DENNIS POV
'Frigophobia is a phobia pertaining to the fear of becoming too cold'
Sinearch ko pa talaga sa google para maget's ko yung sinabi niya. May ganun pala siyang phobia, di halata.
Natapos din naman agad yung ulan at malakas na paghangin. Parang dumaan lang yun na Nimbus Cloud dito sa MOA. Kaya naman alisan agad yung mga tao--- Kaya wala akong Chance na nadakma yung bulginess niya.
o(5_____=)o
"May ganun ka palang phobia, bat ganyan parin suot mo?" tanong ko sa kanya. Sabay kameng naglalakad papunta sa labasan ng MOA. "Bat nakasando ka lang?"
"Tss.." singhal niya. Alam kong labis siyang nanliit sa sarili niya dahil sa kaduwagan niyang naipakita sa akin kanina! Kawawa naman. Hahahahahaha!
"Wag ka na mahiya ayus lang naman sa akin.. walang masama dun" habang naglalakad ako. "Sus yakap lang naman" sabi ko pa. Lucario.. Lucario.. Sarap yumakap pag utug yang ano mo.
"Sumabay ka na sa akin" biglang sabi niya.
"Naku hiwalay nalang tayo.. Gagala pa ako sa loob" sabay turo ko sa Mall. "Bawal ka diyan.. malamig" babala ko sa kanya.
Huminto siya at tumabi sa akin. Laaaaa! Loko to! Inanday niya yung ulo niya sa balikat ko!
"Andiyan ka naman" lakas na loob na sabi niya.
"Uy Lucario.. ang init na dito sa labas aaa" sabay iwas ko sa kanya. "Wag kang PDA.." sabi ko pa dito.
"Wag ka na kase pumasok.." sabay hawak niya sa kamay ko. "Pagbigyan mo na ako.. Birthday ko pa diba?"
Ang lungkot sobra ng mukha niya. Parang umiiyak ang katauhan niya sa kanyang loob, parang humihingi siya ng karamay—At ako yun. Tutal Gwapo naman to, sexy, at mukhang malaki ang tutut.
Sige na nga.
"Akin na siya.." sabay turo ko sa pusa niya. Napangiti naman siya sa akin sabay tingin sa pusa niyang nakadungaw lang sa bag. Lagot ka, gagawin na kitang palaman ng Shopao!
Masaya niyang tinanggal yung rope bag at binigay sakin yung Pusa. Siya naman ay dala ang Skateboard niya.
"Salamat pala sa pagsama.." sabi niya.
"Okay lang.." nakangiti kong sagot sabay talikod kunwari sa kanya at may inaayos kunwari! Landeee!
((^____,^))
"Tara hatid na kita sa inyo.."
Gulat akong napalingon sa kanya. "Ihahatid mo ako?" tanong ko. "Uy wag na.. Hehehehe kaya ko na umuwi mag-isa"
"Hindi ko kaya.."
"Ha?"
"Gusto ko kasabay kita" sabay ngiti niya ng napakapilyo. Okay.. Okay.. Dahil Birthday mo sige pagbigyan.
"Asan yung Girlfriend mo?" pag-iiba ko ng topic. Natahimik siya sabay lakad na papunta dun sa tawidan papunta sa terminal.
"Wala." matipid na sagot niya. Tumabi naman ako sa kanya at tinignan siya ng malapitan.
"Wala kang Girlfriend?" tanong ko sa kanya. Nang Green na yung Lights ay tumawid na kame.
Di niya ako sinagot bagkus ay nilapag ang skateboard at ginamit niya yun. Nauna na siya sa kabilang pwesto! Inis to iniiwan ako.
"Hoy pusa, gusto mo ilapag kita dito sa Gitna.. para pag mag Red na ang lights.. durug ka na.." pananakot ko kay Maulee.
"Meow.."
'Wag daw ako magalit sa kanya.. dahil suportado niya daw ako para sa amo niya!'
"Anong sabi mo?"
"Meow.."
'Antok daw siya wala daw siyang panahon sa mga bingi.. Pumikit na ang kuting! zzzZZZ'
Haist! Inis akong humakbang papunta sa pwesto ni Lucario na kanina pa ata nakatitig sa akin. Nababaliw na ba ako? Bat kaya naiintindihan ko ang sinasabi ng pusang ito?
Napahimas nalang ako sa ulo ng pusa. Hehehehe nakakatuwa siya, siguro sariling gawa ko nalang yun mga translation na pinaggagawa ko.
Baliw na talaga ako.
Pagdating ko sa harap ni Lucario ay kita ko nanaman ang pagkaseryso ng mukha niya.
"Ahh ano kase may nakita akong garapata dito sa kuting mo.. Hehehehe" sabi ko sa kanya. "Kaya tiniris ko" pagbibiro ko. Pero di niya ata nagustuhan.
"Kaylanman walang parasite ang pusa ko" tila galit na aniya. Hala jinojoke lang naman.
"Biro lang.."
"Not Funny.." siya sabay talikod. "Tss.." singhal pa niya. Ohhh Iiwan mo nanaman kame nitong Pusa mo?!
"Hoy hintay!" ako sabay habol sa kanya. Hehehe nakakatawang pagmasdan ang ginagawa namin. Hinahabol ko siya hehehe mukha akong timang.
Hanggang sa huminto siya sa may Parking Lot, ganun din ako na naupo pa dun sa sementadong upuan. Nakita ko naman siya na lumapit sa isang--- Motor! Oo pumunta siya dun sa Puting Motor! Dun sa magandang Motor ang astig pala nun pag sa malapitan! (Tignan ang Multimedia Picture para sa Imaginary Purposes)
At sa kanya yun na Motor! Nakita ko ng ginamit niya yun ng unang makita ko siya dun sa Saani Road.
May dalawang helmet na nakasabit dun sa Motor. Woahhh buti at walang kumuha nun! Hmmmm bat dalawa?
Binuksan niya yung parang Spherical na Case dun sa likod ng Motor. Tapos may kinuha siyang Jacket.
Hmmmmm may Jacket naman pala.
Sinuot niya yung Puti niyang Jacket na may bahid ng kulay asul na may desenyong Pusa.
Habang sinasara niya yung Jacket ay nakasulyap siya sa akin. Ayaw na nitong magpayakap. Damot!
Pagkatapos magbihis ay lumapit siya sa akin. Tumabi siya sa upuan kong saan ako naka-upo.
"Ano nga ulit yung tanong mo kanina?" seryosong tanong niya. Yung titig niya sa akin parang nangangain nanaman Wahhhhh! Bat ko nanaman ito nararamdaman. Ano bang tanong ko kanina?
Ah tinanong ko pala siya kung wala siyang Girlfriend.
"Sabi ko, kung may GF ka ba?" muling sabi ko.
"Ano sa tingin mo?" napatingin ako sa kanyang nakatingin sa akin parin! Lunok laway nanaman this!
"Ha?"
"Sa tingin mo wala akong Girlfriend?" aniya.
"Malay ko ba.." sabay siring ko sa kanya. "Gusto mo lang kiligin ee.. Pag sinabi kong may GF ka kase pogi ka.. yummy, nakaka-akit, matanggkad, mukhang k-pop, tapos nakaka attract pa.." napatakip ako sa bibig ko. Ohh My god bakit lumabas ang mga yun sa bibig ko?!
"Meow.."
'Magaling daw ako mag scan ng mga lalaki sabi ni Pusa!'
"Ahehehehehehe.." itinawa ko nalang sabay talikod sa kanya.. Tapos hinatak ko yung tainga nitong pusa niya!
"Meowwwwwwwwwwwww!" nagulat ako ng ngumiyaw ito ng may kalakasan! May God sisiraan pa ako nito kay Lucario oooh!
"Ay sorry naipit ka ba baby cat?" paglalambing ko kunwari dun sa pusa ni Lucario. Tumingin naman ako kay Lucario, kase baka galit siya sa akin. Pero nagulat ako ng makita siyang nakangiti!
"Tss.." sabi niya sabay himas sa ulo ng pusa niya. My God yung mukha niya nakalapit din sa mukha ko! "Ikaw may Girlfriend ka ba Dennis?" tapos bigla siyang tumingin sa akin!
Relax lang Dennis. Hinga nang malalim! Woahhhhhh! "Bat mo naman natanong?" sabi ko.
"Basta may Girlfriend ka na ba?"
"Wala.." mabilis kong sagot.
"Boyfriend?"
"Meron.." nakangiti ko pang sabi. "Pero nasa America siya--aaaaaaaaaa" Tila nawalan ako ng boses ng marealize ko yung sinabi ko.
"Tss.."
PAGTINGIN KO AY NAKANGISI SIYA!
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)