DENNIS POV Isang masarap, masaya at puno ng kilig na boodlefight ang natapos. Baweng bawe si Lucario, buong dinner sinusubuan niya lang ako gamit ang kamay niya. Nakakakilig para sa akin, pero hindi ko alam sa mga matang nakatingin. Pati sa pagtulog ko, nakangiti lang ako. Natuyo naman yung mga gamit namin, yung sakin medyo malamig pa ng konti sa basa pero isinuot ko nalang din. Ayoko naman kaseng nakatapis lang ako na matutulog. Bagong araw nanaman, Day 3 ng Dinagat Island Camping. Maagang pinost ni Sir yung total scores namin. Grupo namin ang nakalikom ng pinakamataas na points, pasok din sa Top 5 ang grupo ni Lucario at Threz. Blue, Yellow, Black, Aquamarine at Lavender ang nakapasok sa top 5. Naka abang narin yung bangkang magsusundo sa 100 na uuwe. Tulad ng dati ay naglinis mu

