DENNIS POV Antagal naman ata nung isang yun. Naka ahon na sila Threz at Jona wala parin si Lucario. Feeling ko talaga may kinita nanaman yun sa gubat. "Tara praktis na tayo ulit" sabi ni Threz. "Kayo na muna, ok na yung sa shadow eh" sabi ko. Abala yung ibang grupo sa kakapraktis, andaming sumasayaw. Yung iba naman nagpapahinga rin ata, nasa dagat kase sila. Nagsimula na nga magpraktis si Threz at Jona, Woahhh ang ganda ng duet nila. Andito lahat ng kagrupo maliban kay Lucario. Nasa kalagitnaan ng pagkanta yung dalawa ng may dumating na studyante sa pwesto namin. Hingal pa nga to eh. "Ikaw si Dennis?" tanong niya. Siguro magkasing edad lang kame. Pero mas mataas ako sa kanya. Tumango ako sa kanya. "Ingat ka po ah" sabi niya. "Bakit naman?" lumapit siya sa amin at naki upo na

