CHAPTER 026

1166 Words
DENNIS POV Kanina pa kame magkaharap dito sa lamesa. Pero di kame nagpapansinan, pansin kong nakaabang ang mata niya sa cellphone niya. 'Baka naguupgrade siya ng Level 10 na Town Hall papuntang TH 11... Hmmmmm pwede' Naglalaro rin kaya siya ng Clash of Clan? Hmmmmm.. Pero mukhang fanatic siya ng Subway Surfer eeh. Agad kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya ng bigla siyang mapasulyap sa akin. Agad kong idinako ang sarili ko sa pagkain dito sa lamesa. Birthday pala niya. Di naman kase agad sinabi, Eh di sana nabate ko man lang siya ng Bongga. Nabate? Ay nabati pala---Mali nanaman ako. Haist. (d--___--b) Andame ko ng nakain, isa nalang di ko natitikman yung Yum Burger. Tumingin muna ako kung nakatingin siya---Ayos tulala nanaman siya sa cellphone niya! Kukuha sana ako nung burger ng.. "Meow.." Hinarangan nung Pusa yung ng kamay nito yung mga Burger. Hala! Nagdadamot?! "Paborito niya yan.." biglang nagsalita si Skaterboy. Sa wakas nagsalita rin ang Birthday Boy! Halata nga. Yung pusa niyang cute ay yung Burger nga ang kinakain, nasa ibabaw rin ito ng lamesa habang nasa harap yung isang bukas ng Yum na dinadahan dahan niyang kainin. "Binili ko talaga yan lahat para sa kanya" 'Ano? Para sa pusa na yan yung mga Yum!' "Ah Okay sana sinabi mo agad.." Pusang mahilig sa burger? Dapat Tinik ng isda pinapakain diyan ee! "Pero kung gusto mo hihingan kita kay Maulee" 'Maulee?' Yung GF niya? Owww may God! Pero bakit wala yun dito? Dapat andito siya at sinasamahan tong Boyfriend niya. Pero hihingan niya daw ako ng Yum kay Maulee? Ano ba nahihilo na talaga ako! Di ko na maget's ang mundo! Andito ba si Maulee samin at Invisible siya ngayon? "Hah? Andito GF mo?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang nagulat sa sinabi ko. "Asan?" ako na palinga linga sa paligid. Pero nagulat nalang ako ng Inis siyang kumuha dun sa Yum na nasa tabi ng Pusa niya at pabagsak yun na ibinigay sa akin. Sabay tingin nanaman sa malayo. Hala galit siya? May nasabi ba akong masama? "Ah hindi, sige okay lang.. Balik mo nalang sa pusa mo tong---" "Maulee.." madiin niyang sagot. "Yang ang pangalan niya" sabay tingin niya dun sa pusang sarap na sarap na kinakain yung palaman ng Yum. 'Shet!' "Wag mo sabihing?" napatingin ako dun sa pusa at sabay tingin sa kanya. "Naging Pusa yung Girlfriend mo?" Parang Frog Prince lang--- Pero ibahin natin yung pamagat. 'The Cat Princess' "Wag ng maraming tanong.." siya sabay inis na inilapag yung cellphone sa mesa. "Kainin mo nalang yan.." Ay Galit... Nanahimik nalang nga ako at kinain ko na yung Yum. ***** Almost 30 minutes na ata kame dito sa lamesa at wala nanaman pansinan. Tumingin ako sa orasan sa cellphone ko at nakita kong mag aalas dos na pala. Gusto ko ng umalis pero, naawa ako sa itsura niya. Para siyang may hinihintay na di nanaman dadating. Kaya naman di na ako nakatiis at nagsalita na ako. "May hinihintay ka ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "I mean.. nakita ko kase kanina yung dalawa mong kaibigan—Bakit wala sila dito?" "Tss.." singahal niya. "Kaya naman nahanap mo ako dahil sa dalawang yun.." sabi niya na di ko maget's. "Sinusundan mo talaga ako noh?" bigla niyang tanong. "Ha?!" "O kunwari pa.." nakangising sabi niya. Uyyyy Hindi ahhh ang kapal nito! "Okay lang yan.." siya sabay subo ng isang fries. Tumayo na ako at nakalobo ang dalawang pisnge ko sa inis. "Aalis na ako.." sabi ko sa kanya. "Tapos magtatago ka lang.. tapos hihintayin mo ako umalis dito para sundan ulit?" siya habang may hawak na fries sa kamay at parang sigarilyong nilalaro. "Anong sabi mo?!" "Tss.. Ang slow.." "Eh di ikaw na yung fast.." "Ibig kong sabihin... Gusto mo pa talagang kiligin noh? Para lang pumirmi ka dito?" medyo inis na sabi niya. May God anong sinasabi nito? "Kiligin your face.." ako na tumalikod na para umalis ng makita ko sa likuran ko yung dalawa niyang kaibigan. "Owww mukhang nauna na kayo aa" sabi nung gwapong lalaki' may dala silang dalawang 1.5 na Sprite. Nilapitan ako ng tomboy, tapos pinagmasdan. "Uy naalala kita aaa.. Ikaw yung binubully ni Leeford dun sa mamihan diba?" sabi ng Tomboy sabay lahad ng Kamay. "Im Jairu.." sabi niya. "Tss.." inis kong tinignan si Lucario sa likuran. Buhat buhat na niya yung pusa niya na parang antok narin. Tinanggap ko naman yung kamay ng gwapong Tomboy at nakipagshakehand's nga ako. "Bawal mainlove.." nagulat ako ng ilapit nung Jairu ang mukha niya sa akin. "Ramdam kita.." bulong niya sa akin! Bigla akong kinabahan! Anong Ramdam niya? Tapos iniwan na niya ako at pumunta na siya sa mesa--- Dala niya yung skateboard nilang dalawa nitong isa pang lalake. "Hey.. Maulee tulog ka nanaman? Nak ng pusang to.. tinalo mo pa ang Koala. Halika nga dito" dinig kong sabi nito "Pagpasensiyahan mo na yun si Jairu.. Joker lang talaga yun? --- Ano bang sabi sayo?" Ang gwapo rin nito. Pero Chismoso nga lang. "Ako naman si Calvin.. Nice to meet you...?" Parang tinatanong niya yung pangalan ko. "Dinasaur.." Biglang may nagsalita nanaman sa Likuran! Inis ko siyang nilingon! Anong sabi mong Lucario ka? Luko Luko talaga to! "Yun pangalan niya pre.." sabay tawa ng bahagya. Magsasalita na sana ako pero naunahan pa niya ako. "Tapos ako daw yung Lucario niya" Wahhhhhhhhhhhhh anong pinagsasabi niya?! Nababaliw na ba siya! Speechless ako Grabeeee.. "Ang sweet naman nun Lee.. Dinasaur at Lucario. Ano ba yun?" tanong nung Tomboy. Putcha parang naghihina ako sa sobrang hiya. "Meow.." miyaw ng pusang yakap ni Tomboy na nakatingin sa akin.. Ngingiti ngit pa si Skater Boy ng muli kong ibalik ang inis kong tingin sa kanya. Anong Drama ito? "Nice.. matagal na rin kayong magkakilala?" tanong naman nung Calvin na inanalayan pa ako na bumalik sa kinauupuan. Pero ang sumunod na nangyari ay di ko inaasahan. Tumayo si Skater Boy at inagaw ako dun sa Calvin. "Pre Lucario niya ako diba?" sabi nito sa kaibigan. Hala anong nangyayare? Para akong hihimatayin sa upside down situation na ito. "Dito ka sa tabi ko maupo Dinasaur.. Diba ako yung Lucario mo?" pag-uulit niya sa akin sabay pina-upo sa tabi niya. 'Anong Lucario Ko?! King Ina yan! Hoyyy Meron na akong Ho-Oh!' Wala na akong nagawa kundi maupo nga sa tabi niya at damhin ang pagkaka-abay niya sa akin. Oo inakbayan niya ako! Shett Umiinit ang pakiramdam ko habang naka-akbay siya. Pero kaya ko tong alisin. Tulad nga ng sabi ni Krab dapat lahat ng mukha ay isipin kong mukha niya. Patunay lang yun na kahit malayo si Krab siya lang ang iniisip ko! Deadma lang to! Alam ko naman pinagtitripan lang ako nitong si Lucario! Dahan dahan akong tumingin sa kanyang mukha. Inaasahan kong makita ang mukha ni Krab sa kanya. Pero bigo ako' mukha niya talaga ang nakikita ko. Wa epek bakit? "Tss.." biglang singhal niya sa akin. "O____O" Nagulat nalang ako ng bigla siyang kumuha ng isang French Fries at tinapat yun sa mga labi ko. Kumindat yung noo niya na tila inuutusan akong ngumanga—Na agad ko namang ginawa. Tapos sinubo niya yung Fries na agad sinalo ng mga labi ko. Pero nagulat ako ng maramdamang hindi lang Fries ang nasa gitna ng Labi ko. Kundi kasama ang isa niyang daliri! Gashh.. Naramdaman kong ginalaw galaw niya pa yun, na para bang t**i na pinaglalaruan ng bibig ko. ***** ~ ITUTULOY ~ Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa! - Green Shadow (TheSecretGreenWriter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD