BRENTH POV Suspended na lahat ng klase sa Metro Manila dahil sa sobrang lakas ng ulan. Nagluto ako ng instant noodle habang nakatambay dito sa balkonahe ng kwarto ni Bunso. Kasama ko ang dalawang pusa na kapwa tulog sa kabilang upuan. Napakalamig, antahimik ng paligid. Pagkatapos kong higupin ang huling sabaw na natitira sa mangkok ay binitbit ko 'yon para dalhin sa kusina. Paglabas sa kwarto ay nakasalubong ko si Kuya Clifford. Dala dala ang laptop niya. "Nakakausap mo ba ang kapatid mo" Alam ko nag aalala siya, kahit di niya ipakita sa blanko at seryoso niyang mukha. "Wala po atang signal sa Isla" kita ko ang pagguhit ng inis sa kanyang mga labi. "Paano natin malalaman na ayos siya 'don" di ko alam ang isasagot ko dahil di ko rin alam if paano makaka usap si Bunso. Pareho kayo n

