By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full -------------------------- “K-kuya…? Ang sambit ko uli noong hindi pa rin siya natinag sa kanyang posisyon. Ngunit hindi pa rin siya kumibo. Hindi rin siya kumilos. “Kuya, sagutin mo naman ako, o. Please…?” ang pagmamakaawa ko. Wala pa rin. Dahil may napansin akong kakaiba, tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha. Nagpaubaya naman siya. Nang natanggal na ito, lumantad sa akinng paningin ang nakapikit niyang mga mata ngunit ang kanyang pisngi ay basang-basa sa mga luha na patuloy pa ring dumadaloy. Umiiyak si Kuya Rom at pilit niyang itinago ang sakit ng kanyang paghihinagpis. “Kuya… mahal na mahal kita!” ang nasambit ko sabay yakap sa kanya at halik sa kanyang mga labi. Hindi pa rin siya tuminag, hina

