DENNIS POV
Nakaharap yung bag ko kung nasaan si maulee. Mahirap na baka dumungaw nanaman to sa likuran.
Okay lang naman daw malate ako, kase yung debate ay position by postion. So ang makakalaban ko ay yung baklitang yun.
Nagsisimula na daw yung debate para sa mga councilor.
Ang wirdo ng paligid, halos wala na talagang tao. Ganito ba sila kasabik para mapanuod yung debateng yun?
Haissst!
Yung format daw ng debate ay base sa ugali ng isang leader. Yun lang ang alam ko, tapos may tanong daw tungkol dun at dun na magsisimula yung sagutan.
Pagdating ko sa gym ay kita ko ang maraming tao. Goshh, sino ang mga ito? Tumungo ako sa gilid at tinignan ang mga ito.
"Cazi! Cazi! Cazi! Ipnanalo si Cazi!" paulit ulit na sabi ng mga ito. Dagdag mo pa yung mga props nitong naglalakihang tarpaulin na nakaimprinta ang edited na mukha ng baklang yun!
Inis akong tumalikod at sa likod nalang ako dumaan. Merong daanan sa likuran ng Gym, mas tahimik dun. Tahimik man, pero mabilis akong makakarating! Ayoko ng dumaan sa loob, sa maraming tao dun. Expected ko na, na lahat ng naroroon ay supporter ni Cazi at bayad ng malaki!
Dahan dahan lang akong naglakad, kase matagal pa naman siguro ako. Nahihiya na ako, ano kayang mangyayare. Baka may kadugasan nanaman na gagawin ang baklitang yun.
"Meow.." bigla akong napatingin ng dumungaw na si maulee sa may bag at parang kinakausap nanaman ako.
"Yung kaaway natin, makakaharap ko nanaman maulee.." kwento ko dito. "Dapat kase pinatay mo na yun sa kalmot"
"Meow.."
"Ano? Gusto mo siyang awayin ngayon?"
"Meow.."
"Uy maulee.. bawal lumabas mamaya ahhh" tapos hinalikan ko pa siya. "Tapos pag nakita mo yung si Dwife.. Wag ka lalapit dun, alam mo naman na kapatid yun ng amo mong iniwan ka.. pareho masama ugali ng mga yun"
"Meow.. Meow.."
"Anong mabait ka diyan.. kung mabait yun.. bat ka iniwan sa akin? Ha?"
"Meow.. Meow.."
"Anong ninakaw lang kita!"
NAGKATITIGAN KAMENG DALAWA! PUSANG TO, PORKET MAGANDA YANG MATA MO ANG LAKAS LOOB MAKIPAG EYE TO EYE!
"Basta diyan ka lang ahhh.. may Yum ka sa akin mamaya.. gusto mo yun diba?"
"Meow! Meow!" Nagulat ako ng kiniss ako nito. Napangiti nalang ako at kiniss ko rin siya sa noo.
"Don't worry.. papatabain kita hehehe.. para di ka na makakilos at dun ka nalang sa bahay hehehehe!"
"Meowwwwww!"
REKLAMO NIYA. Bwahahahahahahahahaha..
****
Ipinasok ko na siya ulit sa bag at naglakad na ako ulit.
LEEFORD'S POV
Tss.. bat di to nagsasalita. Patapos na ang debate para sa mga tumatakbong konsehal pero itong si White di nagsasalita.
Sabagay hindi pa naman pala siya.
Andito lang ako sa may gilid ng Gym sa loob. Wala akong kakilala, basta nakikinuod lang ako. Siya narin kasi nagsabi sa akin na running daw siya para sa SSG bilang councilor.
Dalawang istudyante ang moderator ng debate. May nakikita akong konting guro sa gawing unahan ng mga audience.
Ako naman ay nakaandig lang dito sa pader sa bandang tagong gilid. Pero kitang kita ko sila, may monitor din kaseng malalaking nakakalat.
Hindi man lang ako nakapasok dito ng maging bahagi ako nitong eskwelahan. Malaki, tamang lugar para sa mga ganitong okasyon.
"Para naman po sa huling pares ng ating councilor's to be.. ito po ang ang inyong leadership attitude category.." sabay bunot nito dun sa medyo may kalakihang transparent bowl.
"As a Smart Leader.." pagbasa ng isa pang moderator. "Bilang isang matalinong Lider.. kaylangan magpasikat tong dalawang to sa pamamagitan ng pagsagot sa isang tanong na matagal ng pinoproblema ng mga tao.."
'Kahirapan ba yan.. Lol..'
Bigla naman akong napatingin sa gawi ng kalabang grupo ng kapatid ko ng makita ko ang isang..
Naka saya.. Dilaw ang buhok at may saging na laruang nakapatong. May tatlong natapaypay pa ito sa likuran.
'Wew..'
"Handa na ba kayong dalawa?" sa muling pagkakita ko ay nasa podium na ang kapatid ko at yung isang istudyante.
"Go Dwife! Go Dwife! Go Dwife!"
Napalingon ako sa crowd ng madinig ko ang pangalan ng kapatid ko. May pinagmanahan.. Tss..
"Ay merong mga fans si baget's.." sabi ng moderator. "Pero para masimulan na natin ang laban eto po ang tanong: Ano ang mas nauna itlog o manok?"
(0____0_)
KALOKOHANG TANONG YAN.
Tling!
Biglang tumunog yung buzzer na nasa podium ng bawat kalahok. This time nauna yung nasa kabila.
"Siyempre po itlog.." sagot niya habang may sinisipsip na lollipop.
"Nauna na po si Mr. Rivera.. at ang sagot niya ay itlog" sabe ng moderator. "May paliwanag po ba kayo sir?"
"Hindi ba obvious? San ba mangagaling ang manok? Eh di sa itlog" sagot niya ulit. Hmmmm.. siguro naman masasagot mo yan ng maayos, Dwifey.
MAY NAGPALAKPAKAN.
"How about you.. Mr. Lim?"
'Paos yan'
(^___^)
"Can I ask you.." ayos di paos ang magaling kong kapatid. Pero sinong tinutukoy niya?
Pagtingin ko ay nakatingin siya sa kausap. Naging tahimik ang buong loob ng Gym. Walang Originality.. Ginagaya ako.
Tss..
"Yes.."
"Anong mas nauna.. Lollipop o yung ingredients ng lollipop?" tanong ng kapatid ko. Biglang napahinto yung kalaban niya.
"Yan ka nanaman sa masyadong paepal mong dating Dwife.." sagot naman nito. "Gusto mo lang ako paikutin na ang itlog ay galing talaga sa manok.."
"Anong kinalaman ng manok sa lollipop.." seryosong tanong ni Dwife.
Nagtawanan nanamn yung mga tao at muli nanamang isinigaw ang pangalan ng kapatid ko.
"Whatever.. siyempre ang mas nauna yung ingredients, paano magagawa ang lollipop kung wala yung mga sangkap?"
Ngumiti si Dwife.
"That's it.."
"Anong that's it?" tanong ng lalaking may lollipop sa bibig. "Na kung wala ang manok paano magagawa ang itlog? Duhhhh.. hindi ingridients ang manok para hulmahin ang itlog!"
"So Paano ginawa ang egg shell ng itlog?" Natahimik nanaman sila sa sinabi ng kapatid ko.
"Natural.." kinakabahang sagot ng kalaban.
"Natural by what.. kung di mo alam ito nalang, what is the main component of egg shell?"
Di nakasagot yung kalaban.
"Boooooooo!" sigaw ng marami sabay sigaw nanaman sa pangalan ng kapatid ko. Pero tulad ko wala lang siyang pake.. Idol talaga ako nito e.
"Simple lang naman ang sagot sa tanong na yan.. tulad ng sinabi mo mas mauuna talaga ang ingredients ng lollipop bago mabuo ang lollipop" sabay buntong hininga. "Kaya sa tanong na ano ang mas nauna, itlog o manok? Mas mauuna ang itlog.. simple lang din ang paliwanag..
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang protinang bumubuo sa egg shell ay makukuha lamang sa inahing manok"
Then the crowd goes wild again. Tss... mali ka diyan kapatid sa paliwanag mo. Pero tama yung sagot mo.
"As a smart leader tulad ng inahing manok kailangan mong ibahiga ang nutrisyon na meron ka .. talino I mean sa mga istudyanteng nasasakupan mo. To build a good shell, that can protect them until it produce a very productive chick that tweet them a useful word to guide them to be a good follower to follow the golden rule.. Not only for this school or this organization also to the rule of creator and the rule of each of us, as a human being"
ANG CORNY BRO!
(>___>?)
Yun ang tumapos sa debate, kaya naman kailangan ko narin umalis. Ang corny.. hindi naman ako ganun.
Tsaka mali siya sa paliwanag niya.
Mas mauuna talaga ang manok sa itlog, kase may paa ang manok para makatakbo. Eh pano naman yung itlog? Eh di huli.
(^___~)
*****
Pumunta ako sa banyo, bago ako umalis at may pasok pa ako mamayang hapon. Sinuportahan ko lang talaga ang kapatid ko.
Paghawak ko sa door knob ay di ko ito magalaw, sarado ang pintuan ng banyo. Aalis na sana ako ng biglang may naringig akong magsalita sa loob.
"Dali wiwi ka na dito.."
Idinikit ko lalo ang tainga ko sa may pinto. The voice sounds familiar.
"Meow..."
'A cat?'
"Maulee dali na.."
"Meoww... Meoww.."
"Oo na nga.. mamaya na pag-uwe.. kakakain mo palang kanina gutom ka na agad?" hindi ako magkakamali! Si Dinosaur at maulee ang nasa loob!
"Meow.."
"Sige na.. malelate na ako maulee.. Behave na aaa"
Napangisi nalang ako. Hindi ko inaasahan ito, matagal ko narin namiss si maulee. Pati rin siya.
"Meow.."
"Yan wiwi ka na dali.."
"Meow.."
Pinapa-ihi niya si Maulee? Saan sa urinal? Tumahimik ng bahagya sa oras na yun. Tanging mga lagaslas ng tubig ang nariringig ko.
"Yan.. dito ka na ulit sa bag aa.."
"Meow.."
"Very Good.."
Mayamaya'y bumukas na yung Pinto at tumambad nga sa harapan ko si Dennis. "Tss.." singhal ko sa kanya.
Pero siya ay nanlaki ang mga mata.
"Mu.. Mu.." habang takot na tinuturo ako. "Multoooooooooooooooooooooooooo!" sabay takbo nito na halatang takot na takot.
Ako multo? Tss.. Gwapong Multo. Di ko inaasahang magkikita ulit tayo. Ayoko na nga muna umuwi.. Mumultuhin na nga muna kita. Tss..
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)