Note: Si Maulee ang nasa gif sa Multimedia Area.
'Opinion pa more! Para Update pa more!' - Author
DENNIS POV
Tulad ng sabi ni Kuya Brenth, andito kame lahat sa lamesa at sabay sabay na kumakain ng almusal.
Lahat din bihis, kabilang na si Kuya Vince na parang papasok na sa trabaho. Nito kaseng mga nakaraang Buwan. Tambay lang siya dito sa bahay, nakamove on na ata.
"Hehehe wag makulit.." biglang nabaling ang tingin ng lahat kay Kuya Brenth. Andun pala sa hita niya si Maulee. Pusang to.. nilalandi talaga kuya ko.
"San mo pala nakuha yan Brenth.." tanong naman ni Kuya Vince na natigil sa pagkain.
"Kay bunso to kuya, may nakaiwan daw sa mall" agad na sagot ni kuya na pinapakain si Maulee ng hotdog.
Hotdog na tender jucy, hindi hotdog ng kuya ko. Wag kayong Ano. Tsk!
Nasa magkabilang dulo si Kuya Vince at Kuya Cliff, na seryoso sa binabasa niyang diyaryo. Kame naman ni kuya Brenth ay magkatabi sa isang side tapos kaharap namin si Kuya Topher, tapos si Kuya Uno na, hanggang ngayon ay nag eemote parin sa nangyare nung nakaraan.
Isa pa yun sa dahilan kung bakit dapat di na talaga ako makipagkaibigan dun kay Lucario, kaaway ng Kuya ko ang Grupo nila! Kaya kaaway ko narin sila.
Pero bakit ba si Lucario tong nasa isip ko, dapat si Krab ang pinoproblema ko. Siya dapat Dennis.
"Bat ka naman kumukuwa ng hindi sayo.." biglang may nagsalita. Tapos alam kong ako yung sinsabihan niya!
Pag tingin ko kay Kuya Clifford ay nakatingin nga ito sa akin.
"Kase kuya naawa ako.." matipid na sagot ko. Ano pa ba dapat sasabihin ko? "Gagawa naman po ako ng paraan para maisauli siya.." para naman mawala yung tensyon sa titig ng abnormal na kuya ko.
Ang sama nanaman e.
"Ano kaba wag na bunso.." sabi naman ni Kuya Brenth. "Gusto na dito ni Meowlee ohh.. diba Meowlee? Meow.."
"Meow.." sagot naman ng pusa.
"Oh kuya Cliff dito na daw siya" nakangiting biro ni Kuya Brenth kay Kuya Clifford. Umiling lang si Kuya Clifford sa sinabi ni Kuya Brenth.
"Meowlee? Nice name.. kaseng ganda niya ang pangalan niya" pagkasabi nun ni Kuya Vince ay biglang lumundag ang malanding pusa sa mesa tapos pinuntahan siya.
Nakangiti namang sinalubong ni Kuya Vince si Maulee na agad naglalambing sa kuya ko . Tila humalik pa ito sa pisnge ni Kuya. Parang nabelieve naman si Kuya Vince sa ginawa ni Maulee.
"Meow.."
"Ang gwapo mo daw kuya!" sabi ni Kuya Brenth kay Kuya Vince. Hala naiintindihan din ni Kuya Brenth ang sinasabi ni Maulee?
"And you're so catly beautifully meowlee.." sabi naman ni Kuya Vince. "Oh bat nakasimangot kayo?" biglang baling ni Kuya Brenth kay Kuya Topher at Uno na parang irita kay Maulee. "Maulee kiss mo nga rin yang mga yan.." si Kuya Vince na pinaharap ang pusa sa side nila kuya Uno.
AT NASGMULA NGA LUMAKAD SI MAULEE PAPUNTA KINA KUYA! SA LAMESA ITO NAGLALAKAD PERO NAIILAGAN NIYA NAMAN YUNG MGA PLATO NA MAY LAMANG PAGKAIN!
Unang pinuntahan ni Maulee si Kuya Topher. Bigla itong umupo sa harap ni Kuya. "Meow.." parang nakaka-awang sabi nito.
"Ngiti ka daw Bro.." sabi naman ni Kuya Vince. Napatingin kame lahat kay Kuya Topher, napangiti ako ng makita kong sinubuan ni Kuya Topher ng isang nuggets si Maulee. Tapos ngumiti ito!
"Sige ngingiti na ako Ms. Meowlee.." binuhat ito ni Kuya topher tapos pinaharap kay Kuya Uno. "Siya nga pangitiin mo.. kase parang laging may regla tong isang to meowlee" pagtukoy ni Kuya kay Kuya Uno.
"Meow.." tapos lumipat ito sa harapan ni Kuya Uno. Si Kuya uno naman kunwari ay di ito pinapansin. Ano nanaman kaya gagawin ng Pusang to. Umayos siya! Wag na wag niyang pipikunin ang Kuya ko!
Alaga ka pa naman ng kaibigan ng kaaway ni Kuya! Humanda ka baka maging palaman ka na ng shopao malanding pusa!
Nakipagtitigan lang si Kuya Uno sa pusang nakaupo sa harap niya. Habang kame ay naghihintay ng kung anong mangyayare. Di naglaon biglang tumayo si Maulee tapos pumunta siya dun sa may platong may laman na hotdog!
AY NAGUTOM ANG MALANDING PUSA!
Pero nagulat kame nang biglang naglakad si maulee subo subo yung hotdog tapos nilagay niya ito sa plato ni Kuya Uno!
"Meow.."
"Hahahahaha" biglang natawa si Kuya Topher ganun din kame siyempre. NakakGV tong malanding pusang to ee. "Bro ikain mo nalang daw yan hahaha.. wag na daw galit"
Napanguso naman si Kuya Uno. Kita kong napapangiti narin siya sa ginawa ni Maulee. "Meow.." biglang dinilaan ni Maulee yung pisnge niya! At nakuha nga ni Maulee si Kuya Uno dun!
"Sige na Ms. Pusa di na ko galit.. pero tama na ang smack aa?" nakangiting sabi ni Kuya Uno. "Wag mong lawayan lahat.."
HAHAHAHAHAHA!
Tawanan kameng lima bukod kay Kuya Clifford. Si manang naman ay tawang tawa habang naglalakad sa Kusina.
Pagkatapos nun ay lahat kame napatingin kay Kuya Clifford na parang inaabala ang sarili sa cellphone niya.
NAPATINGIN SIYA SA AMING LIMA.
"Ano yang mga tingin na yan.. bilisan niyo na dyan.. Aaalis na tayo" seryosong sabi ni kuya.
"KJ mo bro.." sabi naman ni Kuya Vince. Sinamaan lang siya ng tingin ni Kuya Clifford.
"Wag na wag niyong palapitin sakin yang pusang yan.." banta nito sabay lagok ng iniinom niyang kape.
'KJ Talaga ni kuya..'
"Meowlee.. sige nga puntahan mo nga yun" turo ni Kuya Vince kay Kuya Cliff. "Sabihin mo Meowlee.. wag ka ng paalisin dito.. dali" nakangiting sabi ni Kuya Vince. "Mabait yan wag ka mag-alala.. Pero pag may ginawa sayo kalmutin mo Hahahahaha" mag-isang tumawa si Kuya Vince.
Habang kameng apat ay nagpipigil lang.
BAKA MAGALIT EE..
Yung malanding pusa naman ay di na nag-atubiling maglakbay sa mesa papunta kay Kuya Clifford. Patay.. Maulee umayos ka, baka Diyan maging palaman ka na talaga ng Shopao! Tapos baka gawin ka pang Sisig!
Ako yung natatakot para kay Maulee. Tahimik kameng lahat dahil hinihintay namin ang kalandiang gagawin nitong pusang to. Sheet baka ihagis siya ni Kuya Clifford.
Nakatayo lang si Maulee sa harap ni Kuya Clifford. Habang si Kuya Clifford naman ay ang sama ng tingin dito. "Shu..." pagtataboy ni Kuya Cliff sa pusa Hehehehe, halatang iretable siya.
Pero sa pagtataboy niyang yun a di niya natinag si Maulee! At ang sumunod ngang nangyare ay di namin inasahan!
Tumalon si Maulee papunta sa ulo ni kuya cliff! Halos mapatakip ako ng bibig dahil sa ginawa nito!
Pero ANG CUTE NILA!
"Hahahahahahahaha" sabay sabay kameng natawa dahil sa itsura ni Kuya Clifford habang nasa ibabaw niya si Maulee na kayang ibalanse ang katawan na parang nakahiga lang sa isang pugad!
"Bro ang cute niyo!" si Kuya Vince na kinunan pa ng picture si Kuya Clifford.
"Paalisin niyo tong pusang to.. ihahagis ko talaga to!" inis na sabi nito sa amin. Pero kame ay tuloy tuloy lang sa pagtawa.
"Meow.."
"Oh Cliff.. aalis daw siya pag.. dito mo na siya patitirahin" sabi naman ni Kuya Vince. Patuloy parin kame sa pagtawa dahil nga sa itsura parin ng dalawa.
Hindi ko tuloy mapigilan na maluha ng bahagya. Ito yung pinapangarap kong mangyare sa amin. Yung magkaroon kame ng bonding na ganito. Pero may kulang nga lang.
Our parents and Kuya Rain.
"Oo na!" bigla ulit akong napatingin ng makitang pilit inaalis ni Kuya Cliff si Maulee sa ulo niya. "Oo dito ka na.. Umalis ka na sa ulo ko! Shu.." natawa tuloy ako sa nagiging reakyon ni Kuya.
Hehehehehe ngayon ko lang nakita siyang ganyan.
"Alisin niyo na to sabi ee!" pero panay tawa lang sila Kuya Vince. Pero bigla siyang tumingin sa akin. "Bunso.."
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
*DUG!*DUG!*DUG!*
Halos lumundag ang puso ko sa saya ng tawagin ako ni Kuya Clifford na 'Bunso' na may lambing pa. Parang gusto ko magtatalon sa sobrang saya. Huling tinatawag niya akong bunso ay nung nagsimba kame ..
FLASHBACK...
Pagkatapos .. kumanta ay binitawan na namin ang kamay nang-isat'isa .. Ayaw ko pa sanang bitawan ang kamay ni kuya clifford .. I want to hug him and i want to say sorry .. pero di ko kaya.
Maya maya lang .. may sinabi muli si father ..
"Let us offer each other the sign of peace"
Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko .. pero for the sake of forgiveness kaylangan ko tong gawin
Tumingin sa akin si kuya rain at ako naman sa kanya .. nakangiti pa kaming sinabi namin ang katagang "peace be with you", sa isat isa ..
At ...
Ito na nga ... lumingon na ako kay kuya clifford na parang hiyang hiya .. nagulat ako ng nakangiti siya sa akin sabay sabing ..
"Peace be with you bunso"
END OF FLASHBACK...
"Pakitanggal naman.." agad akong tumayo para sundin si Kuya.
'Ouchhhhhhhhhhhh!!'
Para akong naging estatwa ng maramdaman kong kumirot yung paa ko. Shettttt! Sa sobrang ka excitedan ay naiuntog ko nanaman yun sa paa ng upuan ko!
ANG SAKET..
"Anong nangyare sayo?" biglang tanong naman ni Kuya Vince. "Bat parang natatae ka bunso?"
'King Ina.. Kumakain tayo Kuya Vince!'
Tawanan nanaman sila at ako na yung pinagtatawanan.
"Ah masakit kase kuko niyan Kuya.. nauntog ata kung saan" sabi naman ni Kuya Brenth na tatayo na sana para kunin si Maulee sa ulo ni Kuya. Pero agad akong kumilos at ininda ang sakit!
"Ako na.." pigil ko kay Kuya Brenth. "Hehehehe" tapos nginitian niya nalang ako at umupo nalang ulit.
Hindi ko pinakitang kinikirutan ako sa nangyare sa kuko ko kay Kuya Cliff ng lumapit ako sa kanya. "Li ka na Maulee.." sabay kuha ko dito sa ulo ni Kuya Cliff. Pusang to masyadong agaw eksena!
"Meowlee bunso.." sita sakin ni Kuya brenth.
'Oo na!'
Naupo nalang ako ulit kasama si Maulee at tinuloy ang pagkain. Malelate na kase kung more bonding pa hehehehe..
Okay na yung time na yun. Napawe lahat ng kalungkutan sa Puso ko, nagkaroon tuloy ako ng mas matatag na loob para harapin ang tampuhan namin ng Krab ko.
I Love you Krab alam kong magkakabati rin tayo soon.. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita.
Kaya sana wag kana galit sakin.
(--____--)
*****
Pagkatapos kumain ay lahat kame nasa labas na para sumakay sa sasakyan. Buhat ko pa nun si Maulee ng marealize kong di siya pwede isama sa eskwela.
"Maulee.. iwan ka muna sa bahay aa" sabi ko dito. Pero parang sumimangot ang mukha nito!
"Bigay mo na si Meowlee kay Manang bunso.." utos ni Kuya Brenth sakin. Bibigay ko na sana siya ng bigla itong tumalon!
At may ginawa nanamang eksena ang malanding pusa!
"Meow..! Meow..! Meow..!" tapos gumulong gulong ito dun sa may Garden! Hala anong nangyayare dito sa pusang to!
Nakuha nito ang presensiya ng lahat at halos matawa nanaman kame.
"Hala ayaw ata magpa-iwan bunso.."
'Anong ayaw tumigil ka ngang pusa ka! Sumusobra ka na!'
"Meowlee?" si Kuya Brenth na pinigilan sa pagulong si Maulee. Huminto naman ito tapos binuhat na ni Kuya Brenth. "Ayaw mo ba magpa-iwan?"
"Meow.."
"Ayaw niya daw bunso.." sabi ni Kuya Brenth na nakatingin sakin. "Bawal siya sa amin.." sabi ni Kuya Brenth.
Tapos tumingin kame kina kuya Vince at Kuya Clifford na parang naiinis na dahil sa eksena ng pusang to. Hala baka magalit nanaman sakin si Kuya Cliff, dahil sa pusang to!
"Di rin siya pwede sa Opisina.." sagot naman ni Kuya Vince.
"Bunso.. pwede siya sa inyo" biglang sabi sakin ni Kuya Brenth. Pero umiling ako!
"Di rin kuya.. bawal dun mga alaga.."
"Pwede yan.. ako bahala, kokontakin ko si Ganny."
NAGULAT AKO SA SINABI NI KUYA! HOMAYYYGADDDD DI NIYA PWEDE MAKA-USAP SI KRAB!
Baka kung anong.. Basta! Di pwede!
"Ahh.. geh ako na bahala kuya.. Ako na bahala magsasabi kay Ganny"
"Sige kaw nalang.. malakas ka dun ee" sabay ngiti ni Kuya na parang may ibang kahulugan.
"Sumakay na kayo.. tapos na ang usapan" biglang singit ni Kuya Clifford. "Ikaw na magdala sa kanya, diba kaibigan mo naman yung anak ng may-ari ng eskwelahan? Maki-usap ka kahit ngayon lang.."
'Ka..ibigan ko po yun kuya at ngayon may pinagdadaanan kame.. (--.--)'
"Sige po.. kunin ko lang po yung bag na lagayan niya sa taas.."
"Ako na iho.." biglang pagsasalita ni Manang. Buti naman at nagkalinya na to kala ko patay na to sa kwento ee! Mabuti narin na si Manang na kumuha, sakit pa ng paa ko ee!
"Ah sige po.. Yung rope bag po nasa ibabaw lang nung kama."
"Sige.."
Isa isa na nga silang sumakay sa sasakyan. Habang ako naman ay nakatitig kay maulee. Gagamitin mo ngayon ang poser technique mo! Mgapapanggap kang laruan!
Pero natutuwa ako sayo ngayon, nagustuhan ka ng mga kuya ko. Hmmmmm papakilala rin kita kay Krab! Siguro magugustuhan ka rin niya! Tapos di na sa akin magagalit si Krab!
Kinuha ko yung cellphone ko at nagselfie ako kasama si Maulee. *Click!* Ayun! Ang ganda ng Kuha.
Maya maya naman ay dumating na si manang dala yung rope bag. Inilagay ko na dun si Maulee at pumasok narin ako sa sasakyan. Nasa likod kame ni Kuya Brenth magkatabi, sa gitna naman si Kuya Uno at Topher at sa unahan si Kuya Vince at kuya Cliff..
Habang nasa byahe ay chinat ko si Krab.
'Krab ko.. ano ng gawa mo? Hehehehe ako papasok na krab ko.'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
SEEN
(--___--)
'Krab ko alam mo ba ang sakit ng paa ko ngayon.. nauntog kase sa paa ng kama.. ang kirot krab ko'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
SEEN
(U____U)''
'Krab ko may ipapakilala ako sayo..'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ting!
Nagreply si Krab! (o^___^o)
Krab Mendez: ../..
Nalungkot ako ng makita ang reply niya. f**k you sign ang reply niya sa akin. Pero Okay lang hehehe part yan ng tampu niya sa akin.
Sinend ko na nga yung Picture ko kasama si Maulee kay Krab.
'Krab meet maulee.. hehehehe alaga namin sa bahay'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ting!
Krab Mendez: Pusa? Bigay ng lalaki mo? Tamang tama yan sayo!
'Bakit Krab? Krab ko wag kana galit sakin please... Krab wala nga akong lalaki.. Maniwala ka naman please..'
Krab Mendez: Bagay yan sayo! Pakamot ka! Diba sobrang kinakati ka yang pwet mo!
(+____+) Ouch... pero okay lang.
'Hindi krab, kung may kakati man sa akin.. Yun yung pagkakati ng puso ko dahil hinahanap hanap ka nito..'
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ting!
Krab Mendez: Tang Ina dinamay mo pa ko sa kakatihan mo! Kung di kaya ng kuko ng Pusa pakamot ka sa back hoe! Tapos palibing ka narin diretso! Pwe!
Biglang may butil ng luha na tumulo sa mga mata ko. Agad kong naibaba yung cellphone at napatingin nalang sa bintana ng sasakyan.
"Bunso? May problema ba?" biglang tanong sakin ni Kuya Brenth. Agad ko namang tinignan si Kuya. Umiling ako.
"Medyo kumikirot lang yung kuko ko na may tama.." pagsisinungaling ko sa aking Kuya Brenth.
'Yung puso ko kuya.. durog na durog na..'
(╥╯﹏╰╥)
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)