Chapter 26 "Kuya," mahina kong tawag kay kuya Jacob, hindi ito nag angat ng tingin at mas malalim siyang napabuntong hininga. Lumapit ako at tahimik na umupo sa tabi niya, sapo sapo pa rin ng mga palad niya ang mukha at dama ko ang bawat bigat sa pag hinga niya. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko alam kung iyon ba ang tamang gawin. Alam ko na ang pag uwi ni kuya Gavin ang dahilan kung bakit siya sobrang tahimik ngayon and I want to explain my side to him. Gusto ko malaman niya iyong mga na sa isip ko, gusto kong marinig niya kung anong nararamdaman ko, gusto kong pakinggan niya 'ko-- pakinggan niya lang ako kahit hindi na pa niya makita na kailangan ko siya, na nangungulila ako at nasasaktan basta gusto kong iparating sa kaniya iyong nararamdaman at side ko k

