LEEFORD'S POV Biyernes. Tulad ng ibang birthday party, may sariling tema ang Birthday Party ni Gale. Sabi nina Philip kahapon sa akin ng dalawin nila ako dito sa bahay ay. Formal Attire daw para sa mga lalaki, required na merong half mask tapos kapa sa likuran. Tsss... Kabaduyan. Para naman daw sa mga babae Gown, half mask at pakpak naman sa likuran. Kasama ko si Calvin at Jairu kanina sa mall. Parepareho kameng di kompleto sa susuutin kaya naman bumili kame. Dito narin sila tumuloy sa bahay, para sabay sabay na kame sa pag-alis. "Meowwww.." "Siyempre meron din ang ming ming namin!" si Jairu na kinuha yung isang paperbag ng pinamili. "Iwan lang siya dito.." sabi ko naman. "Dapat kase di kana nag-abala diyan sa binili mo para sa kanya" sabi ko. "Meowwww.." malungkot na sabi ni maul

