Happy Puso Day sa lahat ng may mga Pusong Chumitibok! Puno nanaman ang SOGO nito hahahahahahahaha! --- TheSecretGreenWriter
DENNIS POV
"Namiss lang kita pagbigyan mo na ako.." parang biglang umihip ang malakas na preskong hangin. Namiss ko rin yung yakap niyang ganito. Para sakin wala namang masama dito, kung kameng dalawa lang.
Pero nasa school kame kaya kaylangan kong kumilos.
"Tama na siguro yan.. lagpas na thirty seconds" nakangiti kong sabi' sabay dahan dahang umalis sa back hug na ginawa niya sa akin. Humarap ako sa kanyang nakangiti, kitang kita ko yung saya sa mga labi niya. "Huwag mong sabihin, dahil yan sa pagyakap mo sa akin?"
"Saan pa ba dapat?" nakangiti niya ring tanong. Mongoloid rin talaga tong tatay ni Bonsi. Naku Naku..
"Wala.. may mga ano na tayo bawal na yung ganyan.."
"Kung ayaw mo.." mabilis na kontra niya.
"Oo.. ayoko" seryosong sagot ko sabay tingin sa kanya. "Ayoko ng madagdagan pa away namin ni Ganny" hinawakan ko yung kamay niya. Pero nakangiti na siya sa akin, kala ko galit. "Diba nauunawaan mo naman yun?"
Umiling siya sabay akbay sa akin. Piningot niya pa ang pisnge ko. "Hehehehe sabi ko na nga ba may problema yang puso mo ee.." inalalayan niya ako papunta dun sa wooden bench sa ilalim ng malaking punong narra. "Sinaktan ka ba ng gagong yun?" kita ko yung galit sa mga mata niya.
Inayos ko na muna yung upo ko, siya naman ay tumabi narin sa akin. Yung bag ko ay pina-upo ko rin sa tabi ko. Tumingin ako sa asul na kalangitan habang naglalakbay ang mapuputi't napakaninipis na alapaap.
"Nung isang araw kase pumunta ako sa MOA.." pagsisimula ko sa aking ikekwento. "Ayos pa kame nun.." tumingin ako kay Xavier. "Pero may nangyare ee" malungkot kong sabi kasabay ng isang napakabigat na buntong hininga.
"Ano yung nangyare?" tanong sa akin ni Xavier. Tumabi siya ng husto sakin tapos inakbayan ako. "Ikwento mo lang.. makikinig ako" hinahaplos pa ng kamay niya yung likuran ko. Tila batang inaalo sa pag-iyak.
"Pagkauwe ko galing sa Mall.....
*****
Ikwinento ko lahat kay Xavier ang naging pagtatalo namin ni Ganny. Halos maluha luha ko rin natapos yun kaya naman todo ang akap niya sa akin.
"Gago rin yun no? Gusto ka na niyang mamatay?" galit na sabi ni Xavier. "Eh kung siya kaya sapakin ko.."
"Diba takot ka dun?"
"Ikaw na ang pinag-uusapan dito.."
BIGALA AKONG NAPATITIG SA MUKHA NI XAVIER DAHIL SA SINABI NIYA. NAKARAMDAM NG SAYA ANG PUSO KO, PARANG NAKAHANAP ITO NG ISANG MAGITING NA TAGAPAGTANGGOL.
"Hindi ko na alam yung gagawin ko ee.." malungkot pero nahihirapan ng sabi ko. "Wala naman talagang katotohanan yung binibintang niya xavy.."
Tumitig lang siya sakin na parang may pag-aalinlangan sa sinabi ko. Bigla tuloy akong nainis!
"Oo alam ko namang di ka naniniwala.. Oo alam ko naman tingin mo sa akin malandi" sabay usog ko ng konti palayo sa kanya.
"Uy grabe to.. wala akong sinasabi aa.." umusog ulit siya. "Naisip ko lang.." pagsisimula niya. "Paano kaya kung ako ang pinili mo? Siguro di ka masasaktan ng ganyan.. sana masaya tayo hanggang ngayon.. Kase Dennis.."
"Ano?" iwas ngiting tanong ko sa kanya.
"May nararamdaman parin ako sayo.."
"Tse.. umayos ka nga Grander! May Gf ka ng tao!" hampas ko sa kanya ng kamay ko. "Adik toh!"
"Nagbabakasakali lang naman.." sabi niya. "Baka this time maagaw na kita sa kanya"
"Uy umayos ka nga diyan!" kinikilabutan ako sa sinasabi nito.
"Gusto mo pasyal ka sa bahay? Dun ulit tayo sa Treehouse.." nakangiting sabi nito na halatang iniinis ako!
"Di na ako natutuwa! Bakit ka ganyan!"
"Hehehehehe.."
NAKALOBO TONG PISNGE KONG PINAGMASDAN SIYA. HABANG SIYA NAMAN AY PANAY ANG PACUTE SA AKIN. BIGLA KONG NAPANSIN YUNG ILLUSTRATION BOARD NA NAKALAGAY SA PAGITAN NG LIKURAN AT BAG NIYA.
Ano yun?
"Ano yang nasa likod mo?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napa-isip dahil sa sinabi ko.
Pero natauhan ng biglang may maalala. Kinuha niya nga mula sa likuran niya yung illustration board.
Tapos inabot niya sa akin yun.
FUTURE FAMILY TREE..
Yun ang una kong nasaba sa taas ng illustration Board. Tapos nakita ko ang isang puno na gawa sa tunay na parte ng puno hanggang sa makabuo nga ng isang puno!
"Project namin sa Values Education.." sabi niya sa akin. "Gumawa daw kame ng Future Family Tree.. gawin daw lolo at lolo na yung mga magulang ko" pagpapaliwanag niya. "Tapos yung Gf ko naman bilang asawa ko.." nakangisi niyang aniya.
Bigla naman akong nainis! Kaya napanguso ako..
"Tapos dalawang anak daw.. Isang lalaki at isang babae" sabi niya sa akin habang tinuturo yung daloy ng Future Family Tree na gawa niya. Ang ganda nun, andun yung Picture nung Mga parents niya tapos ng Gf niya.
Tapos sa bunga nila ng Gf niya na si Myril S. Baylon na napakaganda nga naman ay may dalawang picture ng batang lalaki at babae.
"Sino sila?" tanong ko.
"Mga Future na anak ko.." sabay tawa niya.
"I mean yung mga nasa picture?"
"Ahhhhhh" tapos ang laki ng ngiti niya. "Yung magandang batang babae si Myril yan ng bata pa siya.. tapos yung..." parang abnormal tong si Xavier! Panay ang ngiti sa akin!
"Tapos itong pogi at cute na bata ay ikaw.." inunahan ko na siya. "Ang gwapo mo pala.. kahit nung bata ka palang xavy.."
"Kaya hiwalayan mo na si Ganny.. tapos dito kana sa pogi" pang-aasar niya sa akin! Kaasar to.. Pinipilit akong maging kame hehehehehe.
"Adik.." ako na napansin naman na wala pang pangalan yung batang lalaki na siya rin naman na representation ng future son niya. "Bat wala pa siyang pangalan?" turo ko sa picture niya nung bata pa siya.
"Hmmmm wala pa akong naiisip e" mabilis niyang sagot. "Pero yung future daughter ko.. Safari pangalan." pagmamayabang niya sa akin. "Cute noh?"
"Safari?"
'Unique and so Cute... Mahilig na talaga siya sa may kinalaman sa puno at mga halaman..'
"Gusto ko kase ang pangalan ng mga anak ko may kinalaman sa kalikasan na nandito sa mundo.. Safari, bagay sa isang magandang babae.."
"Iniimagine ko palang... parang napakaganda nga niya lalo nat yun ang pangalan niya.. Nice Choice daddy xavy hehehehe" tapos pinoint ko daliri ko sa ilong niyang matangos.
Kinilig naman siya sa ginawa ko!
(^____,^)
'Paano naman si Bonsi? Anak natin yun... sama mo rin dito sa Future Family Tree mo!'
"Gusto ko yung pangalan ng future son ko ay magmula sa isang espesyal na tao sa akin.."
"Hmmmm sa Gf mo.."
Tumawa siya.
"Panget ng gusto niyang pangalan.." parang natatawang kwento niya. "Vert.." banggit niya sa isang pangalan. "Yan ang gusto niyang pangalan sa Future son daw namin.. Pangalan daw ng paboritong character sa binabasa niyang kwento"
"Malayo nga sa gusto mo.."
"Pero sa iba ko talaga gusto magtanong.. kung anong gusto niyang maging pangalan, sakaling magkaanak man ako ng lalaki" bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Isipin mo mag-aampon tayo ng isang batang lalaki, anong gusto mong ipangalan Dennis?"
BIGLA AKONG NAGULAT DAHIL SA SINABI NIYA SA AKIN! WAAAAAAA! KUNG MAG-AAMPON DAW KAME?!
Grabe siya!
"Hala.. nung kalokohan yan"
"Marami pang taon ang lilipas Dennis.. hindi mo parin masasabi kung makakatiis ka sa ugali ni Ganny" seryosong sabi niya. "Pero pag ako talaga ang piliin mo.. pangako, lahat ng bundok na wala ng puno ay tataniman ko mapatunayan ko lang tong nararamdaman ko sayo"
"Xavier.. natatakot na ako sa pinagsasabe mo aaa.." sabi ko naman sa kanya. Bigla naman lumungkot yung mukha niya.
Hinawakan ko rin yung kamay niya ay hinaplos haplos yun. "Ganito nalang.." pagbibigay pag-asa ko sa kanya.
'Assuming ko naman!'
"Sakaling mag-aampon man tayo sa Future ng isang sanggol na lalaki ang gusto kong ipangalan natin ay Forest.."
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)