DENNIS POV
Naramdaman ko nalang na may kung anong bagay ang gumagalaw sa tabi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko agad si Maulee. Agad akong napangiti dahil sa ginagawa nitong pangangalikot sa mukha ko.
"Hmmmmmm.." sabay titig ko sa kanya. Agad naman itong napahinto sa ginagawa sabay lapit sa akin.
"Meow..." sabi nito sabay higa sa tabi ko. Bat bigla naman ata tong bumait sakin, naglalambing? Hehehehe..
Pero nasaan pala ako ngayon? Oo nga ang alam ko nasa school ako kanina aaa! Agad kong inilibot ang paningin ko at nakita kong nandito ako sa sarili kong kwarto!
Bigla kong naisip yung mga mangyari! Naupo nga ako sa kama dahil di ako mapalagay sa kaka-isip, hanggang sa tumayo rin si maulee at pumatong sa mga legs ko at dun nahiga.
"Meow.." sabi nito bago pumikit.
Naalala ko na!
NAPAPIKIT AKO SA INIS NG MAALALA YUNG GINAWA NG BAKLANG PINK NA YUN SA AKIN!
TINAPAKAN NIYA YUNG PAA KONG NANAKIT!
Pero pagtingin ko sa paa ko ngayon ay ayos na ito at di na ulit masakit? Sinong nagdala sakin dito? Si Miggy kaya?
Ang huling nakita ko kase bago ako mawalan ng malay ay naglakad si Naruto papalapit kay Baklang Pink.
At dun natapos ang eksena sa aking paningin. Tapos andito na ako sa bahay at dito pa sa kwarto?
KLAKKKKKKKKKKK.. (Bumukas yung pinto)
Agad akong napatingin sa pinto at nakita ko si Kuya Brenth na may dalang tray. May lagay yung pagkain tapos isang baso ng tubig tapos tableta ng gamot!
Kailan pa naging Personal Waiter ko tong si Kuya Brenth?
"Oh gising ka na pala.." sabay lapag sa tray sa tabing lamesa nitong kama ko, tapos naupo siya sa tabi ko.
"Kuya ko.. sinong nagdala sakin dito?" tanong ko sa kanya.
"Okay na ba yung paa mo?" di niya sinagot yung tanong ko, bagkus ay gumawa rin siya ng sariling tanong.
"Hindi na masakit.. ewan ko lang pag nilakad ko kuya" sagot ko naman. Tumabi siya at tinignan si Maulee.
"Hinatid ka dito ni Miggy.." sabi niya. "Kaya naman nagmadali rin ako pauwe dito.." pagpatuloy niya. "Sino nanaman ba yang kaaway mo bunso?" medyo may inis yung volume ng boses niya.
"Hindi naman kaaway kuya.. inano niya kase si Maulee kanina ehh" nakangusong paliwanag ko.
"Nakwento na sa akin ni Miggy"
"Oh bat tinatanong mo pa ako?"
"Bat di ka lumaban dun bunso?" tanong niya. Sumimangot naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Eh kuya bakla yun ehh"
"Bakit ikaw?"
"Anong ako kuya?"
"Diba ganun karin?"
SABAY NGISI SI KUYA!
"Kuya naman eee!" tapos hinampas ko siya nung unan na nasa tabi ko. Sinangga niya naman yun gamit ang braso habang humahagikhik. "Kuya baka may makaringig sayo ee" sabi ko pa.
"Dapat bunso.. lumalaban" siya na nagmacho pose pa.
"Di naman ako warfreak.." sabi ko.
NAPAHINTO NAMAN SIYA SA PAGTAWA SABAY TABI ULIT SA AKIN.
"Biro lang bunso.. wag ka mag-alala may oras din ang gumawa sayo niyan" seryosong ani ni kuya.
"Sana nga kuya.. naiinis ako dun.." sabi ko habang tinitignan na tong tulog na si Maulee. "Kuya Paano ako dinala dito ni Naruto?" tanong ko sa kanya.
"Naruto talaga tawag mo sa kanya?" tanong naman ni Kuya.
"Ehh nasanay na ako.. kung kumilos kase yun parang si Naruto, ganun din kung manamit minsan"
"Sabagay.."
"Paano nga kuya?"
"Hinatid ka nila sakay ng kotse.."
"Lahh.. wala naman yun Kotse"
"Kotse ni White.."
NANLAKI ANG MATA KO DAHIL SA AKING NARINGIG! SI WHITEEEEEEE? YUNG WHITE NA KINAMUMUHIAN NG KRAB KO?!!
"White?" Inis na tanong ko.
"Si Teroy.. remember yung nakasama natin sa 7/11?"
"Alam ko.." sagot ko naman.
"Oh bat parang galit ka bunso?"
"Wala lang.." sabi ko. Tumingin naman ako sa bandang balcony, pansin kong wala ng liwanag tsaka may ilaw na dito sa kwarto. "Kuya Anong oras na ba?" tanong ko.
"Alas otso na bunso ng gabi.."
"Ha? Talaga?" ako na kinapa yung suot kong panta---- Ngek, nakaboxer nalang pala ako tapos sando. Nasaan yung cellphone ko?
"Ou haba ng tulog mo ee"
"Kuya yung cellphone ko?"
"Nasa Cabinet.. kunin mo nalang mamaya, pagkatapos mong" tumayo siya at kinuha yung tray at tinabi sa akin. "Kumain ka na muna.." sabi niya sa akin. "Sinigang na Tuna Belly yan.." si kuya na kinuha si Maulee.
KAYA NAGISING ITO!
"Meow.." ungol nito na napatingin sa pagkain ko. Hala! Isda nga pala ito... Hmmmmm pero alam ko di siya mahilig sa isda.
"Pakainin ko narin siya.. napagod rin daw to sabi ni Miggy ee"
"Napagod?"
"Sige na kain ka na.. dun ulit muna siya matutulog sa kwarto" paalam ni Kuya. "Inumin mo yang amoxicillin ah? Gehh Goodnyt bunso.." tapos sinara na niya yung pinto.
HAWAK KO NA YUNG KUTSARA NG BUMUKAS ULIT YUNG PINTO!
"Si Manang na bahala diyan sa pinagkainan mo.. aakyat nalang siya dito mamaya"
"Meow.."
"Kuya teka!" sigaw ko bago sila umalis.
"Alam ba nila kuya yung nangyari sa akin?"
Umiling siya.
"Ang sabi ko sa kanila.. Madami kang ginagawang assignment hehehe" sagot niya. "Goodnight ulit.." ayun sinara na niya ulit yung pinto ng tuluyan.
***** KINABUKASAN *****
"Nga pala bunso.. bat may durog na dahon kahapon dun sa paa mo?" bulong ni Kuya Brenth sa akin sa likod ng sasakyan.
"Ahhh first aid sakin ni Xavier.. Nameet mo na siya diba kuya?"
"Ahhh yung nagbibigay sayo ng mga juice?"
"Oo kuya siya nga.."
"Bait naman sayo nun Bunso.."
"Parang kapatid na kase turing niya sakin kuya" sagot ko naman. Kapatid nalang kase meron na siyang kaforebsss..
"Okay.." pagtapos ni Kuya Brenth sa usapan.
*****
Pagkatapos maihatid ako dito sa harapan ng eskwela ay naglakad na ako papasok, tulad kahapon ako parin ang nagdala kay Maulee.. andito na siya sa loob ng bag ko ngayon.
Magaling naman yun sa hingahan hehehehe.
Pinabaunan pa nga siya ni Manang ng Egg-Mayo Sandwich ee. Tapos ako wala, bumili nalang daw ako sa canteen.
Ang sama nila!
Nasa tapat na ako ng Building ng Bigla kong makasalubong si Xavy. Hindi niya kasama si Ate Myril. For sure kakausapin nanaman ako nito tungkol sa SSG Election huhuhuhu!
"Dennis.." siya na lumapit at inakbayan ako agad.
SARAP SA FEELING NG GANITO, PERO SANA SI KRAB YUNG GUMAGAWA NITO SAKIN.
(--___--)
CAZI'S POV
Magbabayad ang pusang yun sa Ginawa niya sa akin! Isusumpa ko sila kasama ang bubwit na yun na lampa naman pala! Imbis ako ang sagipin ni Crushy sa lintik na pusang yun na panget naman at ang taba taba' bat inuna niya ang panget na yun!
Nandidilim talaga ang vision ko sa pusang yun! Isinusumpa ko ang mga pusa ngayon! Kulang ang kamatayan sa ginawa niya sa mukha ko!
"Queen C.. wag ka nalang kaya pumasok.." tinignan ko ng masama si Girl Buka. "Nagpapayo lang naman Queen.. tignan mo kase para kang Mummy the return so dame ng benda sa mukha.." maarteng sabi nito!
Tama ang sinabi niya.
Para akong Mummy dahil sa benda sa mukha ko. Naasar na talaga ako! Andame ng perwisyong ginawa ng pusang yun!
Hindi na ito masakit dahil tinurukan na ito ng Pain Reliever ng Personal Doctor ko for 24 hours! At dahil alam kong dirtiness ang pusang yun nagpa-inject narin ako ng anti rabies ng patay gutom na pusang yun!
"Hindi pwede.." hirap na sagot ko dahil medyo may benda sa mukha ko. Yung ganda ko natabunan ng Benda letseeeeeeeeeeee!
Ipapakulong ko sila!
Gaganti ako!
Hindi ako papayag na ako ang agrabyado dito!
"Queen C.. para naman to sa—"
Napahinto siya ng bigla ko siyang sampalin sa mukha! "Manahimik ka!" sigaw ko dito. "Pakilabas ng Maskara ko.."
"Masusunod po Queen C.." agad na nakuha ni Girl Buka yung maskara ko na si Liza Soberano. Wala naman pinagkaiba tong maskara sa mukha ko, kasing ganda ko si Liza.. ganun kasimple, sa ngayon nga lang may konting problema.
At dahil yun sa isang Pusang Maldita!
Kameng dalawa lang ang nandito ni Girl Buka dahil yung dalawa ay inutusan kong magpabarya ng libo libo kong pera para ipamudmud mamaya dito sa mga hampaslupang tao ng eskwelahang ito.
Agad kong sinuot yung maskara at hinarap si Girl Buka. "Kilala mo ba yung Hampaslupang lumalandi sa crush ko kahapon?" tanong ko kay Girl Buka.
"Alam ko Queen.. magkaklase sila" sagot nito habang nangungulangot. Pesteng to! Tapos hinahawakan niya ang mga gamit ko!
"Bastarda ka! Nakakdiri ka! Ang dugyot mo!"
Nahinto ito sa ginagawang niyang pangungulangot. Pero nakasalpak parin yung isang daliri sa ilong niyang sinagasaan ng pison! "Ayy.. Sorry po Queen.." sabi nito sabay tanggal ng daliri at punas sa uniform niya.
Kadiri talaga!
"Nakakadiri ka.. alam mo naman ayaw ko ng madumi at dugyot! N angulangot ka pa talaga sa harap ko!"
"Grabe ka naman Queen.." nakangusong sabi nito. De Puta itsura nito sobrang panget! "Hindi ka tao, kung di ka nangungulangotss"
Sinampal ko siya!
"Don't you dare to call me a tao.. because I'm a Living Barbie Doll!" pasigaw na pagpapa-alala ko sa kanya.
Grrrrrrrrrr binibeastmode ako ng babaitang ito!
"Sorry po Queen.." sabi niya.
"Akin na yang mga gamit ko! Maghugas ka ng kamay at mag alcohol ng isang daang beses tapos bumalik ka dito! Bilis!" sigaw ko.
"Opo.. Opo.." siya na kumaripas na ng takbo.
Hayyyyyyyyy naku talaga!
*****
Maya maya'y bumalik na si Girl Buka. "Ang tagal mo naman ata.." sabi ko sabay tapon gamit ko sa kanya.
"Kase nag-alcohol pa ko Queen.."
"Good.."
"Saan punta natin Queen ngayon?"
"Pupuntahan natin ang hampas lupa na dahilan kung bakit ako broken hearted at puno ng kalmot sa mukha!"
"Ahh yung batang kasama ni Blondy boy?"
"Magbabayad siya!"
"Ayyy may utang siya sayo Queen?"
Sinamaan ko siya ng tingin sabay sampal ulit!
"Bobita!"
"Aray.. nakakatatlo ka na Queen.." reklamo nito.
"May angal?!"
"Wala po.."
Humarap na ako sa direksyon kung nasaan ang bubwit na yun! Magbabayad talaga ang hampaslupang bubwit na yun!
*****
Tinginan ang mga taong nakakakita sa akin.. Bwahahahahaha nagagandahan sa akin ang mga hampaslupa!
Wag kayo mag-alala, may abuloy ako sa mga yumao niyong mga pes mamaya! At di lang yun nagpaluto rin ako ng maraming Food's! May Catering na pupunta dito mamaya!
Kaya kung sino man ang Dennis na tinutukoy ng babaeng yun kahapon na kasama ni Sam Concepcion ay... Sumuko na siya!
Makikain nalang siya sa abuloy ng Living Barbie Doll!
MGA HAMPASLUPA!
"Queen nakikita mo ba ang nakikita ko?"
"Hindi! Kase alam kong panget ang nakikita mo!"
"Gaga Queen nakamaskara ka kase!"
Sinampal ko ulit siya!
"Sinong gaga? Anong nakamaskara! Wala namang pinagkaiba kahit di ako nakamaskara aa? Tinatago ko lang ang mga sugat ko" Inis na sabi ko.
"Sorry po ulit Queen.." sabi niya.
"So what are talking about kanina? Anong nakikita mo? Maligno ba?" tanong ko.
"Siya po Queen.." sabay turo niya sa naglalakad na.
Yung Hampaslupa!
"Sundan natin siya!" sabi ko kay Girl Buka. Palihim nga namin itong sinundan hanggang sa mapunta kame sa building nila! Nakamaskara parin ako at walang suot na wig..
Short hair ako ngayon pero maganda parin! (Look at the photo below for imaginary purposes)
Pero agad akong napahinto ng makita ko si Sam Concepcion! Anong ginagawa niya dito?
"Dennis!"
Biglang sigaw nito dun sa batang hampaslupa!
"Ano magkakilala sila!"
"At siya yung Dennis na tinutukoy nila Queen.. siya ang makakalaban mo sa SSG Election for the Vice Presidential Position"
PAKKKKK!
Sinampal ko ulit siya!
"Bakit ngayon mo lang sinabi!" sigaw ko. Pero kita kong namumula na ang pisnge niya at parang iiyak na siya.
WALA AKONG PAKE.
"Di ka naman kase nagtanong.." pigil luhang sabi nito. "Tsaka Duhhhh... Common sense lang din diba nga Dennis ang tawag ni Guy sa kanya so siya na yan at wala ng iba!" sinigawan ako nito.
"Ang kapal mo para sigawan mo ako!"
SINAMPAL KO SIYA HANGGANG SA HUMANDUSAY NA SIYA SA MAY DAMUHAN!
Muli naman ulit akong tumingin dun sa mga hayop sa aking harapan! Kita kong inakbayan nung gwapong lalaki yung tinatawag nilang Dennis!
Hindi ako makakapayag sa mga nakikita ko!
Bakit siya ginaganyan ng mga lalaking natitipuhan ko! Hindi ito maariiiiiiii! Nagagalit ako!
Walang pwedeng sambahin ang mga lalaki kundi ako lang!
HUMANDA SAKIN ANG HAMPASLUPANG YUN! PAREHO KO SILANG IBABAON SA SAKIT NG HAMPASLUPA NIYANG PUSA!
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)