By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------------ Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang may ibibigay siya sa akin ay agad akong tumagilid paharap sa kanya, “Talaga Kuya? A-ano...?” ang excited kong tanong. Tumayo siya sa kama at tinumbok ang nakalatag na pantalon sa sahig, dinampot ito at may dinukot sa bulsa. Noong makuha na ang bagay na iyon, itiniklop niya ang kamay sa paghawak nito habang pabalik sa higaan. Umupo siya sa gilid ng kama, iniabot sa akin ang nakatakip pa ring kamay. Noong tiningnan ko ito, inilantad niya sa akin ang laman sabay sabing… “Surprise!” At bumulaga sa aking mga mata ang kanyang sorpresa. “Wahhhhh! Singsing!” ang sambit ko sabay balikwas at upo sa kama. “Thumb ring.” Sabi niya sabay hablot sa kanan kong kamay it i

