Chapter 06 "Kuya!" Napangiwi ako ng maiipit ako sa pintuan ng sasakyan at agad na binuksan ni kuya Jacob iyon at bakas ang pag aalala sa mata niya ng kuhanin niya ang kamay 'ko. "s**t! Bakit mo kasi hinaharang ang kamay mo." Inis nitong sabi habang sinusuri ang kamay 'ko na kinatamis ng ngiti 'ko. Hindi ganun kasakit iyong pagkakaipit 'ko pero nakakatuwa kasi na kanina lang ayaw niya 'ko pansinin pero ngayon nag aalala na siya. "Does it hurt?" Nag angat ito ng tingin sa akin kaya mabilis 'kong pinawi ang ngiti sa labi 'ko at nilukot ang mukha 'ko at pakiwaring nasaktan ng sobra sa nangyari. "Hmmmm.. It hurts." I told him and he gently massage my hand at nung hindi na ulit siya nakatingin sa akin ay napangiti na lang ako habang pinag mamasdan siya sa ginagawa niya. Everytime I sta

