Chapter 40 "Risk!" bigla akong napabangon at sapo ang ulo kong kumikirot sa sakit at nahihilo dahil sa kalasingan. Von Risk Hellson, my son Oh f**k! Is it true? Hindi ba panaginip lang 'yun? Wala naman si Risk dito kagabi diba? at lalong hindi ko sinabing may anak ako sa harapan nilang lahat? Shit! Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto, hindi mapanatag ang loob ko at sobrang kaba at takot ang bumalot sa puso ko. Bumungad sa akin ang masayang pag tawa ni mom at matamis na ngiti sa labi ni Dad habang kaharap nila ang isang lalaki. Kahit nakatalikod siya, kilalang kilala ko ang bawat parte ng katawan niya, bawat tindig at kilos niya ay wala siyang pwedeng itago sa akin, dahil pagkatapos ng siyam na buwan kong pag bu-buntis kay Risk ay ako rin mismo ang tumayong nanay at tatay niya,

