siyang balak na isabay ako at hahayaan niya na lang na mag commute ako. Nakakainis kasi si Yuen. Para sa akin 'yung kinuhang personal driver ni mom at dad pero kung makapag pahatid siya akala mo para sa kaniya.
Napabuntong hininga si kuya Jacob bago tumango kaya walang sa sarili 'ko siyang hinalikan sa pisngi.
"Thank you. Thank you."
Nag mamadali na akong umikot sa may passenger seat at agad 'kong inilabas amg phone 'ko para i-text si Knight kung nandun na 'yung prof namin. After nun, napansin 'ko na hindi pa rin kumikibo si kuya Jacob at nanatili lang siya sa posisyon niya kanina.
Aiiissst! Pumayag siyang sumabay ako pero mukhang labag iyon sa loob niya. Ok, kalma lang Yuri. He was your brother siguro naman hindi niya ako pababayaan diba?
"Kuya hindi pa ba tayo aalis?"
Tinapik 'ko na ang balikat niya at parang doon lang ito natauhan at patango tangong isinarado ang pintuan niya.
Nanatili lang siyang tahimik ng magsimula na siyang mag drive at ganun din ako na sinusubukan 'ko pang i-scan ang notes 'ko sa chem.
Shit! Bakit ba ang hihirap ng mga terminologies ng chemistry. Akala 'ko ok na basta kabisado mo ang periodic table kaso may mga kung ano ano pang scientific term at may math din na kasama.
"Stop reviewing your notes. Hindi na 'yan papasok sa utak mo. Sana kagabi ka nag basa."
Hindi 'ko nilingon si kuya Jacob at patuloy 'ko pa rin binasa ang mga nakasulat dito.
"Nag review ako kagabi, ini-scan 'ko lang ang mga spelling."
Kaya nga tinanghali ako ng gising dahil nag basa pa ako kagabi. Chemistry at Math ang pinaka hate 'kong subject simula noon pero ang chem lang ang pinag aaksayahan 'ko ng oras basahin dahil kasama ito sa NMAT at sa MCAT though may math din kaso.hindi ganun kakumplikado.
"Buti pa ang ibang subject binabasa mo at takot kang bumagsak. Samantalang ang subject 'ko binabaliwala mo lang."
Nag angat ako ng tingin kay Kuya Jacob na seryoso lang ang tingin sa may daan. Sibangot 'kong isinarado ang notebook 'ko bago siya hinarap na bahagya pang kinataas ng hita 'ko sa may upuan.
"Ang kumplikado kasi ng math mo. Hindi 'ko naman kailangan ng x and y pag bibili ako sa tindahan. Basta marunong ako mag plus at minus ok na 'yun."
Sagot 'ko sa kaniya na bahagya nitong kinalingon sa akin pero bumaba ang tingin niya sa may hita 'ko kaya agad niyang ibinalik ang atensyon sa daan.
"Umayos ka ng upo mo. Naka-palda ka."
Kalmadong utos nito kaya napa ayos ako ng upo.
"Arte mo ah. Di 'ko naman inaapakan ang upuan."
Pinagpag 'ko pa 'yung upuan kahit walang dumi. Tahimik na lang kami buong biyahe at hindi rin iyon nag tagal.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan niya para habulin ang oras. Halos sunuran lang kami dumating prof 'ko at laking pasalamat 'ko talaga dahil na una ako sa kaniya.
"Muntik ka na."
Natatawang sabi ni Knight na kinatipid ng ngiti 'ko. He's my cousin at wala siyang alam na gawin kung hindi ang kumopya sa akin sa chemistry. Paano nga puro pambabae ang inaatupag niya.
Mabilis akong nakatapos sa exam medyo nahirapan lang talaga ako sa mga spelling pero ang loko loko 'kong pinsan ay kinopya na lahat kulang na nga lang pati pangalan 'ko makopya niya na rin.
"Thanks Yuri! Pag naka-zero ka, dalawa tayong uulit ng chem kaya 'wag kang matakot. Haha!"
Pang aasar pa ni Knight ng makalabas kami ng room. Sinibangutan 'ko siya at siniko ang tagiliran niya na lalo niya lang kinatawa.
Shooocck! Ang panget niya. Mukha siyang unggoy, nag tataka talaga ako kung bakit hinahabol ng mga babae ang katulad niya.
"Alis na 'ko may date pa kami ng baby 'ko."
"Malandi ka. Bumagsak ka sana."
"Hahaha. Pag bumagsak ako kasama ka so wish me luck."
Sana 'di 'ko na lang siya pinakopya. Nakakainis ako itong mag hirap mag review kagabi tapos itong epal 'kong pinsan pasarap lang sa buhay.
Pumunta na ako sa may faculty at hinanap 'ko ang prof 'ko sa social science. Luckily, nandito siya at pinakuha niya ako ng exam. Super stress ako whole day dahil nag kasabay sabay iyong exam at quizzes namin. s**t! Pasakit talaga ang mag STEM.
Five minutes before one na lang at may klase pa ako pero nag punta muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Pag ganito talagang exam week hindi kami nagkikita ni Rhyx kaya wala akong kasabay mag lunch busy din kasi siya sa exam at mas stress siya sa akin dahil na sa filming pa siya ng school.
"Finally! Na busog din ako." Nakangiti pa akong napahimas sa tiyan 'ko at malakas na napadighay. Luckily, konti lang ang estudyante ngayon kaya walang mga stalker ang mag c-criticized sa akin.
Napatingin ako sa relo 'ko at late na ako ng ten minutes sa next class 'ko ng maalala na algebra nga pala iyon. Maiintindihan siguro ni kuya Jacob na kumain muna ako bago pumasok. Mahirap mamatay sa gutom.
Palabas na sana ako ng canteen ng mahagip ng mata 'ko ang egg pie. Napangiti akong bumalik at bumili ng isa at coke.
Nakalimutan 'kong mag thank you kanina kay kuya Jacob sa sobrang pag mamadali 'ko kaya itong paborito niyang egg pie na lang ang ibibigay 'ko sa kaniya. Madalas noong na sa elem ako, sabay kaming kumakain at lagi niyang ginagawang dessert ang egg pie.
I was smiling for the whole time habang nag lalakad ako papunta sa room and I stop for awhile before I knocked. Kita 'ko pa na nag angat silang lahat ng tingin na mukhang busy sa pag sasagot.
OMG! Exam nga rin pala namin dito. Bakit nakalimutan 'ko. Dahan dahan 'kong sinalubong ang mata ni kuya Jacob at abot ang panalangin 'ko na sana hindi madilim ang mga tingin niya sa akin.
"S-sorry.. I'm late."
I told him but I never expected that he will put me in to shame in front of the whole class.
"You're fail in my class, miss Hellson. You can now leave and re-enroll my subject for the next semester."
Napahigpit ang hawak 'ko sa may egg pie at may coke ng marinig iyon sa kaniya. Napasinghap pa ang ilan sa mga ka-klase 'ko at ang iba naman sa kanila ay naiiling pa at tumatawa.
Do he really need to tell it in front of everyone? Alam 'ko naman na ayaw niya ng late sa klase pero ito pa lang ang unang beses na nahuli ako.
"P-pero sir.. Being late isn't enough reason for you to gave me a failing grade."
Gusto 'ko ng umiyak kasi pinahiya niya 'ko sa lahat ng nandito pero pinigilan 'ko kasi ayoko na makita niyang mahina ako.
"No buts, miss Hellson. You can't take my exam for being late and it's consist of forty percent of your grades. I think it's a legal ground for you to receive a failing grade. Am I right?"
Mas humigpit ang pagkakahawak 'ko sa pagkaing binili 'ko para sa kaniya at napahinga ng malalim at napakagat pa ako sa ibabang labi 'ko para pigilan ang nag babadyang pag patak ng mga luha sa mata 'ko.
I don't really understand him. Ok kami noon, siya pa ang pinaka nag aalaga sa akin noong bata ako pero bigla na lang siyang nag bago at naging malamig ang pakikitungo sa akin. Hindi ako tanga para hindi iyon maramdaman. Naiinis ako sa kaniya. Inis na inis ako sa kaniya kasi para siyang walang pakialam sa nararamdaman 'ko.
"I hate you!"
Padabog 'kong itinapon sa basurahan ang egg pie at coke bago nag tatakbo palayo sa classroom niya. Doon na tuluyang pumatak ang luha 'ko sa sobrang sama ng loob.
Ano bang ginawa 'kong mali para itrato niya 'ko ng ganito? Ang bait niya sa iba pero pag dating sa akin, ang layo layo ng loob niya.
I just want the old kuya Jacob. The one who always take care of me, the one who keep me smiling and the one who protect me. Iyong kuya Jacob na minahal 'ko at mahal ako.
_____
SNS Account:
FB Account: Ash Sandejas
Twitter: CreepyPervy
Wattpad: CreepyPervy