By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Balik normal na naman ang lahat sa amin ni Kuya Rom. I mean, iyong ganoong set-up na parang kami ngunit hindi. Ewan, basta parang ganoon. Hindi ko nga alam kung MU bang matawag iyon. Kasi nga, mag-kuya ang nakalagay sa “official” registration ng mga utak namin. Sabagay, baka hindi rin naman pero wala lang gustong umamin sa amin. Oo, may singsing ako sa kanya, sa thumb nga lang. Oo, may nangyari sa amin, ngunit wala namang sinabi iyong tao na may relasyon na kami. Kumbaga, dedma iyong tao kung mahal ba niya ako o hindi. At syempre, ayaw ko rin namang mag-open sa kanya na mahal ko siya. Baka mamaya, mapahiya lang ako. Ngunit kahit pa man sobrang nakakaloka ang set-up namin, kina-career ko ang pagk

