CHAPTER 065

805 Words
DENNIS POV Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni maulee ng maghagis ng pipino si Carlito sa harapan niya. Pagkatapos nitong magtatalon ay tumakbo ito palayo sa stage. Agad akong nagpaalam sa lahat at humingi narin ng paumanhin, pero nag-iwan ako ng masamang tingin kay Carlito. Agad kong sinundan si maulee na patakbo papalabas sa may Gym. Sa may labasan sa gilid nitong loob ko nakitang lumabas si maulee kaya naman dun rin agad ako lumabas. At ayun nga nakita ko ang pusang takot na takot na tumatakbo, san kaya papunta yun? Hindi gaano katulin ang takbo niya kaya nahahabol ko siya at napagmamasdan. Kakasunod ko sa kanya ay namalayan ko nalang na nandito kame sa makahoy na parte ng Agri. Nataranta naman ako agad ng di na makita si maulee sa paligid. Asan na siya? "Maulee?" tawag ko dito. "Meow..." pag-gaya ko pa sa kanya. Humanda talaga sakin yang Carlitong yan. "Maulee.. wag ka na matakot, andito na ako.. meowww" "Meowww.." Agad na kumilos ang mata ko para hanapin kung saan galing yung pag-ngiyaw. "Meoww.." sabi ko naman. Di ko kase masyado malaman kung saan galing yung tunog. "Meoww.. Meoww.." Parang galing sa taas yung boses ni maulee. Kaya naman tumingala ako, at laking gulat ko ng makita siya sa taas ng puno ng Chico na nandito lang sa harapan ko! "Maulee.. anong gawa mo diyan?" "Meoww.. meoww.." "Nagtatago? Saan naman? Dun sa pipino?" "Meowwwwwww" "Anong ewan? Baba ka na dito dali.." "Meoww.." "Ha?! Marunong kang umakyat tapos di ka marunong bumaba!" "Meowww.. Meoww.." "Anong aakyat ako.. di ako marunong umakyat noh!" "Meowww.." 'Eh di dun nalang daw siya..' ABNORMAL RIN TONG PUSANG ITO. "Mana ka talaga sa walang kwento mong amo.. Pareho kayo puro yabang, pero wala naman talagang ibubuga.." iritang sabi ko. "Gwapo nga.. pero mayabang tapos puro lang Tss.. Tss.. ang alam" "Tss.." Napahawak nanaman ako sa kaliwang dibdib ko ng maramdaman ko yung pagtibok bigla ng pusong ito. Ito yung epekto tuwing nakikita ko siya o nararamdaman ang presensiya niya. Isa lang ang ibig sabihin nito. "Ang mahalaga gwapo.." Ano na.. Dennis. Nga? Nga? Paano ko ba irerelaks tong sarili ko. Ipikit ang mata.. tapos ibablanko ang isipan. Ulitin lang yun Dennis. Wag magpatalo sa kamisteryohan ng Lucario na yan. Na walang ibang ginawa kundi mangulo ng nararamdaman! Okay tamang tong ginagawa ko, napapawi na yung kabog ng puso ko. Dahan dahan imulat ang mga mata, sabay ngiti na puno ng pagkahinahon! GOSHHHH! Bat ang lapit na ng mukha niya sa akin. "Matagal tagal rin tayong di nagkita.." "Ha? Bat naman tayo dapat magkita.." heto nanaman yung puso ko, bat ata lalo kang gumagwapo Lucario? Bagay na bagay sayo yang uniporme mo. Ano ba itong iniisip ko! Maling Mali! "Kasi namimiss mo rin ako.." Wow.. namangha kunwari akong tinignan siya, sabay lakad pa-atras sa kanya na lumalapit nanaman sa akin. "Diba napag-usapan na natin to.. na.. iiwas ka pag nakita mo na ako!" "Di ko mapigilan ee.. masama bang lapitan ka?" "Sayo oo.. sa iba hindi.." "Asan na yung pagiging Fair Leader dun?" nakangiting sabi nito pero kita mo yung seryosong pinapakita ng mata niya. Bigla akong kinabahan dahil nabanggit niya yung yung Fair Leader! "Diba dapat patas lang.. mabait naman ako sayo aa" "Iba yun.. kase tayo may personal na.. na—na something!" "Anong something sa atin?" Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug.. Dug..Dug..Dug.. HALA DUMUDUGONG DUGONG NANAMN YUNG PUSO KO! "Eee—enemy! Mag enemy tayo!" "Hindi ko maalalang mag-enemy tayo.. Kaylan ba tayo naging mag-enemy.." "Ngayon!" "Bakit anong ginawa ko..?" 'Jusko Lucarioooo Inaaway mo yung nararamdaman ko kay Krab.. Inaaway mo yung tapat kong puso! Ginagawa mo akong makasalanan! Tapos sa huli.. laro lang naman, Paasa ka lang!' "Wala!" "Eh bat ka kase nagagalit?" tanong niya. "Galing mo pa naman kanina.. tapos inaaway mo ako.." Ewan ko ba pakiramdam ko nagblush yung pisnge ko. Lel.. ((^___,,^)) "Nanuod ka?" tanong ko. "Ou.." "Talaga magaling ako?" naramdaman ko nalang na napasalpak na ako sa katawan ng isang puno kaya di na ako nakahakbang pa. Tapos siya naman ay patuloy sa paglapit sa akin. 'Heto nanaman yung mga Paasa moves eee' "Oo naman.." sabay tungkod niya sa kamay niya sa may puno sa bandang ibabaw ng ulo ko. HomayyGadddd.. "Ahh salamat" "Salamat din.." 'Salamat saan? Kinakabahan naman ako dito kay Lucariooooooooooooo!' "Saan naman?" "Sa pag-aalaga kay Maulee.." "May kapalit yun.." bigla kong nasabi habang pasimpleng tinitignan yung braso niyang naglalaman ng baby muscle.. Tapos yung katawan niyang swak na swak sa size ng uniform niya. Tapos yung Green niyang pantalon.. Tapos yung Gintong zipper na nakikita ko ng bahagya.. Tapos yung... NAKATAGO SA PARTENG YUN! "Ganun ba.. ano naman?" pabulong na sabi niya. 'Kiss..' walang boses na sabi ko habang dun nakatingin sa sa malayo ng nakangiti. "Kiss?" NAPAHARAP AKO BIGLA SA GULAT NG MARINGIG KO ANG SINABI NIYA? ANO PANO NIYA NALAMAN! HANGGANG SA PAKKKKKKKKK! Nagkadikit yung mga lips namin! ******* 1** 2** 3** SIYA YUNG HUMIWALAY NG KUSA. Pero hindi ko alam na ang kasunod pala nun ay isang pagbabadaya ng bagong halik. Dahan dahan muling lumalapit yung mukha niya sa mukha ko, hanggang sa tinutungo na niya yung mga labi ko! Point Five centimeter nalang! Eto na eto na! "Meowwwwwwwwwwwww..." . . . . . . . . . . . . Pesteng Pusa to! (>____>)---O!! ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD