NOTE: Published na pala ang Book II ng "My Love from the Street". Pakihanap nalang sa Work Section ko. Or PM me for the Link.
Nga pala maikli lang Update ko ngayon kase sa Computer Shop lang ako nagtype. Sira parin kase Charger ko. Hmmmmm sana wag ako ma ColombiaZoned ng mga nangako sa akin na tutulong para mapa-ayos yung Charger ko.
Konting tulong lang po. Kahit tig sesengkwento lang po. Salamat in Advance.
((^___,^))
DENNIS POV
Dalawang araw na ang lumilipas pero di ko parin malimutan ang halik ng damuhong yun. Lips to lips talaga ang gagstie!
Iniisip ko yun habang nakatingin ako dito sa Keychain na bigay niya sa akin. Oo bigay niya sa akin!
*****
"Hey.." aniko.
Huminto ulit siya!
"Bakit?" Seryoso niya ulit na tanong! Bakit nalang ba ang tanging lumalabas sa bunganga nito?!
Bigla akong napatitig sa mga mata nito! Parang pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga matang yun.
Hinihigop upang lumapit sa kanya! Hinihigop niya ang buong pagkatao ko! Sa titig niyang iyon ay tila hinahalukay niya ang utak at puso ko! Parang kaya niyang guluhin ang laman ng mga iyon!
Sheeet sino ka ba?!
"Bakit?" Inis na nitong tanong. Dun ay muli akong natinag.
"Aaaa nahulog mo ata?" ako sabay lahad ng kanang kamay ko kung nasaan yung skateboard na Key Chain.
Tinitigan niya ito at mabilis na tumalikod.
"Sayo na.." aniya sabay alis.
*****
So bigay niya nga ito sa akin!
"Ano yan?" dinig kong sabi ni Krab. Pagtingin ko sa monitor ay di naman siya nakatingin sa akin! Tsk super Busy!
Abala siya sa sinusulat niya sa mga niresearch niya. Madame daw silang takehome Task.
"Wala" matipid kong sagot sabay pangalumbaba sa harap ng Monitor. "Krab busy ka parin?" malungkot ko ulit na tanong habang nakanguso sa harap ng camera. Di niya ako pinapansin.
Mas love na niya ata yung Ballpen at Papel.
((-___-))
Mula sa pagkakatitig ko sa kanya na abala sa ginagawa ay nagring yung cellphone niya sa kabilang linya. Di man lang ito tumingin sa akin bagkus ay mabilis na sinagot yung tawag.
*****
"Napatawag ka?" sabi niya sa kausap sa cellphone. "Ay Oo nga pala, bukas na ba yung pasahan nun?"
((>____>))????
Tagalog ang usapan nila? Eh di pilipino ang kausap niya ngayon.
"Pwede bang magpabili nalang sayo?" nakangiting sabi pa nito. "Daanan ko nalang sa bahay niyo mamaya"
At magkalapit pa bahay nila?! Naiinis na ako.
"Hehe ganun?" nakangiting sabi pa niya. Actually nakagilid siya sa akin ngayon kaya di niya talaga ako napapansin. Ewan ko ba kung sinasadya niya.
"Krab.." mahinang tawag ko.
"Sige sama ako.. What time?"
Buysit na to! Iloudspeaker mo nga yan!
"Ah Okay.. Uhmmm" parang napa-isip pa siya sabay napatingin sa akin. Alam kong nakabusangot na ako nun at salubong na salubong na ang kilay! Sumenyas siyang wait lang sa akin!
Sabay balik sa kausap.
"Im not Busy.. Yeah I will go with you"
'Im not Busy.. Yeah I will go with you'
'Im not Busy.. Yeah I will go with you'
'Im not Busy.. Yeah I will go with you'
THAT LINE BREAK'S MY HEART.
((--____--))
Isasara ko na sana yung Laptop ng bigla siyang magsalita. "Krib!" siya na nakatingin sa akin, na parang nag-aalala. "Sige see you later nalang" sabi niya sa katawagan niya sabay harap na ulit sa akin.
Magsasalita sana siya ng bigla ko siyang unahan.
"Don't Worry I Understand" sarkastikong sabi ko. "Go to your call mate" ako sabay inis na tumingin sa malayo. May konting luha na umagos sa mga mata ko.
Naiinis ako sayo Ganny!
'Busy daw siya nitong kaharap ako sa Skype.. Pero nung may tumawag! Wow bilis nagbago ng status! Hindi na daw siya Busy! Clap Clap!'
Tang Ina yan!
"Let me explain okay?" sabi niya sa harap ng monitor. "Sinabi ko yun dahil kaylangan.. may Project kase kame sa Physic---"
"Go.. Just Go.." inis na sabi ko.
"Krib?"
"I Understand na diba?" inis akong tumingin sa monitor. "Kaya no need to explain na!" pasigaw na sabi ko.
"Sinisigawan mo ako Krib?" malungkot na sabi niya. Lungkot lungkot ang King Ina! Boseeet na to!
"Hindi, binubulungan.." inis na sagot ko.
"Sige hindi nalang ako sasama.." sagot niya sabay kuha sa cellphone niya. "Dito nalang ako sa kwarto sa harap ng Monitor para kausapin ka.." siya na seryosong nagpapaliwanag sa akin. "Bahala ng bumagsak bukas.." siya sabay tayo at tila lumabas sa Pinto dala ang cellphone niya.
Pero maya maya ay dumating siya. May dalang isang garapon ng Nutella. Nilapag niya yun sa harap ko. Tapos kinuha niya pa si Krib na stuff toy's.
Binuksan niya yung garapon at gamit ang daliri niya at kumuha siya ng nutella at sinubo yun, kasabay ng paghawak niya kay Krib patapat sa mukha niya.
"I Miss you Krib.." sabi niya sa harapan ng Stuff toy na alimango. Nagulat din ako ng makita ang munting butil ng mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi ko maintindihan pero ramdam ko ang kalungkutan sa mga mata ni Krab. Bigla siyang humarap sa akin, para siyang timang medyo may dungis ng tsokolate yung labi niya.
"Lagi akong nagdadala nito.." pagtukoy niya sa Nutella. "Lagi ko ring dinadala si Krib" malungkot na pagkwento niya. "Alam mo ba tuwing naalala kita.. ganito ang ginagawa ko"
"Krab.."
"Sa ilalim ng puno bago magbell sa School Class ay lagi kong kinaka-usap si Krib. Mahigpit na pinagbabawal kase Krib sa School na pinasukan ko ang paggamit ng cellphone Krib"
Para naman akong naguilty dahil sa pag-iinarte ko.
"Sa pamamagitan nun naiibsan nun ang pagkalungkot ko sayo.. Iniisip ko kase ikaw yung nasa harap ko.. Pinagsasaluhan nating dalawa yung Nutella" may bahagyang kusiplap patulo sa kanyang pisnge. Tiyak ang butil ng luha yun na aking nakita kanina.
Nawala yung galit ko, nawala yung inis ko.
"Ang pinapaborito ko talaga sa lahat yung natulog tayo sa ilalim ng puno habang puno ng Tsokolate sa mukha"
"Krab Sorryy.." napaluha narin ako dahil sa muli kong naalala ang mga masasayang ala-ala namin.
"Kaya sana maunawaan mo ako Krib.." napabuntong hininga naman ako sabay kuha ko rin kay Krab na stuff toy's.
"I Miss you too Krab.." sabay kiss ko sa Alimango. "I love you.." na sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa alimango.
"I love you too.." siya na ginaya ang ginawa ko sa mga stuff toy's naming alimango.
Bigla niyang tinapat sa monitor yung kamay ni Krib--- Ginawa ko nga rin yun at naging puso nga ng magkonekta ang dalawang sipit ng mga alimango kahit malayo sa isat isa.
"We are connected no matter how far we are to each Other" siya sabay ngiti sa akin na. Na ginantihan ko naman.
"And no matter how long we are far from each other" sabi ko naman.
******
Nakatulog pala ako pagkatapos ng usapan namin ng Krab ko. Wala rin akong nagawa kundi payagan siya sa lakad niya. Importante daw kase.
Intindihin mo nalang kase Dennis. Oo na iintindihin ko na. Tutal sabi naman niya lalaki daw yung Classmate niyang Pinoy din.
Mauricio nga yung pangalan sa Contacts niya ee. Hmmmm di na yun mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay nakasurvive nanaman ako sa Other Loneliness nitong Love Story ko.
Pagtingin ko sa orasan ay alas dose na pala. Magsisismba nga pala ako ngayong araw. Di ako nakasama sa pagsimba ng mga kuya ko kaninang umaga sa Chapel dito sa Subdivision kaya magsosolo Mode ako.
Sa MOA ako magsisismba--- Yung simbahan dun malapit sa SMX.
Tsaka gusto ko rin kase magpalamig, sabi rin sa akin ni Krab. Okay lang daw sa kanyang Gumala ako—Wag lang daw Lumandi. Okay lang daw din lumandi basta isipin ko daw lahat ng Mukha ng mga lalaki ay kamukha niya.
Mukhang timang noh?
Pati daw yung mga umbok ng makikita ko isipin ko daw Umbok niya. Haisssst adik talaga magpatawa yun!
Bumangon na nga ako dito sa kama at nag-ayos na ng susuutin ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo.
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)