By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ----------------------------- Ngunit lalo pa akong nagpumiglas hanggang sa marahil ay naisip niyang hindi talaga ako bibigay, kusa na niya akong pinakawalan. Iyon ang unang pagkakataong hindi ako nagpadala sa bugso ng kanyang kagustuhan. Dati-rati kasi, kuhang-kuha niya ang weakness ko at kahit umaayaw pa ako o kaya’y nagmamaktol, alam niyang bibigay din ako. Ngunit iba ang sitwasyon sa pagkakataong iyon. Habang ipinaramdam niya sa akin na na-miss niya ako o nananabik siya sa akin, matinding galit pa rin ang nananalaytay sa aking kaugatan. Inalipin pa rin ang utak ko sa matinding pagkamuhi sa kanya. Tumayo siya, bakas sa mukha ang pagkadismaya at sama ng loob, tumalikod, at walang pasabing tinumbok ang pintuan ng aking kuwa

