DENNIS POV
Kanina pa hindi maalis yung ngiti sa labi ko, iniisip ko yung mga bagay na ginawa sa akin ni Lucario kanina. Hindi ako makapaniwala na may ganoong mangyayare sa amin.
Kung di lang umentra ulit yung pusang yun kanina, siguro matatagalan pa yung tukaan namin kanina.
After ng kiss na yun nakaramdam ako ng pagkailang, alam kong ganun rin naman siya. Siyempre bat ba naman gagawin niya yun sa tulad ko, maliban nalang kung alam niyang ano ako?
O kaya naman baka si Lucario ang nababakla sa akin! Pero di naman ata, kanina pa nga hinihilot niya ng daliri niya yung bandang kilay ko. Tapos ngingitian niya ako, ako naman namamatay na sa kilig.
Pero ano nga kaya ang dahilan bakit kiniss niya ako? Eh bat nagtatanong pa ba ako? Nangyari na Dennis.. Receive lang ng receive. As a fair leader.. Tama lang naman siguro ang ginagawa ko. Kwit's na tayo ngayon, alam mo na kung sino ka.
Kaylan ka kaya babalik Lucario? Okay lang wag mo na isama si Maulee. Kahit ikaw lang sapat na.
"Meow.." nakangiting sabi ko. Ewan ko sayo Lucario, nakangiti tuloy akong matutulog ngayon dito sa kwarto.
******
Kinabukasan...
Maaga akong nagising na puno ng kaba sa dibdib, ngayong araw ang eleksyon at ngayong araw din malalaman ang mananalo. Tinulungan ko si manang na maghanda ng almusal.
Sinangag, Fried Hotdog, Ham at Spicy Noodles.
"Bunso asan si meowlee?" biglang tanong ni Kuya Brenth habang kumakain kame ng almusal. Hindi pa nga pala nila alam.
"Wala na si maulee kuya.." malungkot kunwaring pagbabalita ko. Tapos nahinto silang apat sa pagkain (Si Kuya Vince, Brenth, Uno at Topher. Di ko ko alam kung nasaan si Kuya Cliff) "Naging palaman na po si maulee ng shopao.."
"Ano!"
"Bunso, hindi nga?"
Tanong nila sa akin.
"Joke lang po.." sabay tawa ko. Tapos galit sila hehehehehe, OA naman ng mga to. Hehehe napamahal na rin kase sila kay Maulee. Tuwing almusal kase palakad lakad yun dito sa lamesa, lumalandi tapos nakikikain.
"Bunso aa" si Kuya Brenth.
"Pero parang ganun na rin mga kuya ko, nakuha na kase siya ng may-ari" sagot ko sa kanila.
"Ng may-ari?" tanong ni Kuya Vince.
'Oo kuya ko yung may t**i at p**e—Jowwwwk'
"Paano mo naman bunso nalaman na siya talaga may-ari, baka naman niloko ka lang nun.. Kawawa naman yung pusa" sabad naman ni Kuya Uno, na parang ang gwapo ata ngayon.
"May mga picture siya nung pusa. At sapat narin na lapitan siya ni Maulee at lambinging lambingin"
Kita kong nalungkot sila sa balitang pagkawala ni Maulee, pero ako sobrang saya. Kase nawala yung pusang yun, pero may umuusbong na something na sa akin ngayon.
Lucarioooooo, pakita ka na. Tapos maglandian na tayo!
"Sayang kala ko pa naman dito na talaga si meowlee.." sabi ni kuya Brenth.
"Wag ka mag-alala kuya, malay mo maligaw ulit si maulee" sabay ngiti ko ng bongga with twinkle stars pa.
"Saya mo ata bunso" aniya ni Kuya Vince.
"Ngayon yung election niyo diba bunso" tanong naman ni Kuya Brenth. "For sure mananalo ka bunso"
"Thanks kuya.."
"Dapat bunso pag-uwe mo dito Vice President ka na aa" sabi naman ni Kuya Topher.
"Oo nga bunso"
"Promise po!" pangako ko sa kanila.
*****
@Dr. Mendez Academy...
Pagdating ko sa eskwelahan ay nandun ang tensyon sa puso't isipan ko. All set na ang mangyayaring eleksyon. Mas pinatindi ang seguridad. Napag-usapan kase bawat room ay merong representative na makakapagkatiwalaan ang bawat partylist.
Wala ring pasok ngayong araw, pero need bumoto ng halos 1.6 k na studyante dito sa High School Level ng DMA.
Habang naglalakad ako, ay maraming pumupuri sa akin. Kaya pakiramdam ko, ay may laban talaga ako. Siguro naka-epekto yung debate kahapon, tapos yung pagtulong narin sakin ni Kuya Brenth pati mga kaibigan niya.
Balita ko kahapon, almost Partylist daw namin ang panalo, ayon sa mga panel na nakinig na binubuo ng halos mga Teacher rin.
Balita ko rin nagalit daw si Dwife kay Carlito, dahil sa ginawa nito kay Maulee. Kaya naman gusto ko talaga siya pasalamatan, di ko na kase siya naabutan kahapon pagbalik ko sa Gym.
Sakto pagkapasok ko sa room ay siya agad ang nakita ko. Pero isang seryosong dwife ang nakita ko, alam ko lageng seryoso siya pag nakikita ko. Pero ibang kaseryosohan ang meron sa kanyang mga mata ngayon.
Pero siyempre lumapit parin ako sa kanya, para magpasalamat.
Pagdating ko sa kinauupuan niya ay nakita kong nakatitig nalang siya sa blankong papel ng kanyang sketchpad.
Dahandahan siyang tumingala sa akin.
"Ang isang leader hindi marunong magsinungaling.." pagbungad niya sa akin. Hindi ko inaasahan ang sinabi nito sa akin. "You're a liar" seryosong sabi niya sabay laro ng lapis na hawak sa blankong papel.
Alam ko kung bakit siya nagagalit.
"Sorry.."
Umiwas nalang siya ng tingin. Namalayan ko nalang na tumalikod na ako ako umalis nalang, naupo nalang ako sa upuan.
*****
Alas otso nagsimula ang botohan, andito lang ako sa room katabi si Naruto. Isa lang ang wala sa amin si Karim, pansin ko kahapon pa siya wala. Pero dapat nga matuwa ako, kase wala na ang malibog na yun.
Dumating na nga ang tatlong istudyante na may dalang ballot box at voting slip, kung saan isusulat yung mga iboboto.
Sa likod ng form ay nakaprint yung maliliit na detalye ng mga name ng dalawang partylist. Nakasulat dun ang pangalan namin at ng kabilang alyansa.
Sa harap naman ay nakasulat yung label ng mga position at may ispasyo kung saan isususlat ang mga pangalan. Sabi rin ng mga nagpapaboto ay bago daw magsimula ang botohan ay tapos na silang bumoto.
Wag daw kameng mag-alala nasa pangangalaga daw ng mga teacher yung balota na ginamit para sa spectial voting nila. Ibig sabihin, teacher ang nagpaboto sa mga istudyanteng ito na ngayon ay sila naman ang mag-aasikaso.
Pansin ko rin na may mga seal na kulay violet silang nakatatak sa kanilang kamay. DMA logo yun kung di ako nagkakamali.
Isa isa nga nila kameng nilapitan at chineck ang bahaging bisig. Siguro chinecheck nila kung nakaboto na ba kame o hindi. Sa ibang room daw kase merong makukulit na umuulit daw.
Meron din silang record at pipirma daw kame dun after bumoto. Dun napanatag ang loob ko na wala talagang mangyayaring dayaan.
Agad kong kinuha yung voting slip at sinulat na agad lahat ng ka-alyansa ko. Kabilang na dun ang pangalan ng masungit na si Dwife. Nagsorry na nga, siya pa tong galit. As a Good leader you need to learn to forgive. Tsk!
Mabilis natapos ang botohan, sa ibang room daw ay di pa nagsisimula kase di pa kompleto pero karamihan daw halos ay nakatapos na. Maghihintay daw hanggang alas dose itong mga nagpaboto at mga watcher na kasama bago bilangin ang mga boto mismo sa room kung saan sila naka assign.
"Siguraduhin mong binoto mo ako aa.." sabi ko kay Miggy.
"Ikaw nga lang binoto ko" nakangiti niyang sagot. Lokong to, dapat lahat niya kame binoto! Baka makita yun ni Dwife tapos pagbintangan akong nagpakamakasarili ako at sarili ko lang ang binoto!
"Miggy?"
"Magagawa mo, tinatamad ako ee"
"Aysst adik ka!"
NGUMITI LANG SIYA (9^_____^9)
*****
May mga naghatid ng pagkain para sa mga taong nagpaboto sa classroom. Hindi talaga sila umalis, talaga nag-stay lang sila sa classroom hanggang sa sumapit ang ala una.
Kame namang istudyante ay lumabas para kumain sa canteen, yung mga interisado sa bilangan ang bumalik sa room yung mga tamad naman ay kung saan saan nalang gumala.
Matapos ang ilang oras na paghihintay ay nagsimula na ang bilangan sa clasroom para sa boto ng aming section.
Hanggang sa magsimula na nga ang bilangan...
||#--__--)
Ewan ko ba, nalungkot ako ng makita ang resulta ng botohan sa room namin. Isang puntos lang ang lamang ko kay Carlito.
Kumpara sa kaalyanse ko ay halos makuha nila ang buong boto ng klase. Pero ako, halos kalahati lang.
Kaya nanlumo ako, at di makatingin ng kinocongrats nila si Dwife.
"Marami pang classroom.. at alam ko dun mas marami ka pang lamang." Agad akong inalalayan ni Naruto tumayo pagkatapos niyang sabihin yun. "Di mo kase dala yung swerte mo, asan si maulee?" tanong niya.
"Wala na siya, nakuha na ng may-ari" sagot ko.
"Sige guy's, pumunta nalang po kayo sa Gynasium para sa Over-all counting ng boto sa lahat ng classroom" sabi ng mga nagconduct ng election.
Pupunta pa ba ako? Nawawalan na ako ng gana, sa sarili mismong classroom di ako lumamang ng todo. Sa iba pa kaya?
"Tara na"
Naramdaman ko nalang na akay akay ako ni Miggy papalabas ng classroom kasama ang kumpol ng di ko alam kung nasan ang totoo at mga plastik.
||--___>)
Pagdating sa Gym ay agad akong nilapitan ng nakangisting si Ate Myril, agad niya akong pinisil sa pisnge.
"Lamang tayo ng husto sa fourth year.." balita niya sa akin. Pagtingin ko naman sa likod niya ay nakita ko si Xavier. Pagkalapit niya inakbayan niya agad si Ate Myril.
"Talaga ate?" masayang sagot ko, pero nalulungkot parin dahil sa resulta ng boto ko sa classroom.
"Oo.." aniya.
Sasagot pa sana ako ng biglang magsalita na yung isang organizer.
"Magandang ..Good afternoon." biro nito sa tao sa loob. Napasaya niya naman yung iba "Handa na ba ang lahat malaman kung sino ang mga magiging bagong School Leader.. School Model natin?"
"Opo.."
"Konting hintay nalang dahil.. icocompute pa namin ang total ng mga vote bawat year level" aniya "And after that.. Ifaflash namin sa mga screen ang mga votes at ang over-all total at malalaman na natin ang mga mananalo"
BIGLA AKONG KINABAHAN, MATAAS MAN ANG BOTO NAMIN SA FOURTH YEAR—PAANO NAMAN SA 1ST, 2ND AT 3RD KADALASAN KASE DUN YUNG MGA NILALANDI NI CARLITO..
"Manalo, matalo. Makikita mo parin ako"
||^____,^)
Lucario talaga, pinangiti mo nanaman ako ng wala sa oras. Yan ang sinabi niya bago sila lumayas ni maulee.
Okay. Magrerelak's na nga lang ako.
After siguro ng mga kalahating Oras ay bumalik na sa gitna yung nagsasalita. Paliwanag niya, wag daw kame magdoubt dahil lahat daw ng Guro ay nasa taas at nakatingin sa bilangan na nangyayari. Kasama rin dun ang watcher ng bawat partido.
At heto na nga ang pinakahihintay ng lahat..
"Nais ko lang po ipa-alala, may mga slip na hindi kompleto ang boto. Minsan binoto lang nila yung president.. minsan naman dalawang councilor lang--- Kaya wag kayo magtataka if sa total minsan di tumutugma sa total ng buong bilang ng tao sa year level, isama pa natin na absent ang ibang istudaynte.. Pero, kahit ganun pa man.. andito na po ang resulta"
Tumahimik ang lahat at sa monitor halos ang tingin.
"Out of 525 student of 1st year level.. ang nakaboto lamang po ay 480.." paliwanag ng babaeng istudyante, at kwento ni Ate Myril ay yan daw ang former President ng SSG.
Andame pala ng First Year.
"At eto na po ang Total Vote ng ga freshmen sa bawat partylist" sa isang malaking Screen ay lumabas yung dalawang pangalan ng tumatakbong president tapos yung mga nakuha nilang boto.
President:
(A) Myril Baylon – 311 votes
(B) Brand X – 160 votes
- 9 people no vote
Note: Let 'Brand X' name of other contestant
Ang laki ng lamang ni Ate Myril. Tuwang tuwa si Ate Myril na katabi ko lang dahil sa nakikitang bilang ng kanyang boto.
"Congrats ate.." sabi ko.
"Sayo din.. ikaw na next Oh.."
BIGLANG NAGPALIT NA YUNG MONITOR NG SLIDE!
Sobrang kabog ng dibdib ko.
Vice President:
(A) Dennis Hernandez – 98 votes
(B) Carlito Zipalta – 382 votes
- Complete
Naringig ko nalang na maraming naghihiyawan sa kabilang parte ng Gym. Nakuha nga ni Carlito ang loob ng karamihan sa First Year.
||#--___--))
..
..
..
..
Nagtuloy tuloy yung pagpapakita ng resulta hanggang sa mapunta na sa Councilor. Dwife got the perfect number of vote. Ibig sabihin kahit pabor yung iba sa Partylist B' hindi parin naaalis sa choice nila si Dwife?
Sana pala councilor nalang tinakbuhan ko.
"Wag ka malungkot.. panigurado namang diyan lang lamang yung baklang yun" Ate Myril comfort me. Pero ako, parang nawawalan na talaga ng pag-asa.
Sumunod na pinakita yung over-all vote naming mga second year. Lord sana naman sinuportahan ako ng mga kayear level ko.
"Mula naman sa 350 na student ng Second year, 300 lang ang nakaboto" umunti na pala kame, siguro di na kinaya ng iba dito sa DMA. Pwede namang umulit yung iba ng First year kaya madame bilang nila. "Ito ang resulta" pagtutuloy nung announcer.
President:
(A) Myril Baylon – 197 votes
(B) Brand X – 1O1 votes
- 2 people no vote
Muli nanaman akong kinabahan, dahil sunod nanaman ako. I saw Carlito sa kabilang parte ng Gym at naiinis nanaman ako sa inaasta niya. May sarili siyang mataas na upuuan na para bang reyna.
"For Vice Presedent.."
Vice President:
(A) Dennis Hernandez – 266 votes
(B) Carlito Zipalta – 34 votes
- Complete
Napa' Yes! Ako bigla sa isipan ng makita ko yung boto. Then suddenly narealize ko, sa 34 na bumoto kay Cazi ay halos kalahati galing sa classmate ko.
"Yes! lamang ka Dennis!" si Ate Myril, then some of voices na nagchecheer ang nariringig ko pa sa crowd.
May 364 votes na ako, habang si Carlito ay 416. Fifty-two ang lamang niya sa akin. Sa 3rd year kaya malakas parin kame?
Tulad ng dati, si Dwife ang topnotcher nanaman sa mga councilor. Nakakuha siya ng 287 votes mula sa 300.
Tapos lamang din ang iba pang position sa Alyansa namin. Maliban sa akin na nauungsan parin ni Carlito.
"Para naman sa boto ng mga 3rd year student na .. Wow, complete sila. At lahat bumoto! So kanino kaya ang boto ng 374 Juniors?"
Ang 3rd year pala ay balwarte ni Carlito. Dahil 3rd year siya, pero sana naman kahit 70% mapunta sa akin. Pleaseeeeeee Lord.
Ate Myril got 125 votes, while yung kalaban niya ay naka-kuha ng 249. Malakas nga ang partylist nila sa 3rd year. Paano naman ako?
At maya maya nga ay nagpalit na ulit yung Screen. Napapikit nalang talaga ako. Hanggang sa maringig ko ang sigawan ng kabilang Grupo.
(#--___--||
"Dennis.." ringig kong tawag ni Ate Myril Parang ayoko ng imulat ang mata ko! 'Tie kayo.."
Ano? Tie?
Pagtingin ko ay nabuhayan ako ng makitang pareho kameng nakakuha ng 187 votes! Yes! May chance akong manalo kung pagbabasehan ko ang binalita kanina ni Ate Myril na panalo daw kame sa Fourth Year.
"Thank you lord.." tanging nasabi ko.
"Sabi sayo ee" si Miggy na nagsalita na sa tabi ko.
Dwife lead's again with 300 votes para sa councillor fight!
*****
At dumating na nga ang pinakahihintay na Oras. "Recap muna tayo guy's.. But let's take it by Group.." paliwanag ng SSG President na malapit ng palitan ni Ate Myril. "Kung makikita natin ang mga boto.. Sumasang-ayon ito sa pagkapanalo ng Partylist A.. maliban nalang.." bigla akong kinabahan. "Sa vice presidential position.. Mr. Zipalta lead's 52 votes.."
Tumingin naman sa akin si Carlito at binatuhan niya ako ng tingin na para bang sinasabing. Siya ang mananalo.
Sarap sunugin ng suot niyang Gown tapos nakaviolet wig nanaman siya na may nakapatong na ubas!
"Kaya after namin ipakita ang last vote count ng bawat position.. automatic tatawagin namin ang mga panalo at paakyatin dito sa stage, para narin sa formal turnover ng obligation hehehe, also para macongratulate sila ng school teacher's in behalf of our Principal and Over-all Campus Director na parehong wala dito for a important meeting.."
"Dennis.. congrats sa atin" si Ate Myril sabay hawak sa kamay ko.
"And for the final show.. eto napo ang boto ng ating mga seniors! Out of 400 fourth year student, tanging 370 lang ang nakaboto" paunang sabi ng nasa stage. "At eto na nga ang resulta"
President:
(A) Myril Baylon – 210 votes
(B) Brand X – 160 votes
- Complete
"Oh my God.." tanging nasabi nalang ni Ate Myril. Yes, she won the game.
"Therefore.. with the total of 843 votes versus.. 670 votes. Our new President for our School Government is Ms. Myril Baylon!" napayakap naman agad ako kay Ate Myril sa sobrang sayang nadarama para sa kanya. I'm Happy for her..
"Congrat's ate" sabi ko.
"Inaanyayahan pong umakyat ang nanalo sa stage" sabi naman ng bagong boses sa taas.
"Ano ka ba.. ikaw na ang next, sige hintayin kita sa taas aa" tinapik niya ako bago siya umalis patakbo sa stage.
Ako naman ay kinikiskis na yung dalawang palad sa nararamdamang ginaw dito sa loob at kinakabahan narin ako sobra.
Kita ko si Ate Myril na nakipagkamayan na sa mga tao sa stage. Karamihan sa mga teacher.
"And para sa susunod na aakyat sa stage, alamin na natin kung sino ang nanalo sa botohan para sa Vice Presedential Race!"
BIGLANG NAG POP OUT NA YUNG RESULT PARA SA VICE PRESIDENT.
Vice President:
(A) Dennis Hernandez – 210 votes
(B) Carlito Zipalta – 160 votes
- Complete
Same sa bilang ng boto kay Ate Myril. Parang naging bobo ako sa oras na yun, di ko macompute ng maayos sa isipan ko yung over-all result.
Habang naguguluhan pa ako ay bigla ko ng naringig ang sigawan sa kabila. Nakita ko nalang din na buhat buhat na ng mga lalaki si Carlito habang sakay dun sa upuan niyang magara.
Isa lang ang ibig sabihin nun.
"With the total of 763 votes versus.. 761 votes, Oh My god! Just a two points!" shock na sabi ng nasa stage. "But still the winner and our new—"
Hindi na natapos pa yung sasabihin niya ng may umagaw sa mic. "Princess! Yes, the new Princess is me.. And also your new Vice President"
Tulad ng nasa debate, marami siyang fan's.
"Nice fight.. okay lang yan" naramdaman kong inakbayan ako ni Miggy. Parang gusto kong maiyak. Habang kung ano anong tinatalak ng baklang yun sa stage, ay parang wala akong nariringig. Nalulungkot ako, parang di ko inaasahang matatalo ako.
"Dennis" tawag naman sa akin ni Xavy na nasa kabilang upuan lang.
"Bakit.. hehehe nu ba kayo okay lang ako" sabi ko sabay tayo. "Mag babanyo lang ako" paalam ko kay Miggy at Xavier.
"Samahan na kita" sabay tayo si Miggy.
"Please.." gamit ang aking mata ay pinaki-usapan ko siya. At naintindihan niya yun. "Babalik rin ako" ako sabay lakad na, hindi papunta sa banyo. Kundi palabas na ng Gym.
Ewan ko ba habang naglalakad ako ay nakakaringig ako ng mga bulungan sa paligid. And it's about me.
"Oh bakit yung talunan umaalis na?" napahinto ako sa paglalakad ng maringig ang boses ni Carlito sa mic. " Hey.. looser aalis ka na, di mo man lang ba titignan ang pag-akyat ng iba mong mga kasama dito sa stage?"
DI KO NA KINAYA, NAPALUHA NA AKO.. BITTER NA KuNG BITTER BASTA NAIIYAK AKO.
Patakbo na akong lumaba sa Gym.
Hanggang sa .. Arayyyyyyyyy! Nadapa ako bigla ng may sumagi sa akin. Tangina ang sakit aaa. Badtrip na nga ako, may nambabadtrip nanaman!
Tumayo agad ako at inayos ang sarili. Pinunasan ko ng kamay kong may dumi na yung mga mata kong lumuluha, sabay harap sa taong may gawa ng pagkadapa ko.
Then nakita ko siya.
"Musta talunan" mayabang nasa sabi niya. Habang naka cross arm ay nakasanday sa pader nitong building na kinatatayuan namin. Nakabandana, tulad ng pormada niya.
"Bat mo ko sinagi niyang paa mo" inis na tugon ko sa kanya.
"Gusto ko ee.. macongratulate ka man lang sa pagkatalo mo"
"Anong pakay mo ahhh"
"Umamin ka, may kinalaman ka sa nangyari kay Carl diba?" nakanunot noo't salubong ang kilay na tanong sa akin ni Joey. "Bading ka talaga, sumbongero sa mga kuya mo kahit ikaw naman may ginagawang masama sa boyfriend ko"
"Pinagsasabi mo?"
Inis naman na sabi ko, wag mong dadagdagan ang inis ko Joey. Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Kung tutuusin pa nga malaki ang kasalanan sa akin niyang Carl mo!
"Nabugbug sarado lang naman si Carl.. at alam kong ikaw ang may kagagawan" sabi niya.
"Joey wala akong alam sa sinasabi mo!"
"Di ka lang napagbigyan ni Carl sa gusto mong kababuyan! Kung ano ano ng sinusumbong mo sa kuya mo?"
"Kuya ko?"
"Oo, kuya mo.. dun ka lang naman pwedeng magsumbong diba?" di ko siya maintindihan! "Kababuyan mo talaga, talangang kay Carl pa.. Dennis mahiya ka naman sa akin.. Gusto mong pagsamantalahan ang boyfriend ng kaibigan mo!"
"Joey anong pinagsasabi mo?"
"Inamin na sa akin ni Carl, na matagal mo na siyang binababoy! Kapalit ng mga pagpapakopya mo sa kanya!"
"Wow ahh.. iharap mo sakin yang boyfriend mo ng magka-alaman na!"
"Magka-alamang ano?!" inis na sabi niya.
"Aaminin ko, natikman ko na yang boyfriend mo.. ee masyadong makulit ee. Gustong gusto niya daw maramdaman ang pagsubo ko.. Ano masaya ka na!" kitang kita ko ang paggagalaiti niya pagkatapos kong sabihin yun. "At for your information.. si Karim ang nagpupumilit.. hindi ako! Paulit ulit na request niya yun.. kawawa ka naman naunahan pa kita"
"Sinungaling ka! Binabaliktad mo pa talaga!"
SAPAKKKKKKKKKKKKKKK!!
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sapakin sa mukha. Nalasahan ko narin sarili kong dugo dahil sa sugat na natamo ng labi ko.
"Alam mo Dennis bakla ka lang! Ang kapal talaga ng mukha mo, masyado kang pavirgin.. ee baka nga butas na butas na yang pwet mo kung kani kanino!"
"Ou.. si Carl nga nakarami na dito eee.." nakangiting sabi ko sa kanya. "Ano masaya ka na.. gusto mo papuntahin mo ako kay Karim tapos.. gagawa kame ng kabababuyan.. yun ba gusto mo?"
"Bakla talaga!" susuntok sana siya ng gigil kong pinigilan ang kamao niya ng kamay ko.
"Tama ka Joey, hindi ako lalaki. Dahil bakla ako" inis kong piniga ang kamay niya. Kita ko ang pag-inda niya sa sakit. "At dahil bakla ako, pumapatol ako sa babae.. sa sabunutan at sampalan"
"Bitawan mo nga ako!" sabi niya, pero di ko yun sinunud.
"Wag mo akong babadtripin Joey.. dahil pagsasamasamahin ko kayo ni Ganny, Ikaw at Karim isama mo pa yung baklang yun.. sa impyerno!" binitiwan ko yung kamay niya patapon. Kasunod nun ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. "Wala kang alam Joey sa nangyayari sa akin, wala"
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)