DENNIS POV Napakusot ako ng mata, sinisiguro ko kung si Threz ba talaga tong nasa harapan ko. "Nakita kita kanina, mag isang naglalakad" humarap ito sa karagatan, "Kaya naisipan kong sundan ka, pero kung gusto mo mapag isa" "Sige na.." humarap din ako kung saan siya nakatingin. "Gusto ko rin ng makaka usap" "Gusto ko sana mag sorry" panimula niya. "Nung una kitang makita, alam mo ba sabik na sabik akong lapitan ka" "Pero di mo nagawa kase nilagyan mo agad ako ng sungay sa paningin mo" "Gusto ko gumanti ka sakin, sapakin mo ako" inismiran ko lang siya. "Sapat na sakin mapagtanto mo lahat ng mali na pinaniwalaan mo" "Para sakin hindi parin, kung may sapat man hindi yung napagtanto ko lang ang mga bagay.. Mas mainam kung ipamukha mo pa sakin yun" "Ano bang gusto mong gawin ko?" bigl

